"Ok na ba ang lahat?tanong ni Stephie sa kanyang mga kasamang model. Simula na kasi ng kanilang photoshoot ngayong araw na ito. Sabi ni Amber sa isang resort sa Batangas ang lugar kung saan gaganapin ang photoshoot. Napalingon siya ng makita niyang lumabas ng kuwarto si Tatiana. "Ok na ba,sissy?aalis na ba tayo?tanong nito sa kanya. "Yeah,aalis na tayo. Medyo malayo din kasi ang byahe,kaya ok na rin yung maaga tayong aalis". Sumakay na silang lahat at habang nasa byahe ay panay ang kulitan ng mga kasama niya maliban sa katabi niyang si Tatiana. Nakatingin ito sa bintana ng sasakyan at napakalalim ng iniisip. "Ok ka lang ba Iana?tanong niya dito. "Yeah. ,kaya lang i miss my baby. Sabi ko naman kay Ashley mag-uusap kami through skype pero dalawang gabi ko na silang kinokontak pero di si

