Zhelee Angela's Pov PINAPANOOD ko si kuya Killian na naglilinis ng bahay. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang maghubad sa harapan ko. Wala kasi siyang saplot pang itaas kaya kitang-kita mo ang matitigas niyang monay sa tiyan. Kanina pa ako naglalaway dito kasi nakakapag laway naman talaga ang katawan ni kuya Killian. Diyos ko! araw-araw yata akong magkakasala. "Done admiring me, My Zee?" Tanong niya sa 'kin kaya nanlaki ang mata ko ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. "A-Anong pinagsasabi mo diyan, kuya Killian! Hindi kaya ako.. nakatitig sa abs.. este sa katawan mo. Masyado kang ano diyan ha!" Palusot ko habang hindi ako makatingin sa kanya. "Sabi mo eh," sagot ni kuya Killian. "Hindi naman talaga. Wag ka ngang gumawa ng issue diyan!" Inis kong sabi. Dapat play safe ako.

