Chapter 15 Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanatili lang akong nakatitig kay Radimir na ngayon ay nakatulog na. Napasandal ang ulo niya sa aking balikat. Humigpit ang hawak ko sa baso ng alak hanggang sa mabasag ito. Wala namang nakapansin dahil abala ang lahat sa pagsasaya at masyadong malakas ang tugtog. The Tenebrous is hunting me. The man that I am holding right now is the man that will take away my life. Hindi. Ayaw mag sink-in sa utak ko. Ayaw paniwalaan ng sistema ko. "They are from Safronov!" Kung hindi pa sumigaw yung isang lalaki dito ay baka buong gabi na lang akong tulala. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang gulo. Nakita ko yung dress ni Agent Lian na napunit yung sleeve, kaya kitang kita na ng lahat ang kaniyang Safronov tattoo. Handa kami sa mga ganitong pangyayari kay

