One

1906 Words
Diamond… “Look at that one,” turo ko sa isang lalaking nagkaupo sa bar counter. Iniran naman ako ng hitad kong bestfriend nang makita nito ang titunuro kong lalaki. “Wit ko bet, teh.” maarteng sagot naman ni Bakla. Natawa naman ako sa reaction ni Ethan, kulang naman kasi lumabas na ang mga mata nito sa pag-irap sakin. Nasa isang bar kami ng bestfriend kong si Ethan, my gay bestfriend. Ito ang bonding naming dalawa kapag Friday night para naman ma-unwind ang mga utak namin sa nagdaan na limang araw na panay trabaho lang ang inatupag namin. Ethan become my bestfriend since elementary day’s pa, transferee si Ethan noong grade three kami. Galing si Ethan sa ibang bansa, nang mamatay ang parents nito napilitan itong umuwi ng bansa para tumira sa lola nito. Noong ang akala ko nga straight na lalaki si Ethan kasi naman palaging mga lalaki rin ang kasama nito. Pero nabigla na lang kaming lahat noong grade six na kami nagladlad ang loka. Mula rin noon palagi na itong sumasama sa akin, kaya naman naging mag-bestfriend na kaming dalawa. Mula noon hindi na kami naghiwalay na dalawa. “Girl, iyon ang tunay fafalicious,” turo ko ulit kay Ethan ng isang lalaking kakapasok pa lang sa loob ng bar. Isang super hunk kasi ang tingin ko sa bagong dating, seductive smile with a prominent nose, kissable lips, broad shoulder at mukhang may abs naman. Mukhang kasing fit naman ang pangangatawan nito. Mukha lang naman, I don’t trust my eyes kapag ganitong madlim na malayo pa ang sinisipat ko. May pagka-near sighted kasi akong nilalang ni Eba. “Naku! kaloka ka. ‘Wag iyan hindi kami talo niyan,” tigas na tanggi ulit ni Ethan sa tinuturo niya. Nabigla ako sa sinabi niya, tinignan ko ulit ang lalaki. Mukha naman siyang lalaking-lalaki para sa akin. Hunk nga ang tingin ko hindi ba? pero ayaw ng hitad kaya tingin na lang ako sa iba. “How about that one,” turo ko ulit sa lalaking nagsasaway sa dance floor na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Dito sure na akong pwede na ito kay Ethan. “Mukhang totoy. Mademanda pa tayo ng child abuse,” tangi ulit nito. Naiinis ko namang kinuha ang baso ng inumin kong alak at ini-straight ko nga’ng ubusin. Mauubos na kasi ang pasensya ko sa baklitang kasama ko. Kanina pa ako turo ng turo ng pwedeng maging boylet nito pero puro naman pang-ookray ang alam ng bruha. “Kainis ka naman bakla, ikaw na lang humanap ng boylet. Inaya mo pa ako rito, mauuna na nga akong umuwi sayo,” naiinis namang tumayo na ako. Kakatayo ko pa lang ng bigla naman akong nakaramdam ng kamay sa braso ko. “Girl naman, wag mo akong iwan dito.” pigil sa akin ni bakla. Tinawanan ko nga, para kasing baby na iiwanan ng mommy niya ang itsura ni bakla. Parang maiiyak pa siya habang nakatingin sa akin. “Uuwi na ako, madami pa akong tatapusin na plano.” Sagot ko habang inaalis ang pagkakahawak nito sa braso ko. “Girl naman, Friday ngayon walang pasok bukas. Bonding natin ngayon oh, boy hunting na rin,” pang-eengganyo pa nito sa akin. “Ayoko. Papasok ako bukas, madami kaming tanggap na project ngayon.” Natatawa ko namang paliwanag. “Hatid na kita,” nakasimangot naman na tumayo na rin si Ethan. Wala na akong nagawa, nang hilahin na niya ako palabas ng bar. Wala rin naman kasi siyang dala na kotse kasi usapan na namin na tuwing Friday susunduin niya ako sa firm para kumain sa labas at mag-bar after kumain. Routine na naming dalawa ang ganoon, simula pa noong college pa kami. Magkaklase kami ni Ethan hanggang high school lang, noong mag-collage na kami nagkahiwalay na kami nang landas kasi Architecture ang kinuha kong course at Business Administration naman ang kinuha ni Ethan. Mayaman kasi ang lola ni Ethan may malaking company ito na hinahawakan, at si Ethan ang nag-iisang tagapagmana kaya walang nagawa si Ethan kung hindi ang sundin ang gusto ng lola nito. Ang maging future CEO ng kumpanya ng pamilya nila Ethan. “Hoy! Diamond Cruz Sarmiento, ano ‘to?” mataray na tanong ni Ethan sa akin nang makarating kami sa condo ko. Hinatid pa kasi ako ni Ethan hanggang sa loob ng condo ko, kahit na pinagtatabuyan na ko ito. “Papel malamang,” pamimilosopo ko naman na sagot. Madami kasi akong naiwang kalat sa sala ng condo ko, mga scratch paper ko sa paggawa ng blueprint ng bahay. “Kalurky ka, parang hindi babae ang nakatira rito. Kulang na lang mabahong amoy, pagkakamalan ng dumpsite ang condo mo,” reklamo naman nito. Hindi lang kasi mga papel ang kalat sa loob ng condo niya, may mga basyo rin kasi ng energy drink o kaya naman softdrinks in bottle at in can. Madami ring plastic ng kung ano-anong junk foods at mga pinaglagyan ng pizza ang makikita sa sala ko. Sala pa lang ang nakikita ni Bakla ang dami ng reklamo nito, buong condo ko pa kaya ang makita nito ano pa kaya ang sasabihin nito sa akin. Sorry na lang siya, wala talaga akong time na maglinis sobrang dami kong ginagawa. Na kulang ang oras sa buong maghapon ko para lang isingit ang paglilinis ng bahay ko. “Tsk, dito ako matutulog Dia.” Nakita kong tinitiklop na nito ang manggas ng suot nitong long sleeve na polo. “Okay,” sagot ko lang. Sanay naman na ako sa baklitang ito, madalas naman talaga siya rito sa bahay ko. Nagderetso na ako sa kusina para uminom ng tubig bago ako magsimulang gumawa ulit ng plano ng bahay. Pero pagtingin ko sa ref ko wala na pa lang laman, isang bote na lang ng tubig ang nakita kong laman nito. “Kailangan ko na pa lang maggrocerry,” bulong ko sa sarili ko. “Eww!, kadiri ka talaga Dia!” maarteng reklamo ulit ni Ethan. Nilingon ko ito at nakita ko siyang nasa likod ko na, at pinagmamasdan ang kabuuan ng kusina ko. Natatawa ako sa paraan ng pagtitig nito sa kusina ko, diring-diri talaga ang bakla. “Kainins ka naman bakla, para ka namang bago nang bago,” pagrereklamo ko naman sa kaharap ko. Napapailing na lang ako na uminom ng tubig sa hawak kong bote ng miniral water. Iniwanan ko na ito at nagpunta na sa loob ng kwarto ko para maglinis ng katawan. Mabilis lang akong naligo at naghanap ng malinis ko pang damit sa closet. Wala na din pa lang akong malilinis na damit, kailangan ko ng tawagan ang house keeper ko para malinis na ang unit ko. Paglabas ko ng banyo nakita ko si Ethan na nakaupo sa kama ko at nakacross arm pang nakatitig sa akin. “Problema mo?” tanong ko agad. Aba ang loka inirapan lang ako at binunggo pa ako nang daanan ako at pumasok sa banyo. Napailing na lang ako at lumabas sa kwarto para magsimula ng magtrabaho. Sobrang engross na ako sa ginagawa ko, wala na ’kong pakialam sa paligid ko. Ang dami naman kasing tanggap na project ang Architectural firm na pinagta-trabahuhan ko. Apat na agad ang plano na kailangan kong matapos, buti na lang at puro simpleng bahay lang ang mga ito. Kung nagkataon na complicated structure pa o building ang gagawin ko for sure aabutin ako ng siyam-siyam. “Girl ‘di ka pa ba matutulog?” nagulat pa ako ng may biglang nagsalita. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Para akong aatakihin sa sobrang gulat ko. “Bakla naman, wag ka namang nanggugulat,” ani ko. “Bakit ka magugulat? Eh alam mo naman na ‘andito ako na kasama mo.” nakataas pa ang kilay nito na nakatingin sa akin. “Matulog ka na ‘don mamaya pa ako,” taboy ko na lang sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko, nang makaramdam ako ng pangangalay sa may batok ko tumayo na ako para matulog na. Baka sisikatan na ako ng araw nito, balak ko pa naman na pumasok bukas. “Wow!” nasabi ko na lang ng mapansin ko ang salas ko. Kung kanina na mukhang dumpsite ang itsura ngayon mukha na itong living room. Malinis na kasi ang bahay ko, hindi ko na kailangan pang maglibot kasi alam kong pati kusina, banyo, at kwarto ko malamang malinis na. Nagtatakbo naman ako papunta sa kwarto, nakita ko si Ethan na mahimbing nang natutulog sa kama ko. Sa sobrang tuwa ko padamba akong tumalon sa kama kaya nagising naman siya. “Eeeehhh….Bakla…salamat!” pinaghahalikan ko pa nga siya. Wala naman kaming malisyang dalawa. Si Ethan pa nga ang first kiss ko, naging way na yata namin ang kiss sa pagpapasalamat sa isa’t isa. “Kadiri ka talaga…halik ka nang halik... at pwede ba kung ayaw mong matulog, ako gustong- gusto ko.” Naiinis pa pumikit ulit si Ethan at humiga na ulit. Muli ko siyang hinalikan sa labi at nahiga na rin sa tabi ni Ethan. Pero hindi naman na ako makatulog, sobrang natuwa naman kasi ako kay Ethan. Wala itong sasabihin pero palagi na lang niya akong tinutulungan. Kung hindi ko nga lang alam na bakla itong lalaki na ito pagkakamalan ko na itong may gusto sa akin. Bumangon ako uli at naupo sa tabi ni Ethan. “Sayang ka talaga bakla…ang pogi-pogi mo pa naman,” bulong ko dito. Pinakatitigan ko ang itsura ni Ethan. Noong elementary kami at hindi ko pa alam na bakla ito crush ko siya eh. Lalo na noong nag-high school kami, grabe ang dami nagkakagusto sa kanya kaso ayon nga isa siyang super sereyna. Hindi naman cross dresser si Ethan, kung titingnan mo nga ito lalaking-lalaki ito sa unang tingin pa lang. Ang macho pa nga nito ngayon, ‘wag kayo, taong gym itong bakla na ito. Kayang makipagsabayan nito sa mga sexy na male model na nakikita ko sa mga magazine. May six pack abs kasi ito, super yummy nito kapag nakahubad ito. Ilang beses ko na din na nakitang nakahubad si Ethan kaya alam na alam ko kung gaano siya ka-sexy. Bukod sa pagiging macho ni Ethan, gwapo rin, matangos ang ilong, mahaba ang mga pilikmata, kissable lips kaya nga palagi kong hinahalikan, matangkad at maputi. Kung hindi ko nga lang iniisip ang pagkakaibigan namin nitong si Ethan baka na-rape ko na itong bakla na ito para maging straight na ito at hindi masayang ang lahi. Sayang kasi, unang-una na akong nanghihinayang sa magandang lahi niya. “Girl, alam kong nagagandahan ka sa ‘kin, itulog mo na iyan. Bukas mo na lang ako ulit titigan nako-conscious na ang beauty ko,” biglang nagsalita na lang ito. Natatawa na lang akong nahiga ulit sa tabi nito at pilit akong sumiksik sa tabi nito. Napipilitan naman yata si bakla na yakapin ako pero infairness, nakalimutan kong idagdag sa description ko sa kanya kanina. MABANGO. As in super mabango, wala man lang bahid na bakla ang pagkatao nito. Kasi ultimo pabango nito panglalaking-panglalaki, ‘yong mga gamit nga nito sa unit ko lahat panglalaki lang. Minsan ko nang sinabihan na magladlad na at ng makapagsuot na ng damit pang babae pero ayaw daw nito. Masaya na ito sa kung anong meron siya ngayon. …………………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD