Sa bangka ay nakasandal ako kay Andrew sa kanyang dibdib. Nakakamagnet kasi. At nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko. Ganoon lang kami hanggang sa makarating sa pangpang. “Leo ayos na ba nag gamit mo? 4pm dadating ang chopper.” “Yes boss,” sagot nito kay Eric. “Hwag mong papagurin yang best friend ko ha. We need to catch up every once in a while,” paalala ko kay Eric na isa pang workaholic “Work work work na rin yan pagdating sa Maynila.” “I need him kapag napatayo na ang resort ko,” muling paalala ko. “Di mo na sya mababawi sa akin. Akin na sya,” malakas na saad ni Eric at pinarinig pa talaga kay Andrew. Napatawa lang kami ni Leo at si Andrew naman ay nakakunot ang noo na amoy na amoy na marahil ang pagkatao ni Eric. Hiwa-hiwalay na kaming nagtungo sa aming mga bahay pagb

