CHAPTER TWELVE

1152 Words
JACKIE "Makalabas?" Mahina akong tumawa. "Hindi ko pwedeng gawin iyon, isa ako sa masters na tinuturing nila kaya wala akong karapatan na palayain ka." "H-hindi talaga pwede?" Gumaralgal ang boses nito. Kung hindi ko siya matutulungan, sugurado naman ako na matutulungan niya ako. Hawak ko ang buhay niya kaya wala na siyang magagawa kundi ang gawin ang nais ko. Alam ko naman na may binabalak siyang gawin kaya nga niya gustong makalabas. "Oo," proud kong sagot. "Hindi—" Namilog ang mga mata ko. Mabilis niyang pinansalag ang wrist watch niya at tinalon ang mesa, hinawakan din niya ang dulo ng Samurai at pinaikot sa ere dahilan para mabitawan ko ito. Hinatak niya ang kwelyo ng aking damit at inumpogt ako sa edge ng lamesa.  "Edi hindi kung hindi," itinarak niya rito ang Samurai bago lumabas ng opisina. Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw dahil sa ginawa niyang iyon hanggang sa isang estudyante ang pumasok sa loob, may dala siyang mga papel. "May bago po kayong task, galing po ito kay Master Yula." Kinuha ko iyon at pinaalis na siya. Umupo ako sa swivel chair at biansa ang nilalaman. Dito nakalagay ang mga bagong pangalan na aking tatapusin, nakapaskil sa curriculum vitae ang mga mukha at ang katayuan nila. "75 people? Medyo marami 'to kumpara sa dati," bulong ko sa sarili. "Mahigit dalawang buwan ang kailangan kong gugulin para matapos ang misyon ko." Kinuha ko ang telepono at tinawagan ang tinatawag nilang Eagle-Eyed, "Master," tugon ng nasa kabilang linya. "Pumunta ka rito ngayon din," utos ko at pinutol na ang tawag. Hindi rin naman nagtagal at nasa harapan ko na kaagad siya, nagbigay pugay ang lalaking naka-maskara. Ibinigay ko sa kanya ang papel na nasa ibabaw ng folder. "Gusto kong manmanan mo siya," Tumango siya, "Bukas ko na po---" "Ngayon, ngayon mo na kailangang gawin iyan." "Pero wala pa po sa oras, malapit nang magtapos ang araw kaya hindi na tayo makakasagap ng atensyon," pagpapaliwanag pa nito. Hinugot ko ang armas at itinutok sa kanya, "Gusto mo bang tapusin na kita?" "H-Hindi po," umiling siya nang umiling bago dali-daling umalis.  Hinatid ko siya ng masamang tingin at isinara ang pintuan sa pamamagitan ng pagbato roon ng upuan. "Humanda ka talagang Axl ka, mali ka ng kinalaban." (Tok tok tok) Hindi ako sumagot at pinindot ang button an siyang nakakonekta sa alarm sa itaas mismo ng pintuan. "Master, wala na sa lungga niya si Axl," tugon ni jared, kasama niya sa likuran niya si Death Slayer. "Kunin niyo ulit siya at ikulong. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya," isinuksok ko sa holster ang hawak at tumayo. "Hindi niya ako kilala at hindi niya alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanya." "Masusunod po," nag-bow sila at sumabay sa pag-alis ko. Naghiwalay kami ng daraanan paglampas namin sa lobby, tinungo ko ang collection room, pinagmasdan ko ang mga puso sa loob ng stante. Nasa pinakaitaas ang puso ni Teacher Adanya, nakapaloob ang mga ito sa isang glass freezer upang ma-preserve at hindi mabulok. Bawat puso ay sumisimbolo sa accomplishment ko sa araw-araw. nagsimula lang naman akong pumatay nang mapunta ako sa posisyon ko. kailangan kong gawin ang pinag-uutos nila para makakuha ako ng malaking halaga ng pera. Nagkakahalaga ng tatlong milyon ang isang pares ng mata na binibigay ko kay Master Yula. Hindi ko alam kung para saan iyon basta ang alam ko lang, nabubuhay siya dahil doon. "AAAAAAAAAAAAHHHH!!!" Nagmamadali akong nagpunta sa Wide Plaza, natapos na niya ang unang misyon. Bukas naman. Sa 'di kalayuan, nakita ko ang Brotherhood na nagbubulungan. Nariyan na naman si Hamida na may hawak na manika, si Haji na may hawak na papel at panulat, si Zelofina na nakadikit lang sa kanila at kung anu-ano ang sinasabi, at siyempre si Axl na may hawak na aparato. nagawi ang tingin nila sa akin at tinawag ako. Mabilis naman akong lumapit sa kanila at naki-usyoso. "Nasa Voodos ang gumagawa ng mga ito," si Axl. "Pero hindi ko pa alam kung sino sa kanila." "Hindi kaya si Madam Ula?" saad ko. "Hindi nga siya!" "Bakit mo ba pinagtatanggol 'yang kriminal mong guro?" Si Haji na ang nagsalita para sa akin, "Kung siya naman talaga ang may kagagawan nito bakit hindi mo na lang tanggapin?" "Lalaki nga ang gumagawa, hindi ba?" pagdugtong ni Zelofina. "Pero babae ang nag-uutos," nanatili ang mata ko sa kawawang estudyante. "Hindi malayong ang namamahala sa departamento niyo ang siya talagang may pakana." Tikom ang bibig niyang umalis. Hindi na siguro niya nakaya ang pinagsasabi namin tungkol sa teacher niyang anak na ang turing sa kanya. Masyado kasi siyang mabait kaya lahat ng tinuturuan niya napapamahal sa kanya. "Sumosobra na kayo," iyon ang lang ang sinabi ng kaibigan niya bago siya sumunod sa kanya.  "Psh," sinilip ko kung ano ang nakalagay sa papel niya. "Bakit mo sinusulat yung mga nawawalang parte ng katawan niya?" Kami na lang tatlo ang naiwan dito. Hindi na lumabas ang mga tao lalo na't alam naman na nila kung ano ang nangayri. "Nagtataka na kasi ako, sa tuwing may namamatay na lang laging may marka sa noo, nawawala ang pares ng mata, at butas rin ang kaliwa nitong dibdib," dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Hindi kaya cannibal ang gumagawa nito?" "I think so," singit naman ng kasamahan niya. "baka masyado niyang sineseryoso ang tawag natin sa kanya na Eagle-Eyed," sinulyapan niya ako.   "Aalis na ako. Makikipag-ayos lang ako sa dalawa," naglakad na ako palayo. Pagpunta ko sa loob ng classroom, masama agad ang titig nila sa akin. "Sorry,"  "Sinapian ka ata ng mabuting espiritu," bungad ni Hamida, "O baka naman nakikipag-plastikan ka na naman?" Umiling ako, 'Wala naman akong makukuha kung hindi ako magpapakatotoo,"  "Sana magbago ka na," mabait talaga si Zelofina.  "Sana nga," (KRING! KRING!) "Hello?" "Magsisimula na ang klase," isa sa mga facilitators ng Corion ang tumawag sa akin. "Papunta na po jan," isinuksok ko sa bulsa ang telepono. "Paano ba 'yan, aalis na ako." "Sige, h'wag ka nang bumalik," si Hamida. Patakbo kong pinasok ang departamento ng Corion at umakyat sa second floor kung saan nakatayo ang classroom namin. "Sorry po, late." "Saan ka ba nanggaling?"  "Sa kabila lang po." "May bago na namang biniktima ang Eagle-Eyed," sambit ng isa sa mga kaklase ko. "Nakakatakot nga, eh." "Oaky, h'wag na tayong mag-aksaya ng oras, pakilabas na ang mga armas niyo." Hinugot ko ang Samurai. "Hindi na po ako kumuha ng bago kasi mas sanay na akong gumamit nito tsaka naubusan na rin ng oras," pagpapaliwanag ko. Hindi naman na siya umangal at sinimulan nang magturo. Isa-isang lumapit ang mga facilitators para sanayin kami sa mga nakuha naming bagong armas. "Paano kita tuturuan kung iyan pa rin ang sa iyo?" Natawa na lang si Master Jia.  "Maglaban na lang po tayo." Tumango ito pero sisimulan na sana namin nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Nanggagaling ang tunog na iyon sa Sarkasa, napangiti ako. Mission accomplished!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD