Chapter 3

1203 Words
La flexibilidad del bambu es mas resitente que la dureza del roble. The bamboo that bends is stronger than the oak that resists. -Japanese Proverb Chapter 3 "Agent Eve, okay lang po ba kayo?" "Ah, yes." Almost everyone in the agency knows my name. Dahil isa ako sa mga pinakabihasang agents. Dahil maraming nag-aakala na ako ang susunod na Pier Agent, the highest ranking agent. Pero isang simpleng pagdedeliver lang ng note ay hindi ko pa nagawa! Kung isang delikadong tao ang lalaki kanina, hindi magtatagal ay lalabas ang kapalpakang nagawa ko. "Ah.. E-eto yung note." uutal-utal at wala sa sarili kong sambit. Inabot ko sa messenger yung note at may sinabi pa siya na hindi ko na narinig. Great job Eve Williams. Nahanap mo na ang adventure na hinahanap mo. Good luck! ~~ Papasok ako sa headquarters ng mga agents dito sa Safronov Palace. As usual, nakayuko ako to avoid eye contacts. Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa kong kapalpakan kahapon. You're brave and.. stupid. My kind of combination. Nanginig ang buong katawan ko nang maalala ang boses na yun. Kahit hindi aktwal, hindi ko pa rin mapigilang matakot. How stupid of me. Papaupo na ko sa desk ko nang mahanap ng mga mata ko ang larawan ng isang babae. Lahat ng Pier agents dito sa Safronov ay pinagmamalaki. Mayroon silang mga pictures sa dingding ng headquarters. Pier Agents are the highest ranking agents. At iisang babae palang ang nagiging Pier agent. Agent Nyah. Siya ang kaisaisang babae na naging pier agent. She's my inspiration. At dadating ang araw na sasamahan ng litrato ko ang litrato niya. Hindi na lang siya ang kaisa-isang babaeng nagkaroon ng pinakamataas na titulo sa mga agents. "Eve, Pinapatawag ka ni Queen Callisha sa Atrium." Kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko sa sinabi ni Yvonne. Alam na kaya ng reyna? "Bakit daw Yvonne?" "Hindi ko alam eh." "Salamat." Lumabas ako ng headquarters at naglakad patungo sa Atrium, the office of the queen. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagkapasok na pagkapasok ko, nanlaki ang mga mata ko. May kutsilyo na tinapon sa aking direksyon. Agad akong yumuko at natusok ang matulis na kutsilyo sa pinto. "Come here! I'll kill you!" Tumakbo papunta sa akin si Queen Callisha. Hindi ko alam kung susugudin ko rin ba siya o iilag na lang ako. O dapat ba hayaan ko siya na bugbugin ako. She's the queen. I should always bow down to her. That's one of the lessons my mother taught me. Kaya nung sinugod niya ako ay hindi ako kumilos. Ni hindi ako gumalaw. She closed the distance between us. She's scary. Terrifying even. She trapped me between her arms. Kinuha niya ang kutsilyo na nakatusok pa rin sa pinto at binato sa lalaking nasa harap ng bintana. Ooookay. What's happening? Nakailag ang lalaki sa tira ni Queen Callisha. Tumakbo si Queen Callisha sa direksyon ng lalaki at tinuhod ang tiyan nito. He pushed the man's chest causing him to lie down on the floor. Queen Callisha put her weight on top of him. Trapping him. Pinulot niya ang kustilyo sa sahig at nilagay ang tulis nito sa leeg nung lalaki. They were both breathing hard. Doon lang nagsink-in sa'kin ang lahat ng mga nangyayari. Someone attacked the queen! An assassination was planned to kill the Safronov Queen! Lalabas na sana ako ng pinto para humingi ng tulong nang bigla kong narinig ang pagtawa nilang dalawa. "So.. Am I improving now?" Pagbibiro ni Queen Callisha doon sa lalaki. "Yes. You even win over your teacher." Teacher? Oww.. So nagtretraining sila ngayon. Anong pinag-aaralan nila? Self-defense? More like flirting. I cleared my throat for them to be aware of my presence. Dahil mukhang sa isa't isa lang nakapokus ang atensyon nila. Napatingin silang dalawa sa direksyon ko at nanlaki ang kanilang mga mata. Umalis si Queen Callisha sa ibabaw ng lalaki at agad silang tumayo. "Kanina ka pa ba diyan Eve?" Kinakabahang tanong ng reyna. "Not so long your majesty." At yumuko ako sa harap niya. "Umupo ka muna Eve. May pag-uusapan tayo." Hinarap niya yung lalaki at binigyan nang makahulugang tingin. Mukhang nakuha naman nung lalaki yung gusto niyang ipahiwatig kaya lumabas na ito ng Atrium. Umupo si Queen Callisha sa office chair niya. Umupo din ako sa upuan na nasa harap ng table niya. "Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" I stared at her. Alam niya na ba yung kapalpakang nagawa ko? Is she testing me? Baka alam niya na pero gusto niya ako mismo ang magsabi sa kaniya. Nang makita ni Queen Callisha na nakatitig lang ako sa kaniya ay bigla siyang tumawa. "Of course nagawa mo na. Delivering a note is just an easy task for Eve Williams." Nakahinga ako nang maluwag. Hindi niya pa alam. Ligtas pa ako sa ngayon. "Eve, gustong kong malaman mo na you're one of the candidates." "What do you mean your majesty?" "You're one of the candidates for being the new Pier Agent. Alam ko ang kakayahan mo. At alam kong hindi mo ko bibiguin. Wag na wag kang papalpak Eve. Dahil baka magbago pa ang isip ko." Nanatili akong kalmado kahit tumatalon na ang mga daliri ko sa paa. Pier Agent. Makakamit ko na yung matagal kong pangarap. Sa wakas, ang tagal kong hinintay ang oportunidad na to. "I will never fail you, your majesty." At muli akong yumuko sa harapan niya. "Take this." May inabot siya sa aking isang flashdrive. "Nakalagay diyan lahat ng files about Tenebrous Agency. Sila ang pinakadelikado sa lahat ng agencies Eve. Don't trust them. Never put your trust on them." Tenebrous. Don't trust them. Never put your trust on them. A chill crawled up on my spine. You're brave and.. stupid. My kind of combination. Sana mali ako. Sana hindi siya isang Tenebrous. Kinuha ko yung flashdrive at nanlamig ang mga kamay ko. Sana hindi Tenebrous ang makakalaban ko. Sana hindi Tenebrous ang lalaking iyon. "Thank you for your time Eve." "Anytime your majesty." Tumayo ako at yumuko sa harap ni Queen Callisha. Lumabas na ako at kahit iniisip ko pa rin yung kapalpakang nagawa ko, ang mahalaga ay may posibilidad na maging Pier Agent ako. The thought puts a smile on my face. ~~ Sinaksak ko yung flashdrive sa laptop ko. Iniscan ko yung mga nakalagay doon. Mostly information about Tenebrous pati pictures ng mga agents nila. A skull. Tapos may dalawang buto sa baba ng skull na hugis ekis Iyon ang simbolo ng Tenebrous. Katulad ng mga Safronov, may tattoo din sila. Makikita ito sa taas ng ankle nila. Katulad din ng Safronov, may leader din ang mga Tenebrous. Pero lalaki siya. They call them their king. Brinowse ko pa yung mga files at napag-alaman ko na merong kanang kamay yung hari nila. Nagscroll down pa ako para makita yung picture. The king's right hand. Tenebrous' Asad. Radimir Henderson. Biglang akong nanigas sa kinauupuan ko habang nakatingin sa litrato ng kanang kamay ng hari. Nanginig ang dalawang kamay ko at ayokong maniwala. At the sight of his picture, I remember him again. The time we first met. Dangerous eyes. British accent. Tall. Muscular built. He is danger wrapped in pretty package. Get ready for your death, Eve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD