"Pumunta ako rito, para kausapin ka sana tapos ganito ang madadatnan ko? kailan pa kayo may relasyon dalawa?" galit na tanong ni Agos sa kanyang anak na ngayon ay nasa tabi ni Brix. Pumapagitna si Sam, tila pinoprotektahan si Brix sa maaring gawin pa ng kanyang ama. "Tay, magpapaliwanag ako." "Hindi mo na kailangan magpaliwanag, Samantha. Kitang-kita ng mga mata ko!" sigaw ni Agos bago napatingin kay Brix. "At ikaw? pinagkatiwalaan kita! tapos ganito ang gagawin mo?" sumbat ni Agos kaya napayuko si Brix, "Kamahalan, mahal ko po si Sam." katwiran ni Brix ngunit tila walang plano si Agos na pakingan silang dalawa. Napa-iling na lamang ito at nilisan ang silid, ni hindi man lang lumingon sa kanila. Nagkatinginan si Brix at Sam, hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha at tumayo par

