Chapter 65 Kinaumagahan ay singkit at pulang pula ang mga mata ko na bumaba sa kusina para mag-agahan. Ang mga tauhan ng Morgan ay nakabantay na agad sa labas para masigurong hindi makakatakas ang leon. Natira dito sa kusina si Jackson, Agent Damien at ang ilan sa tauhan ng Safronov. "Nasaan si Queen Callisha?" Tanong ko. "Bumalik siya sa palasyo. Marami siyang aasikasuhin. Tayo muna raw ang bahala sa bihag." Sagot ni Damien. Tumango-tango ako. Nakita ko na naman na naglagay si Jackson ng pinaghalu-halong kanin at mga ulam sa mangkok. Naglagay din siya ng inumin doon sa paglagyanan ng tubig ng aso. Nilagay niya ang mga ito sa tray at pinadala kay Agent Lian. "Dalin mo yan sa bihag. Baka gutom na yun." Nag-init ang ulo ko. Gusto kong sumabog sa sobrang galit. "NO!" "What no?" Tanong

