Happy Demon

4838 Words
Lunes ng hapon sabay naglalakad pauwi si Benjoe at Maya. Pagdating nila sa may park ay nakita ng binata ang fishball stand. "Tara kain tayo fishball" alok niya. "Hmp nakakasawa na yang fishball, sa bahay nalang tayo mag meryenda" sagot ng dalaga. Kumunot ang mga labi ni Benjoe at niyuko konti ang ulo niya. "Oh my God, im so sorry I didn't mean it that way" sabi ni Maya. "No, its okay. Don't worry about it" sabi ng binata. "No, Benjoe uy di ko sinasadya na ganon. Kasi favorite din yan ni Mina e kaya everyday kami kumakain ng ganyan. I wasn't talking about yung panlilibre mo sa akin ng ganyan" paliwanag ni Maya. "Yeah okay lang ano" sagot ng binata. Pagdating nila sa gate niyaya ni Maya pumasok si Benjoe. "Ah hindi na, may pupuntahan pa ako" sabi ng binata. Inayos ng dalaga ang kwelyo ni Benjoe, "Uy, sorry talaga. Di ko sinasadya na ganon. I was not thinking" sabi ni Maya. "Its okay Maya, there is half truth with what you said. How can I compete with them pag fishball lang kaya ko ilibre sa iyo" sabi ng binata. "Benjoe naman e. Its not a competition at hindi naman yun ang basis e. Uy, sorry na" lambing ng dalaga. "Sorry ha, naubos pera ko e. Dibale promise ko pag may pera ako hindi na fishball ever. I really have to go Maya, paki sabi nalang kay Mina di ko siya makakalaro today" sabi ni Benjoe. Hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata. "Please stay, I really am sorry. Benjoe you don't have to compete with them. I like you for who you are. I didn't mean to hurt your feelings" sabi ni Maya. "I am not hurt Maya, bale napaisip lang ako. Dibale magbabago ang lahat I promise you. Sorry din pag iniisip ko na competition pero gusto you deserve naman something better. You deserve something better than fishball" drama ng binata. "Galit ka siguro sa akin" bulong ng dalaga. "Of course not, I just have to do something. We are good I promise" sabi ni Benjoe. "Swear?" lambing ng dalaga at ngumiti yung binata. "Oo naman, pano naman ako magagalit e kanina mo pa hawak kamay ko. First time ko makipag holding hands sa babae" banat ni Benjoe at napatawa si Maya. "Medyo may jet lag na nga ata ako kasi kanina pa ako lumulutang sa ere eh" hirit ng binata at tawa ng tawa si Maya. "Hmmm e pano nung birthday mo?" tanong niya. "Ah! Yon, that was the day na parang lumabas yung kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa tuwa" sabi ni Benjoe. Pinaghihila ni Maya ang kamay ng binata habang tawa siya ng tawa. "Youre the very first guy I ever kissed" sabi ni Maya at nanlaki muli ang mata ni Benjoe sa gulat. "At ikaw palang ang unang lalake na pumayag ako ihatid ako pauwi" hirit ng dalaga at lalong hindi makapaniwala ang binata. "E tuwing dumadalaw ako may mga suitors ka" sabi niya. "Yeah but have you seen me walk home with them? I see you always by the park you know" lambing ng dalaga at agad nagtakip ng mukha ang binata. "Wala na ako mukha ihaharap sa iyo sa hiya" bulong ng binata at muling natawa si Maya. Humawak ang dalaga sa mga kamay ni Benjoe sabay dahan dahan binuklat para makita ang mukha niya. "Meron naman o" biro niya at nagtawanan sila. "Benjoe hindi lang ako bastos that is why I do entertain them if they visit. At hindi ako nakukuha sa magagarbong regalo o paglibre sa labas" "Hey its whats inside here" bulong ng dalaga sabay nilagay niya ang kamay niya sa dibdib ng binata. "Sorry hindi ako nagsuot ng bra" bigkas ni Benjoe at napahalakhak ng malakas si Maya. Nagbukas ang pinto ng bahay at agad sumigaw si Mina. "Kuyaaaa! Dali na! Ready na yung tea set ko!" sabi ng bata. "Oh boy magmumukha nanaman akong inahin na nangingitlog nito" bulong ng binata. "Bakit naman?" tanong ni Maya. "Grabe have you tried seating on her small chair and pretending to be having tea on her small table?" sabi ni Benjoe at muling natawa si Maya at pinagkukurot siya. "Wala ka nang takas, nakita ka na niya so you have to come in" sabi ng dalaga. "Hey Maya what did you see inside my chest?" tanong ni Benjoe. "Something good and something that I really like" sagot ni Maya. "Are you in love with me?" pabirong banat ng binata at nagulat yung dalaga. "Ano sabi mo?" tanong ni Maya at ngumisi si Benjoe. "Oh come on be honest. Don't be shy, you can tell me" hirit ng binata at nagtawanan sila. Binuksan ni Insyang ang gate at nakapasok na sa bahay yung dalawa. Bungisngis parin si Maya pero humarap kay Benjoe. "Sasagutin ko tanong mo if you promise to stay for dinner" sabi niya. "I will stay for dinner" sagot ng binata na parang robot kaya muling natawa ang dalaga. "Okay, so mangitlog ka muna at tutulungan ko si ate magluto" banat ng dalaga at muling nagtawanan yung dalawa. Isang oras lumipas at nagtawag na si Insyang para kumain. Tumakbo agad si Mina at si Benjoe naiwan sa may play area. Lumapit si Maya para tawagin ang binata pero napahalakhak ulit siya nang makita ang binata na parang pato na naglalakad. "Whats wrong?" tanong ni Ricardo na tatay ng dalaga. Natawa siya ng todo at tinawag pa si Marianne na asawa niya. "Hehe I will be fine just give me time to slowly stretch" sabi ng binata at lalo pa sila nagtawanan. Inalalayan ni Maya at Ricardo si Benjoe hanggang makaupo siya sa harapan ng dining table. Agad lumapit si Mina sa kanya at muling nagpakandong. "Mina, go back to your seat para naman makakin si kuya mo" sabi ni Marianne. "Dito ako mama, feed ako ni kuya" sabi ng bata. "Okay lang po, sabay nalang kami kakain" sabi ni Benjoe. "Hay naku Mina, iho sige na ipaupo mo na siya sa seat niya at nakikinig siya sa iyo" sabi ni Ricardo. "Okay lang po talaga, dito nalang siya. Pero Mina next time...ay kung may next time pala doon ka na sa upuan mo ha" sabi ni Benjoe. "Opo kuya. Ate dito ka din sa isang lap ni kuya o" sabi ni Mina at pabiro naman naupo si Maya sa kabilang lap. Natuloy ang pagkain nila pero ang mag asawa napapangiti habang pinagmamasdan si Mina na pinapakain ni Bbenjoe Nagkatinginan si Maya at nanay niya, ngumiti si Marianne sabay kinindatan siya kaya napayuko ang dalaga at kinikilig. Tinignan ni Maya ang kanyang ama na nakangiti ito at pataas baba ang kanyang mga kilay. "Wala atang dumalaw ngayon ah" landi ni Insyang at natatawa na si Maya. "Pinatigil ko na sila. Bawal na ang dalaw" sabi ng dalaga. "Oh? Bakit naman?" tanong ni Ricardo at pinagkukurot siya ng kanyang anak. "Siya na ba?" hirit ng tatay ng dalaga kaya napatayo si Mina at tinakpan ang bibig niya. Kasusubo lang ni Benjoe kay Mina atnapatingin siya sa iba at nagulat siya pagkat nakatingin sila lahat sa kanya. "Ano po yon?" tanong niya. "Wala sige kumain ka lang no" sabi ni Maya. "Bakit mo tinatakpan bibig ng dad mo?" hirit ng binata kaya bumitaw ang dalaga at bumalik sa upuan niya. "Yes or no lang naman e" sabi ni Ricardo at napangiti si Maya. "Yes!" bigkas niya at napatingin sa kanya si Benjoe. "Anong yes?" tanong niya. "Wala kumain ka na" sabi ni Maya at biglang pinokpok ni Mina ng kutsara ang noo binata. "Ubos na kuya o ahhh" sabi ng bata. "Mina! Don't do that" sabi ni Marianne. "Kasi di niya ako pansin e. Lagi si ate tingin niya e kumakain pa kami. Mamaya mo na kasi look si ate pag tapos na tayo eat" sabi ng bata kaya napakamot nalang si Benjoe habang nagtawanan yung iba. After dinner ay humirit pa si Mina, kantahan daw siya dapat ng binata para makatulog siya. Hiyang hiya na sina Ricardo at Marianne pero game na game naman si Benjoe. Trenta minutos bago nakatulog si Mina, pagsilip ni Maya ay saktong palabas na yung binata ng kwarto. "Tulog na siya?" bulong ng dalaga. "Hindi, sira na ata ear drums niya" sagot ni Benjoe kaya agad siya hinila ng dalaga palabas sabay sara ng pinto. Tawa ulit ng tawa si Maya, tinignan niya yung binata sabay nilambing ito. "Wag ka magagalit ha, wag ka na kumanta please" sabi niya at muling nagtakip ng mukha ang binata sabay tawa. "I know di ko talaga talent ang pagkanta kaya nga listening to music nakalagay sa f*******: ko e at naka bold letters pa to indicate wala ako voice" biro ng binata at tinadtad siya ng kurot ni Maya. "O uuwi ka na ba? Hatid na kita kasi late na" alok ni Ricardo. "Ay wag na po. Kaya ko po mag isa" sabi ni Benjoe. "Sige na Benjoe hatid ka nalang namin. Don't make me worry" sabi ni Maya. "Seriously I will be okay" sabi ng binata. Tumambay pa yung dalawa sa may gate saglit, humawak muli si Maya sa dibdib ng binata sabay ngumiti. "Benjoe are you in love with me?" tanong niya at nagulat yung binata. "Oy ang daya o! Gaya gaya ng teknik" sabi ng binata at natawa si Maya. "Sige na tell me" sabi ng dalaga at biglang nanigas si Benjoe at napalingon sa paligid. Hindi siya nakasagot kaya ang tagal nilang nakatayo at nagkakatitigan at nagbubungisngisan. "Okay lang, kasi I heard you say that you were in love with me when you were talking to Mina" landi ng dalaga at muling nagtakip ng mukha si Benjoe. "Benjoe like is not the same with love" sabi ni Maya at napatingin sa kanya yung dalaga. "Pero I really love you Maya" sabi niya. Ngumiti yung dalaga sabay kinilig, "Gotcha!" bigkas niya. "Ha? Anong gotcha?" tanong ng binata. "I made you say it and I am so happy you telling me directly" paliwanag ng dalaga at magtatakip nanaman sana ng mukha si Benjoe pero hinawakan ni Maya ang mga kamay niya. "I..." sabi niya kaya napanganga yung binata. "I what?" tanong niya. "Hmmm...Benjoe I...bwisit ka wag ka magpapatawa kasi" sabi ni Maya. "Hindi naman ako nagpapatawa e, inaantay ko lang sasabihin mo" sabi ni Benjoe. Huminga ng malalim si Maya sabay hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ng binata. "I...bakit ba ang hirap sabihin?" sabi niya sabay tawa. "Siguro kasi you don't mean it" drama ng binata. "Oy hindi ah, I really love you too" sabi ni Maya at bigla siya nanigas nang nakita niya nakangisi yung binata. "Gotcha too" landi niya. Tawa ng tawa si Maya at muli niyang pinagkukurot si Benjoe. "How I wish you were not torpe. Hay naku we have known each other for two years now. Magkakilala naman tayo pero hanggang doon ka lang sa park lagi. Oo dumadalaw ka nga dito wrong timing naman and I am sorry for that pala ha. Hay kung di ka lang talaga torpe alam mo matagal na kita sinagot" sabi ni Maya. "Ah..sinasagot mo na ako?" tanong ni Benjoe at ngumiti si Maya. Magsasalita na sana yung dalaga pero agad tinakpan ng binata ang bibig niya. "Wait please don't answer that yet. Please ha, bibitaw na ako ha" sabi niya. "Bakit Benjoe?" tanong ng dalaga. "Can you give me one week?" tanong ng binata. "What for?" tanong ni Maya. "To make up for all my katorpehan, gusto kita maimpress naman sa akin" paliwanag ng binata. "You don't have to do that naman e. Hmmm unless ikaw pala yung may unfinished business sabihin mo lang" drama ni Maya sabay nagsimangot. "Uy wala ha. Maya listen, I want to impress you naman kahit papaano. Gusto ko lang talaga makita yung super smile mo like that time when we met two years ago. Remember that?" sabi ng binata. "Of course no, that was June 21 and I literally fell into your arms" sabi ni Maya. "Wow naalala mo pala talaga. That day I saw the most beautiful smile kaya gusto ko makita ulit yon" sabi ni Benjoe. "I can smile naman that way for you e" sabi ng dalaga. "I know you can but kakaiba yung feeling kasi pag nakita mo yung smile na ganon after you did something great. So can you give me a week? I want to do something to impress you and see that smile again" sabi ng binata ay napangiti si Maya. "Hmmm tapos sakto pa na June 21 ano next week?" landi ng dalaga at natawa si Benjoe. "At isa pa yon" sabi niya. "Okay then pero Benjoe impress me without spending a single centavo. Impress me by being who you are okay?" sabi ng dalaga. "Yes I will" sagot niya at biglang nagdikit ang kanilang noo at nagngitian sila. "Next week narin ito kung ganon" bulong ni Maya. "Wow June 21 will the sweetest day of all" sagot ng binata kaya agad sila naglayo. "Ingat sa pag uwi ha" sabi ni Maya at lumabas na ng gate ang binata. Tumingala si Benjoe sa langit sabay sumigaw. "Thank you Lord!!!" Biglang kumulog ng malakas kaya napayuko siya agad. "Shoot I forgot, my bad" bulong niya pero tawa ng tawa si Maya. "Isara mo na yang gate, I will be fine. See you tomorrow my...humps my humps my humps yung kalsada niyo o" banat niya. "Goodnight Benjoe...my love" bigkas ni Maya at sa tuwa napatalon ng mataas ang binata at muling napasigaw. "Thank you Lord!!!" Malakas naman na kidlat ang tumama malapit sa may park kaya natawa si Maya. "Sige na bye na Ma..yaaa" sabi ni Benjoe. "Torpe ka talaga sige na nga ingat ha" Sobrang tuwa ni Benjoe kaya habang naglalakad siya pauwi ay pakanta kanta yung binata at talagang nagsasayaw. Pagdaan niya sa isang madilim na kalye ay may lumalapit na dalawang lalake sa kanya. Diretso lang ang lakad ni Benjoe at di sila pinapansin at nilampasan sila. Sinundan siya nung dalawang lalake kaya habang naglalakad ay lingon ng lingon yung binata. Nagpasikot sikot na si Benjoe, pumasok na sa mga eskenita pero talagang sinusundan siya nung dalawa. Sa inis tumigil siya at tumalikod at hinarap yung dalawa. "Wag niyo sisirain itong magandang araw ko okay?!!!" sigaw niya. Nanigas sa gulat yung dalawang lalake, naglakad palayo si Benjoe at nakita niya na hindi na siya sinusundan. Pagkalayo ng binata ay sumulpot si Barubal at Erning at pinagmasdan yung dalawang lalake. "Ano nangyari sa mga ito?" tanong ng matanda. "Hoy bakit di niyo siya inatake?" tanong ni Barubal sabay sundot sa noo nung isa. Biglang nalusaw yung lalake at naging abo kaya nagulat yung dalawa. "Whoa ano to?" tanong nung higante. Pinitik naman ni Erning ang noo nung isa at pati yon nalusaw at naging abo. "Pano niya ginawa to? Nasense mo ba gumamit siya ng kapangyarihan?" tanong niya habang pinagmamasdan nung dalawa yung mga abo. "Sis look, maliit na itim na apoy" sabi ni Barubal. Sa mga hindi pa naabong parte ng katawan nung dalawang demonyo ay may maliit na itim na apoy. Mabilis ito gumagalaw sa mga natirang laman ng mga demonyo at sinusunog ito. "Wow itim na apoy pero ang liit o" sabi ni Erning. "Oo nga pero ang bilis gumalaw sis, tapos kakaiba yung pagkasunog nila. Can you imagine pano na kung lumabas ang tunay na kapangyarihan niya? Sus simpleng galit niya lang yon ha pero look at this" sabi ng higante. Tumayo si Erning at nagsimangot. "Dapat kasi Type 2 demons ang dinala mo e!" sabi niya. "Hoy sabi mo ayaw mo siya masaktan" sumbat ni Barubal. "Eeesh wala na ako pakialam, bukas type 2 demons na" sabi ng matanda sabay naglakad palayo. "Ooohhh someone is jelly" landi ni Barubal at napatigil si Erning at muli siyang hinarap. Mabilis pumitik ng kamay ang higante at nagkaroon ng buka sa lupa. Nag dive siya papasok sabay nagsara din lang yung lupa. "Ayeeeshaaaa...nagseselos uy!" dinig na dinig parin ang dumadagundong ang malanding boses ng higante. "Bwisit ka! Type 3 demons ang dalhim mo! Wag kay Benjoe pero doon sa babaeng yon ha!" sigaw ni Erning. "Mwahahahaha mwahahaha selos!" hirit ng boses ng higante kaya nagtakip ng tenga ang matanda mabilis na nawala. Pagsikat ng araw hindi pa nakatulog si Benjoe pagkat wala pa siya naisip na gawain para maipmpress si Maya. Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape at naupo sa sa harap ng lamesa. Ilang sandali nagising si Art at napakamot pagkat nakikita niya ang bespren niya na nag aacting na umiinom ng kape kahit wala naman hawak na baso. "Ano nanaman yang bagong trip mo Ben?" tanong niya. "Uy pare kape tayo o" alok nung binata at lumapit si Art at napansin ang mapupulang mata ng kaibigan niya. "Ben may gusto ka ba sabihin sa akin?" tanong niya. "Ha? Ano naman gusto ko sabihin sa iyo?" tanong ni Benjoe. "E alam mo naman na pwede tayo sa alcohol pero sa drugs never diba?" paalala ng bespren niya. "Oo naman, bakit mo sinasabi sa akin yan?" tanong ni Benjoe sabay higop sa kape. Nagtimpla si Art ng dalawang baso ng kape, naupo siya sa harapan ng kaibigan niya sabay inabot sa kanya ang isang baso. "O ayan kape na tunay" sabi niya. "Pare ano ka ba may kape na ako o" sabi ni Benjoe at napakamot si Art. "Pare do you need help? Sorry ha I was too busy with Kate lately at di ko na tuloy napansin mga pagbabago sa iyo. Pare my dad knows lots of people who can help you bago ka lumala yang bisyo mo" sabi ng kaibigan niya. Gulat na gulat si Benjoe kaya napatingin sa baso na hawak niya. "Pare hindi mo ba nakikita ito?" tanong niya sabay nilapit ang baso sa mukha ng kaibigan niya. "Dude, malala ka na talaga. Kanina ka pa nag aacting na umiinom ng kape e wala ka naman hawak" sabi ni Art. Napatawa ng malakas si Benjoe sabay titig muli sa hawak niyang baso. Sobrang nag aalala na si Art kaya tumabi siya sa kaibigan niya at pinainom sa kanya yung isang baso ng kape. "Here pare sige na inom ka, baka makatanggal konti sa tama mo" sabi niya. Di makatigil sa katatawa si Benjoe pero uminom siya sa hawak na baso ng bespren niya. Nagfocus ang binata sa basong hindi nakikita ng kaibigan niya sabay napansin niyang kuminang ito konti. "Art di ko alam ano yung sinasabi mo e, baka ikaw ang dapat magpacheck up" sabi ng binata sabay nilapag ang baso sa harap ng kaibigan niya. Natulala si Art pagkat may tatlong baso na ng kape sa harap niya. Pinikit niya mata niya at pagmulat may tatlong kape talaga doon. "Dude I don't do drugs, I was really drinking coffee. Bakit ka nagtimpla pa ng kape para sa akin. Tawagan na natin dad mo?" bulong ni Benjoe at nanlaki ang mga mata ni Art sabay titig sa kaibigan niya. "Pare I didn't take anything" bigkas ni Art na parang takot na takot. "Naku pare inumin mo nalang tong tatlong baso na to. Baka nag sleep walk ka lang, dali na inumin mo tong tatlong baso ng kape para magising katawan at isipan mo" hirit ni Benjoe sabay tawa. Hinawak ni Art yung tatlong baso at talagang hindi siya makapaniwala. Naligo si Benjoe at di parin siya makapigil sa tawa. Nung matapos siya hinawakan niya yung sabon sabay nagfocus. Kuminang sabon at ngayon lang niya napansin na parang malabnaw ang kulay ng sabon pero ramdam parin niya ito sa kamay niya. Sinoli niya ito sa lalagyan at lumabas ng banyo. Si Art naman ang pumasok, nag antay si Benjoe sa pinto ng banyo at ilang segundo nagbukas nga ito ulit. "O pare, bakit wala na tayo sabon?" tanong ni Art. "Meron naman ha" sagot ng binata. "Dude wala na ano kahit tignan mo" sabi ng kaibigan niya. Pumasok si Benjoe at kinuha yung sabon, kuminang ulit ito at nagulat naman si Art. "Ayan o pare. Sus whats appening to you?" banat ni Benjoe sabay labas ng banyo na nagpipigil ng tawa. Naupo si Benjoe sa kama at pinagmasdan ang mga kamay niya. Huminga siya ng malalim at muling nagconcentrate. Sa isang iglap sumulpot siya bigla sa may salas at nakaupo sa sofa. Nakita niya na suot parin niya ang kanyang twalya kaya napahalakhak siya sa tuwa. Sumulpot ulit siya sa kwarto niya, nagmadali siya nagbihis saka sinubukan muli ang kanyang teleporting powers. Pasulpot sulpot si Benjoe sa bawat sulok ng condo, halakhak demonyo na ang binata pagkat hindi na natatanggal ang damit niya at kontrolado na niya ang kanyang abilidad. Bihis narin si Art at malapit na pumasok sa eskwelahan, tumayo siya sa harapan ng salamin at nagsuklay ng buhok. Tumayo si Benjoe sa likod niya, pasimpleng humawak ang binata sa pantalon ng kaibigan niya. "Ano yon pre?" tanong ni Art. "Wala pare, sabay na tayo lumabas ha, antayin nalang kita sa salas" sabi ng binata. Pagkalabas ni Art ay tumawa si Benjoe, "Pare I think you should call your dad already" sabi binata. "Bakit pare?" tanong ni Art. "Dude you have no pants" sabi ni Benjoe at pagtingin ni Art sa baba ay wala nga siyang pantalon pero ramdam niya na meron. "Holy shwet! Ha? Whats wrong with me today?" tanong niya at nagpanic. Agad lumapit si Benjoe sabay humawak sa pantalon. "Pare bakit?" tanong niya. "Anong bakit? I have no pants on!" sigaw ni Art. "Ha? Meron naman e" sabi ni Benjoe at pagtingin ng kaibigan niya para siyang nanghina at napaupo sa sahig. "What the hell is wrong?!" sigaw niya at natawa si Benjoe. "Pare are you sick?" banat ng binata. "Anong sick? You told me I have no pants and wala nga akong pants. Pero meron naman o" sabi ni Art. "Ako? I never said you have no pants" sabi ng binata at natulala nalang ang kaibigan niya at napahawak sa ulo niya. "Pare I think something is wrong with me. Please call my mommy" sabi ni Art. Tumalikod si Benjoe at pasimpleng tumawa, talagang sumakit ang tiyan niya dahil sa power trip na ginagawa niya sa kanyang kkaibigan Natatakot pa siyang magteleport ng malayo kaya sumakay siya ng MRT papunta sa school. Naglikot nanaman ang kanyang utak kaya habang di pa puno yung sasakyan ay naglalakad lakad siya at ginawang invisible ang lahat ng hawakan na nakadikit sa ceiling. Naupo na siya pagkat tumigil ang MRT sa sumunod na station, madaming tao ang pumasok at muling natawa yung binata pagkat walang mapaghawakan yung mga nakatayo. Napatigil ang tawa niya pagkat may lola na naka squat nalang at nakahawak sa sahig. Agad siya tumayo at inalalayan ang lola para siya ang makaupo sa seat niya. May isang lalake na nauna, tinignan siya ni Benjoe sabay nginitian. "Ah boss diyan ako pero papaupuin ko sana si Lola" sabi niya. "Umalis ka e, pasensyahan nalang" sabi ng lalake. "Iho okay lang ako tumayo basta hawakan mo nalang ako please at nahihilo ako" sabi ng matandang babae. "Sandali lang po lola ha, saglit lang po talaga" bulong ng binata sabay lumapit sa lalake. "Ikaw wag kang bastos ha. Tumayo ka diyan. At tuwing sasakay ka ng MRT may nakita kang babae o matanda na nakatayo agad mo iaalok ang upuan mo ha" bulong ng binata. Agad tumayo ang lalake at parang zombie na lumayo. Pinaupo na ni Benjoe ang matandang babae at may hinahanap sa loob ng bag ang lola. "Teka iho kunin mo ito" sabi niya. "Hay naku lola wag na po. Itago niyo nalang yan at mas kailangan niyo pa. Sige na lola upo ng maayos baka nahihilo pa kayo" sabi ng binata sabay humawak siya sa hawakan na hindi nakikita ng iba kaya pinagtatawanan siya. Sa loob loob ni Benjoe siya ang tumatawa pagkat lahat ng tumatawa ay naka squat lahat na parang mga pato. Half day lang sina Benjoe kaya naglibot siya sa mall para mag isip. Sa sobrang trip niya nung umaga nakalimutan niya tuloy ang kanyang plano na magpaimpress kay Maya. "No material things" bigkas niya kaya iniwasan niya tignan ang mga shops at nagfocus sa mga magnobyong nadadaanan niya. Isang oras lumipas ay wala parin siya naisip kaya tila sumuko na siya. Lumabas siya ng mall at matamlay na naglakad papunta sa paradahan ng jeep. Sasakay na sana si Benjoe nang nakita niya ulit yung matandang babae na tatawid sa kalsada. Agad siya tumakbo at inalalayan ang lola makatawid. "Saan ba kayo pupunta lola?" tanong niya. "Ah doon pa iho, pero kaya ko na" sabi ng matanda. "Tsk samahan ko nalang kayo lola. Pauwi na ba kayo?" sabi ni Benjoe. "Hindi pa bibili pa ako ng ibebenta ko mamayang gabi. Ninakawan ako ng mga lasing kaya umutang pa ako sa kakilala ko" sabi ng lola. "Ay sorry po lola ha pero ano po ba binebenta niyo?" tanong ng binata. "Sigarilyo, kendi, minsan pag may tubig e konting chichirya. Doon ako sa labas ng isang bar nakapwesto. Minalas lang kagabi at ninakawan ako nung mga lasing na lalake" kwento ng matanda. "Wag nalang kasi kayo magbenta sa gabi lola. Umaga nalang o kaya wag nalang kayo magtrabaho ng ganon" sabi ni Benjoe. "Edi mamatay ako sa gutom iho" sabi ng matanda. "E di umaga kayo magbenta lola, tapos doon nalang sa lugar niyo. Delikado sa gabi tapos bar pa" sabi ng binata. "Iho doon sa amin magkakatapat na sari sari store. Style Pinoy talaga don, pag gabi konti lang ang may gusto magbenta kaya sa gabi ako nagbebenta. Malakas kasi ang bentahan sa bar kasi madaming tao doon" paliwanag ng lola. Di na kumontra si Benjoe at sinamahan nalang ang matanda sa pagbili ng mga ibebenta niya. Hinatid pa niya ang matanda sa bahay niya at talagang awang awa siya sa maliit na bahay ng matanda at konting ihip nalang ng hangin ay gigiba na ata yon. "Mag isa niyo lang ba lola?" tanong ni Benjoe. Di sumagot yung matanda kaya nanahimik nalang ang binata. Pinagmasdan ni Benjoe ang bahay, hindi niya maisip kung paano nabubuhay yung matanda doon. Dati naiinggit siya sa mga may pera pero ngayon naisip niya na maswerte pa pala siya pagkat kahit wala siya pera ay nakatira siya sa condo dahil sa kabaitan ng pamilya ng bespren niya. "Iho, may ibibigay ako sa iyo sana tanggapin mo" sabi ng matanda at may nilabas na kwintas mula sa bag niya. "Oh no lola ginto yan, hindi ko pwede tanggapin yan. Buti sana kung gawa sa lata lang sige" sabi ni Benjoe at natawa yung matanda. "Lola! Bakit hindi niyo nalang ibenta yan? Sigurado ako malaki makukuha niyo diyan, mapapaayos niyo konti tong bahay niyo o tapos mas madami kayo mabibili na ibebenta" sabi ng binata. Pinagmasdan ng matanda yung kwintas at ngumiti. "Alam mo iho hindi sa akin ito e. Pinapatago lang sa akin ito. Ito nga ang kinakatakutan ko e, baka manakaw ito sa akin tapos wala na ako pambayad dun sa nagpatago nito" kwento ng matanda. "Ha? E bakit kayo pumayag? Siguro umoo kayo kasi gusto niyo ibenta no?" biro ni Benjoe at muling natawa yung matanda. "Hindi iho, ako lang kasi yung pwedeng pagkatiwalaan ng de...taong yon. Sabi niya isang araw kukunin niya din lang ito sa akin" sabi ng matanda. "Lola naman tapos ibibigay mo sa akin. Wag ganon baka mademonyo ako at isanla ko yan" sabi ni Benjoe pero bigla siya natawa sa sarili niya at naisip na demonyo talaga siya. "Pwede mo ba itago ito para sa akin? Kasi sa totoo hindi ako makakilos ng maayos pag meron ito. Lagi ko iniisip na dala ko siya at baka nakawin ito sa akin. Hindi ko naman kaya depensahan sarili ko. Ikaw mukhang macho ka naman e" sabi ng lola. "Ah macho ba ako lola? Kayo ha, nilalandi niyo ata ako. Sorry lola may iniibig na ako e" biro ni Benjoe at muling natawa ang matanda. Inabot ng lola ang kwintas at pinagmasdan ito ng binata. May tatsulok itong pendant, may tig isang tala ang nakatatak sa bawat sulok at sa gitna isang malaking araw na may walong sinag. "Ang ganda naman ng pagkagawa dito, nakakapanghinayang ibenta o isanla to" bulong niya. "Pwede mo ba itago yan para sa akin? Para hindi mawala ay pwede mo ba isuot lagi sa katawan mo? Tapos pag kailangan ko na pupuntahan nalang kita para kunin" pakiusap ng matanda. "Itatago ko lang po ito ha lola. Baka gumagawa kayo ng kwento tapos sa inyo pala ito tapos binibigay niyo talaga ito sa akin bilang kabayaran ng pagtulong ko sa inyo. Ayaw ko ng ganon lola" sabi ng binata at napangiti yung matanda. "Oo iho, sige na isuot mo na" sabi ng lola at sinuot naman ni Benjoe ang kwintas. "Hey lola mukha na ba akong mayaman?" biro niya at napangiti yung matanda at pinagmasdan siya. "Hey lola whats wrong? Nainlove na ata kayo sa akin porke nagkulay dilaw lang balat ko e" hirit ni Benjoe at natawa ang matanda. "Iho nanonood ka ba ng Talentado Show?" tanong ng matanda. "Ah oo lola pinapanood ko yun lagi nung summer. Pero ngayon pasukan na wala na ako oras e" sabi ni Benjoe. "Paborito ko yon iho, nakikinood ako sa kapitbahay. Ang gagaling ng sumasali ano at nagpapasikat sila don ng talent nila? Yung kamag anak nga ng kapitbahay namin sumali don pero talo, pero naimpress parin sila" bigkas ng matanda. Parang nabuhayan ang isip ni Benjoe sa sinabi ng matanda. "Oo nga no" sabi niya. "Pero noon muntik sila hindi nakahabol sa audition kasi hanggang alas singko lang e. Umalis sila dito noon mga alas kwatro na. Buti nakahabol pa sila kasi malapit lang naman yung studio dito" kwento pa ng matanda. Napatingin si Benjoe sa relo niya at nakitang alas kwatro. "Lola! I have to go somewhere. Aalagaan ko itong kwintas, tapos lagi kayo manood ng Talentado Show ha lalo na next week. Sige lola ingat kayo ha" paalam ng binata at kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Naupo ang matanda at biglang nagbago ang kanyang anyo at mas bumata kkonti May makapal na itim na usok ang lumabas mula sa sahig at dahan dahan may lumitaw na lalake na ubo ng ubo. "Ano nanamang kalokohan kasi yang usok epek na yan?" tanong ng babae at tumawa si Antonio. "Sabi ng anak ko mas bongga daw pag may ganon e" sagot ng demonyo at nakiupo siya sa babae. "Kumusta ka na Yamika?" tanong ni Antonio. "Eto maganda parin as usual" sagot ng babae at nagkatawanan yung dalawa. "Naibigay mo na din yung kwintas sa kanya" sabi ng demonyo. "Oo kasi kakailanganin na niya, ramdam ko na ang paglabas ng kapangyarihan niya. Mas maganda na suot niya lagi yon para maitago niya ang kanyang dark aura sa kalaban" sabi ni Yamika. Napahawak si Antonio sa kwintas niya at napangiti. "Oo nga e, malaking tulong talaga tong kwintas. Akalain mo hindi nila ako mahanap" sabi niya sabay tumawa ng malakas. Hinawakan ni Yamika ang pendant ng kwintas niya sabay nalungkot. "Yung tatlong tala nalang ang natitirang umiilaw sa iyo. Patay na ang ilaw ng walong sinag mo" bulong niya at pati si Antonio kumunot ang mga labi. "Oo nga e, namatay na sila lahat sa dami ng laban. Sana naman hindi mamatay tong tatlong tala ko" sabi niya at bigla siya binatukan ng babae. "Loko! Wag mo idasal naman! Isa ako diyan e" sabi ni Yamika at tumawa ang demonyo. "Alam mo parehong pareho kayo ng anak mo. Pareho kayo palabiro pero may iba ako nararamdaman sa kanya" sabi ng babae at tinuro ni Antonio ang pinakatuktok na tala sa pendant niya. "Oo nga e. Pero Antonio why are you not teaching him?" sagot ng babae at napangisi yung demonyo. "My son has his own way of learning. My son is different...I can feel that he will surely surpass me" "Saturnino will be awesome!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD