Natapos ang meeting na halos walang naintindihan si Tatiana gayundin si Tyler. Naaasiwa si Tatiana dahil hindi na siya hiniwalayan ng tingin ni Tyler at sa tuwing hahawak siya kay Carlos parang gusto na siyang patayin ng mga tingin nito. Samantala si Tyler naman matiim ang pagtitig kay Tatiana. Hindi niya lubos maisip kung paano nangyaring model pala ito pero hindi man lamang nila nalaman. Iniisip din niya kung matagal na bang alam ni Amber na magiging model nila si Tatiana at kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol dito. He was really surprised ng makita niya ito kanina at may kasama pang lalaki. Huli na ba siya para maitama ang pagkakamaling nagawa niya?matagal na kaya niyang kasama ang Carlos na yun,para kasing komportable si Tatiana na kasama ito. Nasasaktan siya sa nakikita

