Bwisit na bwisit naman si Jewel sa mga nangyayari. Nagwala ito sa kanyang opisina at pinagtatapon niya ang lahat ng kanyang mga gamit. "PUTANG INANG BUHAY ITO! NAKAKABWISIT, BAKIT HINDI PA KAYO MAGSIPAG RESIGN LAHAT! MGA HAMPASLUPANG PATAY GUTOM NA DAKILANG PALAMUNIN NG KUMPANYANG ITO!" Dahil sa kanyang malakas na sigaw na rinig sa labas, ang mga tao ay kanya kanya ng alis sa kani kanilang mga pwesto dahil sa natatakot silang mapag initin ni Jewel. Binasag ni Jewel ang kanyang laptop sa sobra niyang inis at umuwi na lamang siya sa kanilang mansyon. Pagdating ni Jewel ay nagulat siya ng makita ang isang pamilyar na Mercedes na nakaparada sa loob ng kanilang mansyon. Kaagad siyang nagpark sa tabi nito at pumasok sa loob, nadatnan niyang nagbigay ng kape ang isang maid kay Isaac- ang lal

