"Alam kong alam ninyo kung na saan si Jean, please tell me saan ko siya makikita?" Bakas sa mukha nito ang pagnanais na makita ang dalaga. He felt that without Jeannie in his life, the world seems nothing to him. It's definitely slowly killing him. At habang dumadaan ang mga araw na hindi niya ito nakikita, nasasamyo at nahahalikan pakiwari niya'y tuluyan na siyang mawawala sa tamang katinuan. "Para ano, Terrence? Para saktan ang kaibigan namin? Doon ka sa babae mo!" galit na turan dito ni Maritony. "What?! What the hell are you talking about?" "At nagmamaang-maangan ka pa ngayon ha? Ang lakas naman ng loob mong itanong sa amin kung na saan si Jean. Puwes sorry to tell you this but you could no nothing from us." Saad dito ni France at umaktong sinara ang bibig gamit ang dalawang daliri
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


