"How is he, doc?" kinakabahan tanong niya sa personal na doctor ng Don. Hindi nakaligtas sa mapanuri niyang mga mata ang reaksyon ng manggagamot, dinig din niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito. Pagkaraan ng ilang s3gundo ay lumapit ito sa kanya kasabay ng pagtapik nito sa balikat niya na sinundan ng pag-iling at pagyuko. "I'm sorry, hijo. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko." Pakiramdam ni Terrence ay muling naulit ang sakit sa dibdib niya noong mga panahong nasawi sa malagim na aksidente ang pareho niyang mga magulang. Pigilin man niya ang mga luha ay lalo siyang naging emosyonal sa pagkakataong iyon. Indeed, Don Ignacio is gone. Iniwan na sila ng ginoo katulad ng mga magulang niya. Wala na rin ang taong itinuring niyang pangalawang ama at humaligi sa kanya sa pamamahala sa m

