Hindi niya mapigilan ang pagtitig sa kanyang anak habang kumakain ito. Kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama. ,isang linggo na mula ng dumating ang mga ito. Nagulat pa nga siya ng bumalik sila galing pictorial naghihintay na ang mga ito sa bahay na uupahan nila. Para pa nga siyang luka-luka kasi iyak siya ng iyak habang yakap ang anak niya. Miss na miss na niya kasi talaga ito.. ,buti na lang wala silang mga commitments ng two weeks kaya may time siya sa anak niya. Yun nga lang sa loob ng isang linggo hindi naman sila lumabas. ,wala silang ginawa ng anak niya kundi mag-movie marathon,maglakad sa park ng village at kumain. Kaya ngayong araw na ito ipapasyal naman niya ito sa labas. Pagkatapos kumain pinaliguan niya ito at sinabihan na mamamasyal sila. Tuwang-tuwa naman ito. ,nagbihis naman

