OH, NO! -Krist- "Oh, no!" Sigaw ni Jade. Napasigaw din sina Dean, Shiela at Rebecca. "Mga loka-loka, pinsan ko iyan," wika ko na may mahihinang pagtawa. "Ay gano'n?" Parang dismayadong tanong ni Shiela. "I thought manliligaw mo din siya," wika naman ni Rebecca. "Pwede din naman," Napalingon ako sa sumingit. Walang iba kundi si James. Ang pinsan kong walang magawa kundi ang asarin ako. "Wala namang may kayang manligaw diyan kaya ako na lang," dugtong nito at tumingin sa'kin nang may pang-iinsulto. "So, hindi pa pala alam ng pinsan mo na may mga MANLILIGAW ka?" Shiela asked then she emphasized the word "manliligaw". Nanlaki ang mga mata ni James, "t-totoo?" tila kinakabahang wika nito. Nangunot naman ang noo ko. "Bakit naman hindi?" Oh, no! Don't tell me..... "Oh, no!" Sigaw ni D

