Zhelee Angela's Pov HALATA sa mukha ni kuya Killian na hindi parin siya makapaniwala na sumama ako ulit sa kanya. Panay ang lingon niya kanina habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa pasulyap-sulyap niya. Nandito na kami sa bahay niya at nandito ako sa sala. Nakaupo ako habang siya naman ay nasa katapat kong upuan. Titig na titig parin kaya hindi ko mapigilang hindi matawa na naman. "Bakit titig na titig ka sa 'kin, kuya Killian?May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya bilang tugon niya. "Wala naman. Nagulat lang ako na sumama ka sa 'kin pabalik dito sa bahay ko. Akala ko ba ay gusto mong makasama ang mama at kapatid mo?" Tanong niya sa 'kin na hindi talaga inalis ang mata niya sa 'kin. "Ahm.. nag bago na po ang isip k

