Sa loob ng isang night club sa Quezon City nagtipon ang mga malalakas na demonyo. Maayos na nakaupo si Basilio sa isang sofa at napag gitnaan siya ng twins na dalaga. Yung ibang mga demonyo nakaupo sa paligid habang pinapanood nila si Fortea na nagwawala sa takot sa gitna.
“Sinasabi ko sa iyo Basilio makapangyarihan yung babaeng yon! Ayesha daw pangalan niya. Kaya pa nga niya basahin isipan ko e! Alam na nila itong kampo natin at dadalaw daw siya dito at mag uusap kayo” sabi ng taga basa. “Akala ko ba walang nakakabasa sa isipan mo? Hindi ba ikaw dapat nagbasa sa isipan niya?” sagot ni Basilio.
“Oo gagawin ko yon pero naunahan niya ako, bubulungan ko pa nga sana pero may kasama siya! Hindi nakikita yung kasama niya. Napatay niya agad yung mga kasama ko, basta nalang nagtumbahan sila at nawala” dagdag ng dalaga. “Sigurado ka ba hindi si Antonio yan?” tanong ni Lorena. “Hindi, kasi pag si Antonio yon ay susulpot dito yung mga labi ng mga alagad natin pero ni isa sa mga sinasabi niya wala nagpakita dito. Baka naman guni guni mo lang yan Fortea” sabi ni Armina.
“Makinig kayo sa akin!!! Totoo ang sinasabi ko! Yang Ayesha na yan malakas at ang nakakatakot yung kasama niya! Hindi makita tapos hindi pa nararamdaman ang kanyang dark aura! He almost killed me pero sumulpot yung babae na yon para pigilan siya! Ngayon alam nila itong kampo at pupunta daw sila dito para kausapin ka Basilio! Kung ayaw niyo maniwala e di wag! Wag na kayo magtaka pag natigok nalang kayo bigla!” sigaw ni Fortea at naupo sa isang tabi.
Pinaglaruan ni Basilio ang kanyang singsing at pinagmasdan ang kanyang taga basa. “Ano sa tingin mo ang gusto niyang pag usapan?” tanong niya. “Hindi ko alam” sagot ng taga basa at nagsimangot. May lumapit na matandang lalake, naka ternong asul na suot, mahabang ang buhok at mga mata may kuryente. “Naniniwala ako sa kanya, may kasama kami noon na ganyan nung laban ng langit at impyerno. Delikado ang mga nilalang na ganyan pero malakas silang armas” sabi niya.
“Natatandaan ko nga yon. Madami siyang napaslang na kalaban noon, halos wala natira para sa atin. Pero dahil takot na takot ka sa kanya pinalibutan mo katawan mo ng kuryente para hindi siya makalapit” sabi ng isa pang matanda na nakasuot ng madilim na pula at mga mata umaapoy. Nagharap ang dalawang matanda at mukhang magbabakbakan, inalis ni Basilio ang singsing niya at lahat ng demonyo sa bar ay biglang napaluhod at napahawak sa kanilang leeg.
“Zalero, Volgo, magkakampi kayo at hindi magkaaway. Pareho kayong importante at ayaw ko mawala ang isa sa inyo” sabi ni Basilio at bigla siyang niyakap ng isa sa twins na babae na katabi niya. “Hindi na natin sila kailangan” landi ng dalaga sabay nagkaroon din ng kuryente ang mga mata niya. Yumakap din ang isang twin at mga mata niya nag apoy din. “Mga gaya gaya!” sigaw ni Volgo. “Basilio wag ka masyado umasa diyan sa mga alaga mong linta na yan” dagdag ni Zalero.
“Mga estupidong matanda! Di niyo ba naisip na kaya nila gayahin yung di makitang demonyo na yon. Pag napaamo natin yang Ayesha, sasanib siya sa atin, yung alagad niya makakasama natin tapos pwede nila kopyahin ang kapangyarihan niya. Imbes na iisang silent assassin magkakaroon na tayo ng tatlo” paliwanag ng binata sabay tawa.
“So ibig mo sabihin makikipag usap ka sa babaeng yon?” tanong ni Fortea. “Alam mo Fortea pag hindi ko lang kailangan yang mga kapangyarihan mo kanina pa kita pinatay. Shut up ka diyan! Pabilisin niyo nga yung paghanap sa mga ate ni Armina! Zalero at Volgo dito lang kayo lagi baka biglang sumulpot yung Ayesha na yon. Antayin natin siya sa lahat dito” sabi ni Basilio.
Sa isang bahay sa may residential area na malayo sa condo ni Ayesha may isang dalaga na nakaupo sa harapan ng kanyang laptop. Hindi nakatingin ang babae sa screen, mga mata niya puti at mga kamay ang bilis sa pagtype sa keyboard.
“Be a demon…” ang mga huling sinulat niya sabay nanigas ang mga kamay niya. Pumikit ang dalaga at muling naging normal ang kanyang mga mata. Pagtingin niya sa screen napahaplos siya sa noo niya at napabuntong hininga. “Oh my God ano nanaman ito?” bigkas niya. Pinatay niya ang laptop niya sabay nahiga sa kanyang kama. “What the hell is happening to me?” bulong niya sabay pinikit ang mga mata.
Pagsikat ng araw, maagang nag almusal ang tatlo sa condo. “So all this time nasa Quezon City lang pala sila. Alam mo kaya ko sumugod don at mabilis lang patayin yang Basilio na yan” sabi ni Saturnino. “Hindi siya ganon kadali, naramdaman ko na ang kapangyarihan niya. Dark Aura palang niya pwede ka na mamatay. Nung huling pagpulong na pinuntahan namin ni Barbs sa isang iglap lang napaabo niya ang dalawang demonyo” sabi ni Ayesha.
“Guys eto na chance natin e para matapos na lahat. Imagine pag napatumba yang Basilio na yan e di mawawala na pag asa yung mga kalaban. So kailangan natin iplano maigi itong pag atake natin” sabi ni Bea. “Aye brownies naman o. Di ko kaya magi sip ng walang brownies” lambing ni Saturnino. Agad naman tumayo ang demonyong dalaga at nagsimula magluto. “Wow ha, parang ang lakas mo ata sa kanya today. Ano ba nangyari?” tanong ng taga hilom at napangisi nalang yung binata.
Habang nagluluto si Ayesha ay nagiisip naman yung dalawa. “Tama si Ayesha, kasi oo madali lang sumugod doon kasi alam na natin saan sila. O sabihin natin makapasok tayo doon tapos nakatsamba tayo tapos ang laban. Pero pag hindi ay dapat may back up strategy tayo” sabi ni Saturnino. “Hmmm hindi ba kayo pwede magteleport paalis pag hindi kaya?” tanong ni Bea. “Masusundan kami, mamarkahan nila ang dark aura ko tapos madali nalang nila ako mahahanap” sabi ni Ayesha.
“Yun ang mahirap tapos yung babae kagabi malakas din yon na taga bulong e” sabi ni Saturnino. “Taga basa din siya na malakas kaya dapat planado ang pag atake” sabi ng demonyong dalaga. “At isa pa boss yan kaya sigurado madami din siyang bantay na malakas” dagdag ni Bea. “Ibang klaseng chess to, protektahan ang hari pero ang hari ang pinakamalakas” sabi ng binata at napahaplos sa noo niya. “May plano ako pero kailangan natin maunahan yang si Fortea na taga basa at taga bulong” sabi ni Ayesha.
Nabasa ni Saturnino ang naiisip ng dalaga kaya agad siya nagreklamo. “Di ako papayag!” sigaw niya. “It’s the only way! Stop reading my mind!” sumbat ng dalaga. “Pero Aye delikado yang plano mo e” sabi ng m binata. “Hello! Di ako makarelate!” sabi ni Bea. “She is planning to go there and speak to him tapos nakatago ako at pag may tsansa papatayin ko siya. Pag wala parang normal talk lang magaganap” paliwanag ng binata.
“What?! Delikado yan! Pano kung trinayodor kayo? Pano kung maghiganti sila sa nagawa niyo kagabi? O sige nga!” sigaw ng taga hilom. “Kung ayaw niyo ng ganon e di mag isip kayo ng iba pero hindi ako papayag na mag isa kang susugod don! Pag hindi mo siya napatay o kaya naunahan ka kailangan mo ng kasama. Sige mag isip kayo ng ibang paraan” sabi ni Ayesha at tinuloy ang pag luto niya.
Matagal napaisip si Saturnino, tinitigan niya si Bea ng matagal at namula ang pinsgi ng dalaga. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay at hinaplos sabay ngumisi. “Hoy bakit ang tahimik niyo?” tanong ni Ayesha at paglingon niya si Saturnino nalang ang naiwan sa lamesa. “O nasan si Beatrice?” tanong niya. Nakarinig siya ng malakas na tawa at ilang sandali may kumurot sa kanyang tagiliran. “Bea! Itigil mo yan! Saturnino bakit mo siya ginawang invisible?” tanong ng demonyong dalaga.
“Yan ang plano natin” sabi ng binata at agad niya nahuli ang kamay ni Bea bago ito makadampi sa kanyang pisngi. Lumitaw ulit ang dalaga, naupo sila lahat sa harap ng mesa at nagplano. “Nung nasa gym ako she held my back tapos lumakas ako. Mag iiba ba ang dark aura ng demonyo pag nanatili siyang hinahawakan ng taga hilom?” tanong ng binata. Napangiti si Ayesha, “Oo nga no pero never ko pa nasubukan. Try nga natin” sabi niya.
Nagpunta si Bea sa likod ni Ayesha at humawak sa balikat ng demonyong dalaga. “Perfect! Nag iba ang dark aura mo. Lumakas siya!” bigkas ni Saturnino kaya natuwa sobra ang dalawang dalaga. “Ayos! Solve na ang exit strategy natin. Pwede na tayo magteleport paalis kasi bibitaw nalang si Bea sa iyo tapos balik na sa dati ang dark aura mo. So hindi ka na masusundan” paliwanag ng binata. “Yes!!! Pero will they sense Bea?” tanong ni Ayesha.
“Hindi, pag hawak ka niya parang iisa nalang kayo. Gagawin ko nalang siya invisible para di nila makita. Ang problema nalang ay dapat nakadikit ka lagi sa kanya na hindi obvious” sabi ng binata. “Oo dapat mag ingat sa bawat tapak ko” sabi ng taga hilom. “At wag kang magpapanic o matatakot” sabi ni Ayesha. “Oo nga, pag nagawa mo yon okay na ang plano natin. And we attack tonight” sabi ng binata at nagtawanan yung tatlo.
“Mwahahaha iisipin nila ako ang pinakamalakas at pinakamagandang babaeng demonyo mwahahaha!” sigaw ni Ayesha. “Mwahahaha pero ako pala nagpapalakas sa iyo” banat ni Bea. “Mwahahaha pero sa totoo ako yung malakas kasi may dakilang apoy ako” sabi ni Saturnino. “Mwahahah pero kay Basilio mo lang pwede gamitin at hindi sa iba kundi buking na tayo mwahahaha” sagot ng dalagang demonyo. “Oo nga pala mwahaha para tayong mga siraulo. Sa totoo kinakabahan din kayo no?” sabi ng binata. “Mwahahaha oo sobra” sabi ni Bea. “Mwahaha ako din” dagdag ni Ayesha. Nagka laughing trip yung tatlo para tanggalin ang kaba nila pagkat ilang oras nalang ay dadalaw na sila sa lungga ng kalaban.
Maliwanag ang sinag ng buwan, tahimik sa kalye maliban sa napakalakas na tugtugin mula sa isang night club. Sa loob magagara ang mga suot ng mga tao, may mga nagsisigandahang mga babae ang nagsasayawan sa bawat sulok ng bar.
Habang nagsasaya ang ibang demonyo ang mga sa VIP section ay seryoso ang mga itsura at nagmamasid sa paligid. Bawat demonyo na papasok sa entrance napapatayo sina Zalero at Volgo pero dalawang oras na mula magbukas ang club wala pa yung inaantay nila.
Sa labas ng bar may dalawang malaking bouncer na nakabantay. Mahaba ang pila ng mga tao na gusto pumasok pero tanging mga demonyo lang ang pinapadaan nila ngayong gabi. May mainit na hanging naramdaman ang lahat, napalingon sa paligid yung dalawang bouncer at nagulat sila pagkat nanigas ang mga taong nakapila.
Sa harapan nila biglang sumulpot si Ayesha, makintad na pula ang mapangahas niyang suot na dress. Ang baba ng neckline sabay ang laki ng slit kung saan kitang kita na ang kanyang flawless na legs. “Tabi” bulong ng dalaga, napangiti lang yung dalawang malaking demonyo pero bigla nalang nag umpugan ang ulo ng dalawa at napalipad sila sa malayo. Huminga ng malalim si Ayesha at inayos ang kanyang buhok. “Aye bakit kasi ganyan ang suot mo?” bulong ni Saturnino. “Oo nga sis masyado na revealing e” bulong din ni Bea.
“Tsk kailangan ito para ang atensyon nila sa akin lang. Bakit Benjoe do you like my dress?” landi ng dalaga. “Yup” sagot ng binata at natawa yung dalawang dalaga. “Napaka honest mo ha” biro ng taga hilom. “Oo nga alam mo masisira plano natin kasi di ko maalis mata ko sa iyo e” hirit ng binata. “Sus mamaya na tayo maglandian, we have work to do. Stick to the plan okay?” sabi ng demonyong dalaga at pumasok na siya sa loob ng club.
Pagkapasok ni Ayesha agad napakapit si Fortea kay Basilio. Agad pinatigil ang malakas na tugtugin at lahat ng mga lalakeng demonyo napatingin sa kaakit akit na dalaga. Mataray ang titig ni Ayesha habang naglalakad siya papunta sa may VIP section, lahat ng madadaanan niya talagang tumatabi.
Sa isang pitik ng kamay napatapis ang mga natitirang nakaharang na demonyo. Napatayo na talaga sina Zalero at Volgo pero hinawakan ni Basilio ang kanilang kamay. “Relax lang kayo bisita natin siya” sabi ng binata. Nakalapit na si Ayesha, tinaas ni Basilio ang kamay niya at may isang demonyo na naglalapit ng isang upuan.
“Mas gusto kong tumayo” sabi ng dalaga. “Okay, so ikaw pala yung sinasabi ni Fortea” sabi ni Basilio at sa isang pitik niya may dalawang demonyo na umatake sa dalaga pero bago pa sila makalapit ay sabay napatagilid ang mga ulo ng mga sumugod, nahawakan sila sa leeg ni Saturnino at ginawang invisible sabay pinakawalan ang kanyang dakilang itim na apoy para agad sila mabura.
Napapalakpak si Basilio at lahat napatingin sa stage at tila may inaantay. “Hindi na sila susulpot pabalik dito kung sila ang inyong inaantay” sabi ni Ayesha sabay tawa. Umalma si Armina at napatayo. “Ows? Bakit? Saan mo sila dinala?” tanong niya. “Sino ito? Ikaw ang pinunta ko dito Basilio kaya patigilin mo sa pagkakahol ang iyong mga aso” pataray na sabi ni Ayesha.
Tumawa ng malakas si Basilio at muling napapalakpak. “Alam mo type kita. Naakit ako sa ganda mo at sa iyong taglay na bangis. Pero mas napapahanga ako sa alagad mong hindi namin nakikita” sabi ng binata. “Aye si Fortea nagsisimula na magbasa, nararamdaman ko na kapangyarihan niya” bulong ni Saturnino. Napailing konti ang dalaga sabay tinuro si Fortea. “Taga bulong at taga basa, ayos din naman ang isang tuta mo e. Patigilin mo siya!” sabi niya.
Mabilis tumabi si Saturnino kay Fortea at sinubukan bulungan ito. “Hindi mo babasahin ang isipan ni Ayesha” paulit ulit niyang sinabi. Naninigas ang mga kamay ng dalaga pero huminga siya ng malalim at tumamlay ang katawan.
Napayuko ang taga basa ni Basilio at napatingin sa binata. “Buking ka na so wag ka na magpwersa sa pagbasa ng kanyang isipan. Mas maganda kung mag uusap nalang kami” sabi ng binata. “Upuan!” sigaw ni Ayesha at nabilib nanaman ang lahat nung lumutang ang isang silya at lumapit sa dalaga. Takot na takot si Bea pero pagkaupo ni Ayesha ay binalik niya agad ang hawak niya sa balikat ng dalaga.
“Sabi mo ayaw mo maupo” bigkas ni Basilio. “Tahol ng tahol ang mga aso mo hindi tayo makapag usap. Akala ko madali lang ang sadya ko dito pero wala ka palang control sa mga animal mo” sagot ng dalaga at napahalakhak ulit ang binata habang ang mga alagad niya pikon na pikon na kay Ayesha. “Girls narinig niyo siya umalis kayo muna” sabi ni Basilio. Sabay sabay umalis sina Lorena, Armina, Fortea at yung twins. Nagpaiwan sina Zalero at Volgo pero pati sila pinaalis ng binata.
“O ngayon ano ang pinunta mo dito?” tanong ni Basilio. Wala nang nakabantay sa binata, nanggagalaiti na si Saturnino pero nababasa niya isipan ng dalagang demonyo kaya kumalma siya. “Gusto ko ibigay mo sa akin ang central Luzon at akin lamang” sabi ni Ayesha. Nagkatitigan yung dalawa at muling napahalakhak ang binata. “Gahaman ka! I really like you!” sabi ni Basilio. “Yan nga din ang sinabi ni Crispin sa akin nung pagpulong e pero ayaw ko sa mga mahihinang lalake” sabi ng dalaga.
Pinagmamasdan nila ang reaksyon ni Basilio, naging seryoso siya. Biglang humalakhak ulit ang binata at pumalakpak. “Tama ka mahina yung tuta ko na yon. Anyway, hindi ako makakapayag sa gusto mo. Pero may mas maganda akong iaalok” sabi ng binata at pinaglaruan ang kanyang singsing. “Mas magandang alok? Ano naman ang mas magandang alok na yan…hmmm…gusto mo ako sumanib sa grupo mo…gusto mo ako maging asawa?” landi ng dalaga. Gulat na gulat si Basilio pagkat nabasa talaga ang inisip niya, napangisi si Saturnino pagkat siya naman talaga ang nag bulong sa dalaga.
“Sa tono mo parang tinatawanan mo ako sa loob loob mo ha. Bakit masyado din ba. ako mahina?” tanong ni Basilio. “Oo kasi panay galamay mo lang ang nakikita kong nakikipaglaban kay Antonio. Kung malakas ka bakit hindi man lang kita nakikita?” sabi ng dalaga at napatayo si Basilio sa galit.“Nakita mo si Antonio?!!! E bakit buhay ka pa?” tanong ng binata. “Kasi maingat ako pero muntik na siya napatay ng alagad ko. Kung tumagal pa sana sila konti e sigurado tigok siya pero agad sila nagteleport at ayaw namin humabol pagkat baka alam nila nandon kami at set up ang mangyayari” paliwanag ng dalaga.
“Hmmm…interesado ako sa alagad mo. Gusto ko siya. Pero hindi ko kaya ibigay ang buong central Luzon. Sumanib ka sa amin at gagawin kitang kanang kamay ko” alok ng binata. “At ano magrereklamo ang isa mong tuta…ay dalawang tuta pagkat naipangako mo na yang pwesto sa kanila?” sumbat ni Ayesha at muling napapalakpak ang binata. “Alam mo ba naghahanap ako ng kapalit sa aking taga basa, baka gusto mo ikaw nalang?” sabi ni Basilio.
“Ayaw ko yung may amo ako. Ikaw gusto mo magpa alipin sa akin? Aalagaan kita” landi ni Ayesha at napangisi yung binata at tumindi ang pag iikot niya sa kanyang singsing. “Aye sabayan mo ako sa pagbigkas, titigan mo siya susubukan ko siya bulungan” sabi ni Saturnino. Inekis ni Ayesha ang legs niya sabay pinagapang niya ang isang daliri niya sa kanyang litaw na dibdib. “Magpaalipin ka na sa akin” malandi niyang sinabi.
Nanigas konti si Basilio pero agad tumingin sa malayo. “Muntikan mo na ako nabihag don. Bilib ako sa iyo, taga bulong at taga basa ka din pala. Pwede ba ganito nalang ang usapan natin, sasanib ka sa grupo ko tapos bibigyan kita ng mga siyudad sa Central Luzon na gusto mo pero hindi mo pwede kunin lahat” alok ng binata.
Naglatag agad ng mapa si Armina saka inirapan ang bisita. “Ayan sige mamili ka na, bibigyan kita ng anim na lungsod na gusto mo” sabi ni Basilio. “Akin lang sila at hindi ka makikialam?” tanong ni Ayesha. “Oo basta sumanib ka sa grupo ko pagkat kailangan ko ang tulong mo” sabi ng binata. Napaisip si Ayesha ng matagal sabay pinagmasdan ang mapa. “Walang pakialaman tama?” tanong niya. “Oo naman ikaw ang magrereyna sa mga siyudad na yan at pagsapit ng panahon ikaw narin ang magrereyna sa buong bansang ito” sabi ni Basilio.
Tumaas ang kilay ni Ayesha at tumawa, “Korny mo bumanat. Pwes mamimili na ako” sabi ng dalaga. Ang bilis nagturo ng dalaga ng tatlong siyudad tapos napaisip ng matagal tapos pinili ang pang apat. Sumandal siya sa upuan at napaisip, “Sige ito nalang” sabi niya at nakahinga ng maluwag si Saturnino pagkat napili ng dalaga ang siyudad kung nasan si Maya.
“Okay sa iyo na ang mga yan. Sasanib ka na sa grupo ko tama?” sabi ni Basilio. “Of course pero kung malakas ka bakit mo pa ako kailangan? Duwag ka ba at hindi mo kaya harapin si Antonio? Alam mo mapapasaiyo ako pag natalo mo yung hayop na yon” landi ni Ayesha. Napangisi si Basilio at binitawan ang singsing niya. “Hmmm aamin ako sa iyo Ayesha hindi ko pa siya kaya sa ngayon. Pero makakapag antay ka ba?” sabi ng binata.
“Pinag aantay mo ang babae Basilio? Shame on you” landi ng dalaga at natawa silang dalawa. “Oo pero may ginagawa akong paraan. May inaantay nalang ako para makamit ko ang sapat na kapangyarihan para matalo ko siya. O at least honest ako sa iyo” sabi ng binata. “Hay sigurado ba yang plano mo o baka naman aasa ako sa wala?” tanong ni Ayesha. “Makakaasa ka Ayesha. Pag nahanap ko yung mga bruha ng Norte bubuksan nila ang portal papunta sa lupain ng kapangyarihan. Papasok ako doon at magpapalakas. Pagbalik ko dito doon ko hahamunin yang Antonio na yan. Pag nagtagumpay ako siguro hindi ka din aatras sa iyong sinabi” paliwanag ni Basilio.
Halos hinuhubaran na ni Ayesha ang sarili niya para akitin ang binata pero agad inayos ang damit niya. “Talagang pag aantayin mo pa ako ha” sabi niya. “Konting panahon nalang naman e” sagot ng binata. Nabasa na ni Saturnino ang isipan ni Basilio, alam na niya ang kanyang mga plano kaya kinalbit niya si Ayesha.
Tumayo yung dalaga at huminga ng malalim. “Bweno, akoy magtutuloy na” sabi niya. Tumayo din si Basilio pero biglang inalis nito ang kanyang singsing. Napahawak si Ayesha sa kanyang leeg at humalakhak ang binata. “Akala mo ganon nalang kita kadali papaalisin?” bigkas niya. Ramdam ni Saturnino ang dark aura ng kanyang kalaban, pati siya napapahawak sa leeg niya at ngayon lang siya nakaramdam ng pagsasakal.
Pinilit niya makalapit kay Basilio, nilabas niya ang hintuturo niya, isang hakbang nalang ay mababaon na niya ito sa ulo ng binata pero may isang demonyo na nakabalot ng itim na balabad ang biglang sumulpot sa harapan niya. Nahawakan si Saturnino sa leeg pero sinuot agad ni Basilio ang kanyang singsing at napasigaw.
“Tama na!”
“Traydor ka!” sigaw ni Ayesha habang naghahabol ng hininga. Agad tumabi si Saturnino pagkat ramdam niya din ang lakas nung demonyong nakabalabad. “Pasensya na hindi ko alam ano ang pumasok sa isipan ko. Sige na makakaalis na kayo” sabi ni Basilio. Masama ang tingin ni Ayesha sa binata pero naramdaman niya na hinawakan na siya nina Saturnino at Bea. “Papalagpasin ko yang ginawa mo ngayon. Sige na” bigkas ng demonyong dalaga at agad siya nawala.
Naupo si Basilio at galit na galit, dahan dahan lumalapit ang mga alagad niya pero pinagmamasdan nila yung naka itim na balabad. “Salamat” bigkas ng binata at agad nawala ang demonyo. “Sino yon?” tanong ni Armina. “Hindi niyo na kailangan pang alamin” sagot ni Basilio.
“Bilib ako sa iyo may tinatago ka palang body guard ha” sabi ni Zalero at napangisi nalang yung binata. May dalawang sumulpot na lalakeng demonyo at nakayuko ang ulo nila. “Patawad boss hindi naman sila masundan. Biglang nawala ang kanilang dark aura” sabi nung isa. Napapikit ng mata ang binata at umaapaw na talaga siya sa galit.
“Fortea akala ko ikaw na ang pinakamalakas, bakit hindi mo kaya basahin isipan ko pero siya kaya niya?! Muntik pa ako nabihag sa bulong niya. Bakit ganon hindi sila masundan? Anong klaseng kapangyarihan ang meron yang babaeng yan?!!!” sigaw ni Basilio.
Walang nakaimik maliban kay Lorena na dahan dahan lumapit. “Basilio may sugat ka sa noo” sabi niya. Napahaplos ang binata sa kanyang noo at nakita niya sa kamay niya na may dugo. Lalong nagwala ang binata at agad pinaabo ang dalawang kasusulpot lang na binata. Ngayon lang nakaramdam ng matinding takot si Basilio, alam niya muntikan na siyang napatay nung di makitang alagad ni Ayesha.
“Tama na ang pagsasayang sa oras! Ako na mismo maghahanap sa mga bruha!” sigaw niya.
Sa may condo nakapagbihis na yung dalawang dalaga, mag midnight snack sana sila pero napansin nila si Saturnino na malungkot sa sofa. Tinabihan siya nung dalawang dalaga sabay tinitigan. “Ano problema mo?” tanong ni Ayesha. “Alam mo ba natapos na sana ang mga problema natin kung napalabas ko lang ang tunay kong kapangyarihan” bulong ng binata.
“Hay naku at least nalaman natin ang mga plano nila. Ngayon ang kailangan natin gawin ay tawagin daddy mo pero hindi ko alam pano” sabi ng demonyong dalaga. “Tsk alam mo tapos na dapat lahat e. Konti nalang talaga e. As in kung napahaba ko lang pa konti yung apoy ko nasaksak ko na sa ulo niya e” sabi ni Saturnino. Hinaplos ni Bea ang likod ng binata sabay pinasandal sa kanya.
“Look here, now we know may bantay pala siya. Yung naka black na yon na sumulpot bigla. Kung sumugod ka agad from the start mas malaking gulo ang mangyayari” sabi ng taga hilom. “She is correct at naramdaman mo naman na malakas din yung naka itim na yon. At naramdaman mo narin ang kapangyarihan ni Basilio. Be happy at tagumpay tayo. Di man natin siya napatay at least we now know ano ang goal nila” sabi ni Ayesha.
“Hinahanap nila yung mga bruha, pano kung hindi natin sila maunahan? Mabubuksan nila yung portal na yon at lalakas siya. Hahamunin niya tatay ko o mas delikado na lagay ng tatay ko pag ganon. May mga nakita ako tungkol sa mga kampana pero hindi ko masyado nabasa. Ang point ko is that pag lumakas siya di natin alam ano mangyayari pa. I had the chance kanina, it was really close. I could have killed him!”
“Bakit ba hindi ko kaya ipalabas ang kapangyarihan ko?! Ginagawa ko naman na lahat! Focus! Concentrate! Ano pa nga ba kailangan ko kasi gawin? Sayang talaga e! Tapos na talaga sana lahat ito! Naitutok ko na talaga, konting apoy pa sana tapos na! Pero ewan ko bakit ayaw talaga!” sigaw ni Saturnino sag alit.
Niyakap siya nung dalawang dalaga para pigilan ang pagwawala niya. Kumalma si Saturnino at pinikit ang kanyang mga mata. “Call me Benjoe again. I think di ako talaga suited to be Saturnino kasi di ko din lang kaya palabasin kapangyarihan ko” sabi ng binata. “Wag ka naman ganyan. Kahit ano pa pangalan mo ikaw parin yan. Mapapalabas mo din powers mo. Siguro pag ako girlfriend mo lalabas yan” biro ni Ayesha.
Napangiti si Benjoe pero agad hinalikan ang dalaga sa pisngi. “Thank you for choosing…” bigkas niya. “Wait baka iniisip mo ayaw ko piliin yon kanina. Gusto ko yon unahin pero mabubuking tayo e. So I choose three random cities agad para feel niya na important sa atin mga yon. Tapos kunwari nahirapan ako sa pagpili nung last two para least importance” paliwanag ng dalaga. “Thank you” bigkas ni Benjoe at napasimangot nalang yung dalaga.
“Alam niyo kayong dalawa nalilito talaga ako. Kasi ang babait niyo talaga e. Kaya minsan di ko alam kung demonyo talaga kayo” sabi ni Bea at napangiti nalang yung dalawa. “Benjoe siguro yun ang problem mo e” dagdag niya. “Ang pagiging mabait?” tanong ng binata. “Yup, when you are mad ramdam namin ang powers mo na lumalabas e” sabi ng taga hilom.
“E di pagalaitin natin siya lagi” sabi ni Ayesha sabay tawa. “Nope! I think you should let loose” sabi ni Beatrice. “Let loose? What do you mean?” tanong ni Benjoe. “You are a demon so become a demon. Be really bad as you want to be. Siguro yun ang susi sa powers mo” sabi ng taga hilom. “Hindi ko kaya gawin yon. Kahit na gusto ko meron at meron parin something sa loob ko na magpipigil sa akin” sabi ng binata.
“Hay di mo mababago yan. Sa tagal ko nang nagbabantay diyan talagang mabait na yan. Buti nga hindi nasusunog pag nagsisimba e” sabi ni Ayesha sabay nagtungo sa kusina. “Anyway pag isipan mo lang yon. Mabait na kung mabait alam namin yon pero di mo naman kailangan ipakita kabaitan mo sa mga bad demons nay an. When fighting them be a demon, di ka naman naming huhusgahan e kasi we know you are doing that for us din lang. Pag isipan mo lang. Aye gutom ako magluto ka” sabi ni Bea. Naiwan si Benjoe sa sofa at napaisip ng malalim.
“Be a demon…”