Chapter 8

1250 Words
We learn little from victory much from defeat. -Japanese Proverb Chapter 8 Two days. Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagpaparamdam ang leon na iyon. Siguro nga ay nananakot lang siya. Siguro hindi niya talaga tototohanin yung sinabi niya. Brave and.. stupid. My kind of combination. Whatever, dummy! Get out of my head! "Eve, tulala ka na naman." Napadiretso ako ng upo dahil sa boses ni Agent Damien. Nandito ako ngayon sa headquarters at nakaupo sa desk ko. A blush climbed my cheeks as I heard his voice, rich and manly. Something about him always affect me. Maybe it was intimidation. He was the type of man that could intimidate anyone. Or maybe it was attraction. He could attract girls without even making an effort. And he was not aware of it. "Good afternoon Agent Damien. Wala lang po ito. May iniisip lang." Ngumiti ako nang nahihiya. "Sino bang iniisip mo Eve?" Sino nga bang iniisip ko? "May ipapagawa po kasi sa'kin si Queen Callisha. Nag-iisip lang po ako ng mga plano at strategies." "Good. Akala ko kasi ang iniisip mo yung nagugustuhan mong lalaki." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Damien. What? "Po?" "Nabanggit kasi sa akin ni Yvonne na may nagugustuhan ka sa Tenebrous. Remember Eve, you cannot love a Tenebrous. You cannot trust them. They'll betray you. They will betray you all the times." Seryosong sabi ni Agent Damien. Halos malaglag ang panga ko. Ano ba tong sinabi ni Yvonne! Nakakahiya kay Damien. Kahit kaage ko lang si Damien na 20 years old, boss ko pa rin siya. Ang taas ng respeto ko sa kaniya. Tapos ano daw itong sinabi ni Yvonne? "She is mistaken, Agent Damien. I'm not attracted to a Tenebrous. I'm not attracted to anybody. You have nothing to worry about." Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Seryosong seryoso yung mukha. Goodness, he's scary! "Sigurado kang wala kang gusto sa Tenebrous na iyon?" Seryoso pa rin yung mukha niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Bakit hindi na lang pagplaplano at pakikipaglaban ang pag-usapan namin? That would be easier. "Hindi po. And I'll never be attracted to a Tenebrous. Galit po ako sa kanila." "I'm glad to know that Eve. At sana nga tuparin mo." Tinapik ako ni Damien sa balikat bago tuluyang umalis. Alam kong tama ang sinabi niya. At alam ko rin na gagawin ko ang mga bilin niya. Gahaman at masasahol ang mga Tenebrous. Wala silang sinasanto. Wala silang kinatatakutan. ~~ Nandito ako sa training room ng headquarters. Kailangan kong magfocus. Kailangan kong magpakabusy para mawala ang isip ko sa mga bagay na hindi ko naman dapat isipin. Nilaro-laro ko yung darts sa kamay ko at tinitigan ang dartboard na nakalagay sa pader. Binato ko yung unang dart. Bull's eye. Napangiti ako. Ibabato ko na sana yung susunod na dart nang... "Wait!!!" "Ano na naman yun Yvonne?" "Sisiw na lang ang pagdadarts mo, Eve. Lagyan natin ng thrill." Dinikit ni Yvonne ang topless na picture ni Radimir sa dartboard. 6 pack abs. Paano ako makakafocus nito? "Yvonne tanggalin mo nga yan! Nagprapractice ako dito. Iba na lang ang guluhin mo please." Humagikgik lang si Yvonne sa reklamo ko. "Kakadistract ba?" "Hindi ah." Pagdedeny ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman pala eh." Umupo siya sa sofa na nandito sa training room. "Bilis! Malay mo kapag nakalaban mo siya ulit nakatopless na siya. Tapos madistract ka kaya hangga't maaga trinetrain na kita." Inirapan ko siya. Whatever. Tinitigan ko muli yung larawan at nagconcentrate. Napakaperpekto ng katawan niya. Para lang itong inukit at ginuhit. At kahit sa litrato, yung titig niya nakakatakot pa rin. Yung titig na kayang magpanginig sa mga tuhod mo hanggang sa lumuhod ka sa harapan niya. His whole being is so dangerous.. yet so wonderful. The way his lips formed a smile. I wonder what they would taste--- I shook my head. Goodness, he's a Tenebrous Eve! "Distracted ka na?" Panunukso ni Yvonne at agad kong binato ang hawak kong dart sa nakatopless na litrato ni Radimir. Tumama ito sa isang monay niya. "Okay! 1 monay down. 5 to go!" Pagchi-cheer sa akin ni Yvonne. This time, I get two darts and throw them at the picture. Sapul yung dalawang monay. "Yey! 3 monay down. 3 monay to go!" Ngayon, tatlong darts na ang tinapon ko sa ere, at tumama sila doon sa tatlong monay ni Radimir na hindi ko pa natatamaan. Kumuha ulit ako ng anim na darts at pinagtutusok ang mga monay ni Radimir. "RIP abs." Bulong ni Yvonne sa gilid ko. "Tapos na kong magdarts, uuwi na ko." "Uwi ka na agad? Bar muna tayo. Nagyayaya si Jimin." Tumili pa siya pagkatapos banggitin yung pangalan ni Jimin. "Umuulan na. Baka lumakas pa yung ulan mamaya." "Sige. Ingat." Lumabas na ko ng Safronov Palace at umaatik na nga. Sumakay na ko sa aking McLaren F1 at pinaharurot ito pauwi ng bahay. Maslalong lumakas yung ulan. Naging maitim ang kulay ng mga ulap at nakakabingi na rin yung pagkulog. Sa pagmamaneho ko ay parang may naaninag ako na itim na NCR M16. Well, ano naman ngayon? Hindi naman porket may itim na NCR M16 ay sa kaniya na iyon. Pinark ko na yung kotse ko sa garahe at agad-agad pumasok ng bahay. Umuulan pa rin nang malakas at kumukulog. Ang sarap matulog ngayon. Iniisip ko na ang kama ko at magtatalukbong ako sa kumot hanggang sa makatulog ako. Tapos magsasound trip ako. Kinuha ko yung susi ko at bubuksan na sana ang pinto ngunit hindi ito nakalock. Nakaawang pa ito nang konti. Imposible. Sinarado ko ang pinto bago ako umalis. Pumasok ako sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Nakabukas din pati ang ilaw. Pinapatay ko ang mga ilaw bago ako lumabas. Something might be wrong. Something IS wrong. Wala naman akong ibang kasama sa bahay. Patay na ang Mama ko at hindi ko na nakilala ang Papa ko. Nagmasid ako sa paligid. Bawat detalye ay inoobserbahan ko. Dumiretso ako sa kusina. And there! May kape sa lamesa at mukhang mainit pa. May note na nakalagay doon. Nilapitan ko ito at sinandal ko ang aking siko sa lamesa habang binabasa yung note. It's so cold. Take a sip of your coffee first, Eva. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Eva. Of course it's him. It's Radimir. Mainit pa ang kape na ngangahulugang kakatimpla lang ito. I shiver at the thought. Binalikan niya nga ako. At ngayon, pagbabayarin niya na ko. "Finally, you're here Eva." British Accent. "You miss me?" Naramdaman ko na yung paghinga niya sa aking tainga. Nanlaki ang mga mata ko. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya. Sinandal niya ang dalawang palad niya sa lamesa, doon sa magkabilang gilid ko. Uneasiness shot through me. And the fear that had terrorized me earlier came back full force. I masked my fear. I will never give him the satisfaction of knowing that I was afraid of him. Don't let them know that you're afraid. Put on a brave face. My mom once told me. Humarap ako sa kaniya na kalmado ang mukha. Na hindi ko pinapakita ang nagwawalang mga bagay sa sistema ko. He's so near. Maybe three inches away from me. And I was so drunk in his features. Dangerous eyes. That characteristic will always be in his system. Dangerous. And then my gaze turned to his nose then to his lips. I gulped. Binalik ko ulit ang tingin ko sa nakakatakot niyang titig. "Why so nervous, Eva?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD