Naging mabigat ang loob ko ng mga sumunod na araw. Nilunod ko ang sarili ko sa kalungkutan. Ikinulong ko ang sarili ko sa silid at halos maghapon magdamag akong umiiyak. Iyon na marahil ang pinakamasakit at pinakamahirap na sitwasyon na pagdadaanan ko sa buhay. Nakahiga lang ako noon sa kama at nakatanaw sa kawalan nang marinig ko ang pagtunog ng pinihit na doorknob. Napalingon ako sa pintuan at nakita kong iniluwa ng pinto si Jared dala ang tray ng pagkain. "Kumain ka na muna, Hon," sabi niya habang inilalapag ang tray sa lamesita. Parang walang buhay na tumingin ako sa kanya. Naupo siya sa gilid ng kama patabi sa akin atsaka niya banayad na hinaplos ang buhok ko. Kahit wala siyang sinasabi ramdam kong nag-aalala siya para sa akin. Nangilid ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na akong

