I was busy scrolling my f*******:, and I saw something! Bakit nasa kaniya ang story ko? Kaagad kong ni-report ang account na nagnakaw ng story ko. What a great day!
Tss...may sarili naman siyang utak, bakit hindi siya gumawa ng sa kaniya?!
My name is Mary Marielle Cabrera, turning 17 this year. Single, and I'm not ready to mingle! Halos apat na taon na akong online writer sa f*******:. Hindi ako sa mismo kong account ng popost. Mayroon akong role play account at dun ko pino-post yung mga gawa ko.
Madaming nagsasabi na maganda raw ang mga likha kong akda bakit hindi raw ako magsulat sa isang popular na writing at reading app, pero ang laging sagot ko: ‘mas gusto ko sa f*******: ba't ba?' Yes, maatitude ako ng very slight!
Anyways, habang nag-i-iscroll ako, may biglang nag-pop sa notification ko. Na-curious ako kaya tinginan ko.
Well, kahit famous online writer ako konti lang ang friends ko. Mga dalawa lang sila, Si Winter Snow Velasquez at Blaze Storm Vitale. Mga Role players din sila, at yung mga name nila ay nakabase sa isang popular na story sa isang writingeading app.
Anyways, ayun tiningnan ko kung ano yung nasa notification ko. At ang ingay kasi ang dami. Habang isa-isa kong tiningnan ang mga ito, may isa nakapukaw ng atensyon ko.
D A N I E L reacted ❤️ to your post.
Hmm...bago siya sa palagay ko, kasi every week na nagpopost ako ng stories ko, halos kabisado ko na ang mga pangalan ng mga pumupuri, nagre-react at mga nagsi-share ng stories ko.
Well, dahil curious ako, I stalked his account. Rp'er kaya siya? Kasi karamihan sa mga dp's ng mga rp'ers ay Americans handsome and pretty eh or Koreans.
Well, yung dp niya ay American. Ewan ko kung model or what. Basta gwapo. Nag-i-scroll pa ako, natatawa ako sa mga shared post at status niya.
I was about to turn off the data when other notification pop out, galing sa Messenger. It's a message request.
Sino naman kaya ito?
In-open ko ang Messenger ko at tinignan ko kung sino. I was shocked ng mabasa ko ang pangalan. It's him, the man that i stalk earlier.
D A N I E L:
Uhmm...Hi!
I'm one of your fan.
Your stories are great
I kinda like it?
Takte! Paano ko to rereply-an?
Bigla akong nararamdaman ng kakaibang kaba. First time kong maranasan ito as in iba siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Mabait naman ako sa mga reader ko kaya rereply-an ko siya.
Summer Lemonade:
Salamat sa pagtangkilik ng aking
Story! Sana'y magustuhan mo
pa ang iba kong mga akda!?
D A N I E L:
Sorry, I can't
understand ??
Ayy, Englishero pala siya! Haha! Naku naman boplaks pa naman ako sa English minsan.
D A N I E L:
I'm an English man
Hehe
I came from America
Hbu?
Oh, my bad haha! At first I thought he's a role player. OMG! SO SIYA YUNG NASA PROFILE NIYA!? LEGIT? 100% SURE?
Ay teh, ba't di mo tanungin? Ka- chat mo nga di ba?
Nga naman, ka-chat ko nga pala siya. Itatanong ko sa kaniya kung siya nga yun. Kung hindi niyo naitatanong, yung ‘SUMMER LEMONADE' ay ang aking rp name at aking pen name naman ay ‘CryBaby’. Share ko lang!
Summer Lemonade:
Oh my bad?
I said thank you for
supporting and
reading my story!
I hope you'll like
my other stories.
D A N I E L :
Where country do
u came from?
Summer Lemonade:
I'm from Philippines!
D A N I E L :
How old are u?
Do u have a boyfriend?
Ayy! Ang bilis naman ha! Haha!;Grabe siya bHie. Tinanong ako kung may boyfriend na daw ba ako. Ang bilis naman, is that you the flash?
Summer Lemonade:
Why did you ask, hmm??
Are you interested to me Mr??
D A N I E L:
No, i mean
I'm just curious
u know
I want to be friends
with u
Summer Lemonade:
Ahh, friends.
Okay, I'm 16 years old
I'm NBSB
You know
how about you? How
old are you?
D A N I E L :
I'm 19.
NBSB? what's that?
Summer Lemonade:
No Boyfriend Since Birth!
I don't believe in Forever
?
D A N I E L :
Bitter huh?
I can change ur
mind.
Summer Lemonade:
What? Wdym?
D A N I E L :
Naah! Just don't mind me
I know that it's night
there in ur country
Sleep well
Gnight!
Don't forget to
eat ur dinner
Napangiti ako ng balikan ko ang conversation namin. Ewan ko ba, napapangiti ako sa mga messages niya. Ang bait niya.
I immediately open the app called f*******: and search him again. I end up stalking him. Hindi ko namalayan na sinisave ko na yung iba niyang picture.
Grabe, ang photogenic niya. Hawig niya yung sa Netflix Series na pinapanood.
Hindi ko namalayan ang oras, hating-gabi na pala. Susme! Puyat na naman ako. Paniguradong yari na naman ako kay Mama nito.
Napatingin ako sa orasan, mag-aalas dose na ng gabi, oras na para matulog ako. Bago ako matulog, nagpost muna ako sa real account ko.
Mary Marielle Cabrera ? feeling happy.
You make me smile. Let's get to know each other!
Nakaingiti akong pinatay ang data ng phone ko at umayos ng higa sa kama. Bago ko ipikit ang aking mga mata, nagdasal muna ako. At matutulog ako na may ngiti sa aking mga labi.
•❤️•❤️•❤️•❤️•
Alas-singko na ako nagising, suspended ang pasok due to heavy rain. Kaya naman pala hindi ko naririnig ang mala-armalite na bibig ni Mama hihi! Kaya wala akong alarm clock eh! Si mama sapat na!
Anyways, dahil walang pasok ngayon nag-isip ako ng plot para sa short story na ipopost sa f*******:.
I turned on the data and then tada! Ang ingay! Ang dami kasing notification!
D A N I E L commented on your post.
D A N I E L reacted ❤️ to your post.
Puro pangalan ni Daniel ang nasa notifications ko! Awit! Seryoso?! Inistalk niya ako?
At dahil masaya ako, naisipan kong magpalit ng aking profile picture. Naghanap ako ng anime ba babae. Trip ko kasi ba't ka ba.
Wala pang mga ilang minuto, ang ingay na naman ng notifications ko haha!
D A N I E L send you a message.
I immediately open it. I don't know why pero I'm excited kasi kapag nakikita ko yung pangalan niya. Shems! Ba't nagiging conyo na ako? Haha!
4:30
D A N I E L:!
Eat your breakfast
Babi!
Breakfast is the most
important meal of
the day?
4:35
D A N I E L:
Smile for today!
Maganda ang iyong ngiti
Bruh! I hope it's right.
Love lots! ❤️
4:40
D A N I E L:
Wake up, Sleepy head
? It's already morning
there.
4:59
D A N I E L :
I'm sleepy ?
I'mma sleep now
?
Nailing na lang ako habang binabasa ang mga messages niya. Napangiti na naman niya ako, tuwing kausap ko siya napapangiti talaga ako. Bakit kasi ngayon ko lang siya nakilala di ba!
Habang tulala ako sa kawalan bigla na lang may tumama sa akin na kung ano. Napatingin ako kung sino ang bumato, Ay si Mama pala!
“ Ano ba MM! ‘di ba sabi ko sa'yo magluto ka na ng agahan natin! Nakapagsaing na ako at inihanda ang mga gamit ko sa opisina tas ikaw tutunga-tunganga ka diyan! Kahit kailan tamad ka talaga! ”. Ay oo nga! Inuutusan pala akong magluto ni Mama. Pero ouch ha! Binato kasi ako ng sandok haha!
Kaagad akong tumayo at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng carrots, spring onion, one-fourth cup ng fresh milk at apat na itlog. Gagawa ako ng egg rolls! Syempre special ‘to kasi para kay Mama ito eh! Hindi lang egg rolls ang lulutuin ko, magluluto ako ng bacons, nuggets at limang pirasong hotdog para sa akin at sa kapatid ko.
Hiniwa ko ang maninipis at mililiit na piraso ang carrots gayundin ang spring onion. Binati ko naman ang itlog at inihalo ang one-fourth cup ng gatas. Nang mahalo ko na lahat, isinalang ko na ang kawali at nilagyan ng konting mantika. At nagsimula na akong maluto.
Matapos kong lutuin ang egg rolls, niluto ko na rin ang bacons, nuggets, at hotdogs. Pagkatapos kong iluto lahat, inihain ko na siya sa hapag-kainan.
Kinuha ko ang baunan ni Mama, at nilagyan ito ng kanin at mga ulam. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang Papa ko, well huwag niyo na akong tanungin. Sumakabilang-bahay na yun!
“ Oh siya, MM ikaw na ang bahala dito sa bahay ha. Alagaan mo si RM ha! ”. Tumango ako at niyakap si Mama. “ Ingat ka po, Ma ha! Pasalubong din po! ”. Tumawa lang si Mama at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Nang makalabas na ng gate si Mama isinara ko na ito at pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko, nakita ko agad ang kapatid ko na kumain.
Pumasok ako sa kwarto at naligo na. Mamaya ko na aatupagin ang update ko at aalagaan ko pa ang kapatid ko.
Isa lang naman ang hinihintay ko eh, ang chat niya na nagpapangiti sa akin.