Zhelee Angela's Pov TAPOS NA ang duty ko kaya naghahanda na ako para umuwi. Nagpaalam na din ako kay ate Myla at sila na ang bahala do'n sa customer na nakasuot ng hoodie jacket. Kaloka ang lakaking yun.. pati ba naman ako gustong orderin. Baliw yata yun at kung ano-ano nalang ang naiisipan orderin. Wala naman ako sa menu. Naglalakad na ako sa gilid ng kalsada at tahimik lang ako hahang nilalamig. Ang tahimik din ng kalsada kaya binilisan ko ang ginagawa kong hakbang para makarating agad sa sakayan ng jeep. Habang naglalakad ako ay para akong nakaramdam na parang may nakasunod sa 'kin. Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran ko para makita ko kung may tao ba. Ngunit wala naman kaya nagtataka ako kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko. Guni-guni ko lang yata kaya da

