Zhelee Angela's Pov NAKATITIG ako kay kuya Killian na nakanguso habang nakaupo sa kama ko. Ayaw niya kasi akong pumasok muna sa school dahil siya na daw ang bahalang kumausap sa mga teacher ko para sabihin na magbabakasyon pa ako at mag s-special class. Ayaw ko naman pumayag dahil sure ako na may bayad kapag nag aral ako ng special. Pero pinagdidiinan talaga niya na siya ang magbabayad. "Nakanguso ka parin diyan, kuya Killian. Sabi ko na eh.. labag sa kalooban mo ang pag payag na pumasok ako sa school." Sabi ko sa kanya. Napabuga naman siya ng hangin at halatang hindi talaga siya masaya. "Bilhan nalang kita ng school na para sa'yo, My Zee. Dito ka nalang sa tabi ko." Sabi niya kaya napamot ako sa likod ng ulo ko. Simula kasi na may mangyari sa'min ng ilang beses ay ayaw na niyang ma

