Chapter 61 Kinabukasan ay nakita ko si Yvonne na bihis na bihis. Palabas na siya ng palasyo nang abutan ko siya. "Yvonne!" "Oh, Eve." Ang sigla ng aura niya. She's giving me that wide smile. "Saan ka pupunta?" "Jung asked me on a date. So.." Tinaas-baba niya pa yung kilay niya sa akin. "Yvonne, I told you. He's just using you." Nawala agad ang pagiging masigla niya at napalitan ng pagkairita. "Eve, pwede ba. Kung malungkot ka ngayon huwag mo na kong idamay." Aalis na sana siya pero hinarangan ko ang dadaanan niya. I should make her stay. I need to make a plan. "Yvonne, madilim na. Dito ka na lang muna sa palasyo. Bukas na lang kayo lumabas ni Jung." "Eve—" "Kung gusto mo, punta tayo sa bahay. Movie marathon tayo. May bago akong mga pelikula. Bili tayo ng maraming popcorns—" "Ev

