Chapter 04

1067 Words
MAAGANG nagising si Tanya kinabukasan. Ramdam niya na namamahay pa rin siya sa lugar na iyon. Patunay na ang maaga niyang paggising. Ala’s sais pa lamang ng umaga ay nagising na siya at hindi na makabalik pa sa pagtulog kaya naman bumangon na siya. Nagtaka pa siya nang hindi makita si Karzon sa tabi niya sa malaki nitong kama. Hindi ba ito natulog sa tabi niya? Wala ring kabakas-bakas na natulog ito roon. Dahil sa curiosity, matapos niyang magbanyo ay agad siyang lumabas sa silid na iyon. Natigilan pa si Tanya nang makita si Karzon na nakahiga sa mahabang sofa sa may salas. Napabuntong-hininga siya. Kung tutuusin, ilang hakbang na lamang ay ang kuwarto na nito, pero hindi pa nito nagawang pumunta roon? O baka naman ayaw lang nito na katabi siya? Tanya, baka naman katulad mo, hindi pa rin sanay sa iyo si Karzon. Bigla-bigla ka na nga lang namang sumulpot sa buhay niya. Sa literal na mukhang tahimik niyang buhay, anang isipan niya sa kaniya. Napabuntong-hininga siya. Baka nga ganoon ang dahilan. Maingat ang mga naging hakbang ni Tanya nang lapitan niya si Karzon na tulog na tulog. Ano na kayang oras nang umuwi ito? Ang mahalaga ay safe and sound itong nakauwi kung saan man ito galing. Mataman niyang pinagmasdan ang kaniyang asawa na mukhang kay bait habang tulog. Pero kapag gising? Hayon na naman ang pagiging seryoso nito. Para nga rin itong dragon na bigla na lamang bubuga ng apoy. Kay guwapo nito at hinding-hindi niya maitatanggi ang bagay na iyon. Akmang hahaplusin niya ang buhok nito nang kumuyom ang kaniyang isang kamay. Baka magising niya ito. Hindi na rin siya nagtagal pa sa tabi ni Karzon at minabuti na munang iwan ito para bumalik sa silid nila. Naghanap siya ng spare na kumot na siyang ikinumot dito nang balikan ito sa may salas. Hindi naman ito nagising sa kaniyang ginawa. Isang tingin pa kay Karzon bago siya pumunta sa kusina. Doon ay abala na ang mga kawaksi sa paghahanda ng almusal. “Good morning, Ma’am Tanya,” bati pa sa kaniya ng mga ito. “Good morning din po.” Hindi naman siya iyong tipo ng amo na hindi nakikihalubilo sa mga kasambahay. Naalala niya nang magulat pa ang mga ito nang dumating siya roon kagabi kasama ni Karzon at mapag-alaman ng mga ito na asawa siya ng amo ng mga ito. Mga hindi makapaniwala na mag-aasawa ang amo ng mga ito na nuknukan ng lamig at sungit. Kay Nana Ester lang mabait si Karzon. “Alam po ba ninyo kung anong oras ng nakauwi si Karzon kagabi?” mahina niyang tanong sapat lang para marinig ng mga ito. “Hating-gabi na po, Ma’am,” sagot ni Abi na siyang gising pa sa apat nang dumating si Karzon. “May LQ po ba agad kayo ni Sir kasi sa—” “Nida, ang bibig mo,” saway ni Nana Ester sa kawaksi. “Wala tayong karapatan na panghimasukan ang pribadong buhay nilang mag-asawa. Alam mo na ayaw na ayaw ni Karzon niyan. Baka masisante ka ng wala sa oras.” “P-patawad po, Nana Ester,” ani Nida na yukong-yuko naman. “Bueno,” ani Nana Ester na pormal ang mukha na bumaling ng tingin kay Tanya. “Nagugutom ka na ba, Ma’am Tanya?” “Tanya na lang po ang itawag ninyo sa akin, Nana Ester. I won’t mind.” “Kung ‘yon ang nais mo, Tanya, hija.” Napangiti siya sa sinabing iyon ni Nana Ester. Ayaw niya na mailang ang mga ito sa kaniya. “Mamaya na po ako kakain, sabay na po kami ni Karzon.” “Eh, hindi po nag-a-almusal ng heavy breakfast si Sir,” ani Karla. “Kape lang po ang nilalaman niya sa kaniyang tiyan bago siya bumaba sa kaniyang opisina.” Hindi nag-aalmusal ang kaniyang asawa? Parang hindi iyon magandang pakinggan para sa kaniya. Dahil naniniwala siya na ang pinaka-importanteng pagkain sa maghapon ay ang almusal. “Make it for two person po ang breakfast ngayong umaga. Aayain kong kumain si Karzon.” “Eh, Ma’am,” ani Abi na napakamot pa sa batok nito. “Kung mapipilit po ninyo si Sir.” Buong akala ni Tanya ay magagawa nga niyang mapilit si Karzon. Pero nagkamali siya. “Hindi ba ninyo siya nasabihan na hindi ako nag-aalmusal?” Nakayuko ang tatlong kawaksi na nakahanay pa sa may dinning area habang salubong ang mga kilay ni Karzon. Umagang-umaga, pero panira agad ng araw ang mood nito. “Mas importante ang breakfast sa katawan. Lalo na kung heavy meal. Hindi ‘yong kape lang ang iinumin mo,” ani Tanya sa kaniyang asawa kaya bumaling ito sa kaniya. Pinigilan naman niya ang magbawi ng tingin. “Let’s talk,” anito bago umalis ng dining room. Mariin namang napapikit ang mga kawaksi at saka lang nakahinga nang maluwag. “I’ll handle this,” ani Tanya sa mga ito bago sumunod kay Karzon sa silid nila. “Who told you na puwede mong panghimasukan ang mga dapat at hindi ko dapat gawin?” agad nitong tanong sa kaniya. Lumunok siya at hindi nagpatinag sa galit nito. “May masama ba sa gusto ko? Gusto ko lang naman na may kasabay sa almusal. At isa pa, masama rin ba na isipin ko ang health mo?” “Kailan ka pa naging doktor?” Bahagyang umawang ang labi niya. Napakaimposible rin talaga ng lalaking ito. “Karzon—” “Kung kasabay lang naman sa almusal ang problema mo, nariyan sina Nana Ester, sila ang pasabayin mo sa iyo sa almusal.” Paano ba mapi-please ang lalaking ito? Kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya niya rito, hindi siya magtitiis sa ugali nito. Guwapo ito, oo, pero tingin niya, bagsak ito sa ibang aspeto. Napakasungit pa. “Don’t try to cross my boundaries, Natanya. Alam mo naman ang papel mo sa buhay ko.” “I know. But, can’t we at least be friends, Karzon?” “No.” Simpleng sagot pero para bang may pitik na naramdaman si Tanya sa kaniyang dibdib kaya hindi na nagawa pang magsalita. Kung ganoon, ayaw siya nitong papasukin ng tuluyan sa mundo nito? Kahit na bilang isang kaibigan lang muna? Nang iwan si Tanya ni Karzon sa silid nila ay napabuntong-hininga pa siya. Tunay nga na napakahirap nitong i-please. Saan ba ito pinaglihi ng nanay nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD