Chapter 54 "Ma, nasaan si Papa?" "Bakit yung ibang mga bata may tatay, ako wala?" "Ma, gusto kong makita si Papa." "Anong klaseng pamilya tayo kung wala akong tatay?" "Wala kang kwentang ina! Hindi mo man lang ako maipakilala sa tatay ko!" "I hate you Ma! I hate you!" Nagising ako na may mga luhang umaagos mula sa aking mga mata. Nagtalukbong ako sa kumot at tinuloy ang aking pag-iyak. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako nagpaka-spoiled brat nung araw na yun. Kung hindi ko lang hinanap ang walang kwenta kong ama, hindi sana nangyari yun kay Mama. May kumatok sa kwarto ko pero hindi ko yun pinansin. Ayokong humarap sa kahit na sino. "Anak can I come in?" Nang marinig ko ang boses ni Tito Adan, kumalma ang pakiramdam ko. "Pasok ka Tito. Hindi po yan nakalock.

