CHAPTER 60

1357 Words

Another meeting ng grupo para sa resort na itatayo sa isla. “Bakit kasi di na lang yung contractor ni Seline sa gym. He’s nice naman at magaling talaga,” banggit ulit ni Eric dahil walang contractor na available at gustong magstay sa isla. “Oo nga. Kung wala namang available na contractor, sya na lang,” sang-ayon ko pa sa sinabi ni Eric para hindi na mahirapang maghanap. Si Andrew lang naman talaga ang tutol na si Marco ang kumontrata ng project sa isla. Matagal nanaman ang nangyari noon at sya ang pinili ko over Marco. “Ano pare? May kilala ka ba na available na contractor ngayon at doon pa sa napakalayong isla idedestino?” “Maghahanap ako at mangungumbinsi. Hwag lang yung Marco na yun.” “Ano bang problema sa kanya? Wala naman kayong alitan di ba. Ok na sa inyo ang lahat,” saad ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD