Zhelee Angela's Pov WALA akong pasok ngayong araw dahil sabado. Meron dapat akong PE pero nag send sa group chat ang teacher namin na wala daw muna siya kaya wala kaming PE ngayon. Kanina pa ako gising at nandito ako sa bakuran ni kuya Killian. Parang gusto ko kasing taniman ang bakuran na 'to dahil ang lawak pa. Parang kulang na kulang kasi kaya gusto kong magtanim. Pero problema ko ngayon kung saan ako kukuha ng itatanim dito. Buti pa do'n sa bahay namin maraming pwedeng hingian ng itatanim na halaman. Kapag hindi pa nagbigay nanakawin ko nalang. Dito kasi ay hindi pwede. Wala namang kapitbahay si kuya Killian eh. "Ano kayang magandang itanim dito?" Tanong ko pa sa sarili ko. Bunot lang ako ng bunot ng damo hanggang sa maramdaman ko na may tao sa likuran ko. Napangiti ako ng mak

