XIA
Bumangon ako sa kama kasabay ng pagpakawala ng malalim na hininga.
Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kahit pilitin kong matulog hindi ko magawa.
Paulit-ulit kasing pumapasok sa isip ko ang lugar na nakita ko kanina.
Gusto kong isipin na panaginip lang 'yon. Gusto kong isipin na hindi 'yon totoo. Kasi kanina lang talaga ako nakakita ng ganoon kagandang lugar. Napakaperpektong tingnan. At hindi talaga iyon maalis-alis sa isip ko.
"Totoo kaya ang nakita ko kanina?" Wala sa loob na tanong ko sa sarili ko.
Hinawakan ko ang kamay ko na may benda. 'Yong sugat sa kamay ko. Nagpapatunay 'yon na nakapunta at nakita ko ang lugar na 'yon kanina.
Kumunot ang noo ko nang pumasok sa isip ko ang sinabi ng lalaki kanina.
"T-Trojan A-Academy?"
Academy? Ibig sabihin, isang paaralan? Tama ba ang naiisip ko?
Ah...posibleng paaralan 'yon kasi nakita ko 'yong lalaking dahilan ng galos sa kamay ko na naka-uniporme.
Tama! Siguro, doon siya nag-aaral.
Pero... anong ginagawa niya doon sa puno? Huwag niyang sabihing nag-cutting classes siya?
Muling pumasok sa isip ko ang eksena kanina lang. Kung paano ako saluhin ng lalaking pinaglihi yata sa multo na ewan, at kung paano niya ako tinitigan. 'Yong mga ngiti niya at...
Napailing ako nang muli kong maalala ang pagkindat niya sa akin. Naramdaman ko ulit ang pag-init ng pisngi ko.
Ano ba Xia! As if naman ngayon ka lang kinindatan ng ganoon ng isang lalaki!
Saktong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya wala sa loob na napatingin ako sa pumasok.
"Xia?" Si Mommy ang nagsalita. At mabilis na nilapitan ako. Sinipat niya ng kamay niya ang noo ko. "Ok ka lang?"
"P-po?" kunot-noong tanong ko.
"Ba't namumula ka? May lagnat ka ba?"
Tae naman oh!
Mabilis akong umiling. "H-Ha? A-ahm... w-wala po."
"Sure ka? Wala bang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya.
"Wala po talaga. Ahm, ikaw ba't po nandito ka pa? I-I mean... ba't 'di ka pa po natutulog?"
"Well," Inayos niya ang kumot sa kama ko at ngumiti sa akin. "Gusto ko lang sanang siguruhin na nakatulog ka na. You know naman lagi ko naman iyon ginagawa tuwing matutulog ka na."
"Ayos lang naman po ako. Matulog ka na rin Mom," sambit ko saka ngumiti.
"Okay, sleep well honey." Hinalikan niya ako sa noo saka tumalikod para umalis.
Pero bago pa niya mahawakan ang doorknob ay muli ko siyang tinawag.
"Mom..."
"Hmm? Bakit?" tanong niya at lumapit sa akin saka naupo sa tabi ng kama.
Nag-isip pa ako saglit kung ano ang tamang sasabihin sa kanya. Hanggang sa kumuha ako ng hangin para bigyan ng lakas ng loob ang sarili ko.
"K-Kanina po kasi..." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tama ba na sabihin ko 'to sa kanya? Well, I have too. She's my mother. Hindi ko ugaling maglihim sa kanya. "N-namasyal po kami ni Nixie sa gubat."
Nawala ang kunot sa noo ni Mommy.
"So... sinasabi mo 'yan kasi iniisip mo na magagalit ako?" tanong niya sa akin at muling ngumiti.
Hindi ako nagsalita. Tipid na ngiti lang ang pinakawalan ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga kayang maglihim kay Mommy. Hangga't maaari bawat kilos ko pinapaalam ko talaga sa kanya. Siguro sinanay niya talaga akong ganoon kaya kapag may isang bagay na ginawa ako na hindi niya alam. At the end of the day natatagpuan ko na lang ang sarili ko na kinakausap siga tungkol sa bagay na ginawa ko.
Hinawakan niya ang balikat ko at saka ngumiti. "It's ok Xia. At least... nagawa mong magsanay. Ayoko namang isipin mo na pati pamamasyal dito pinagbabawalan ko pa."
"Hindi po ako nag-iisip ng ganoon Mom."
"I know... that's why i love you," nakangiting sambit niya.
Ngumiti ako. "I love you too Mom. Pero... may itatanong po talaga ako Mom."
"Yes? Ano 'yon?"
"Kanina po kasi nang mamasyal kami ni Nixie. Napunta kami sa isang lugar. Kung saan isang malaking gate ang nakita ko sa 'di kalayuan. And... sa unahan 'non isang mala-palasyong bahay ang naroon."
Naningkit ang mga mata niya at bahagyang nag-isip. "Malapalasyong bahay? What do you mean?" kunot-noong tanong niya.
"I-I mean... Trojan Academy." Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
Halatang natigilan si Mommy sa sinabi ko. Unti-unti kasing nawala ang ngiti niya.
"Did you know that place Mom?" curious na tanong ko sa kanya.
"Paano ka nakapunta doon? Malayo 'yon mula dito," seryosong tanong niya.
"Ahm... si Nixie po. Akala ko nga po sa meadow lang kami pupunta. Tapos ilang minuto lang... napunta kami sa mataas na lugar. Kaya ko nakita ang lugar na 'yon," paliwanag ko sa kanya.
"Pero alam mo, Mom ang ganda-ganda ng field ng Trojan Academy. Sobrang ganda ng pagkaka-design ng field. Halatang pinong-pino ang grass at feeling ko binudburan ng glitters ang Academy kasi talaga kumikinang siya sa paningin ko. Ang ganda talaga Mom!" masayang pagku-kwento ko pa sa kanya.
"Trojan Academy? P-Paano mo nalaman ang pangalan 'non?" Kunot-noong tanong niya.
Muling bumalik sa isip ko ang imahe ni Cleron. Napailing ako bago ko pa maramdaman ang pag-init ng mukha ko.
"May isang lalaki kasi akong nakita. Sinabi niya Trojan Academy daw 'yon kaya ko nalaman ang pangalan," sagot ko. " Akalain mo Mom? May ganoon pala dito. Gusto ko nga ulit 'yon makita at gusto ko 'yong mas mala-."
"No!" Tumayo siya na ikinabigla ko. "You will never do that again. Hindi ka na ulit pupunta doon," deretsong wika niya.
"P-Po? Bakit? Ano po bang mayroon sa lugar na 'yon?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
Natatauhang napakurap-kurap siya. Saka bumuntong hininga at muling umupo sa tabi ko.
Naging malumanay ang boses niya. "I-I mean... masyadong malayo 'yon dito. Alam ko ang Trojan Academy. Pero never ko pang nakita o napasok ang lugar na 'yon. So... paano na lang kung sa susunod maligaw na kayo? Ayokong mangyari 'yon Xia. Kaya ipangako sa akin na hindi ka na pupunta sa lugar na 'yon ok?"
"Pero Mom, nandiyan naman si Nixie, eh. Ni minsan hindi niya ako niligaw."
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko.
"Xia... promise me... hindi ka na pupunta doon. Ayaw mo akong mag-alala 'di ba?" Parang hindi narinig ni Mommy ang sinabi ko.
Tututol pa sana ako pero mas pinili kong bumuntong-hininga at mas pinili na tumango na lamang.
"Good, matulog ka na. Magsasanay ka pa bukas."
Muli akong tumango. Muli niya akong hinagkan sa noo at lumabas na nang kuwarto.
Napatingin ako sa bintana at tiningnan ang maliwanag na buwan.
Bakit ganoon? Parang may kakaiba kay Mommy...
May tinatago ba siya sa akin?
Agad akong napailing sa naiisip ko. Imposible! Hindi ko dapat pinag-iisipan ng ganoon si Mom.
****
DIERRA
"What?!"
Pinandilatan ko si Tita to lower down her voice. Kita naman kasi na nasa bakuran lang si Xia.
"Paano na 'to? Paano kung maisipan niya ulit pumunta doon? Mas magiging delikado," nag-aalalang wika ni Tita sa mahinang boses.
"Sana iyon na ang huling ang beses na pumunta siya doon. Hindi ko kaya Tita na malagay siya panganib."
Napaupo ako sa sofa at nag-isip. "Ano kaya kung bumalik na lang kami sa Manila? Mas magiging ligtas siya doon kaysa dito."
"Dierra, alam mo ang dahilan kung bakit kayo pumunta dito. Dahil alam mong hindi na kaya ng block potion na protektahan siya mundo ng mga tao kapag tumuntong siya sa desi-otso."
"Pero baka naman, katulad lang siya ni-"
"Una ko ng sinabi sa 'yo na hindi siya katulad nila."
Napahilamos ako sa mukha ko.
"Eh paano na 'to? Paano ko mapapanatiling ligtas si Xia? Gayong palapit na palapit na siya sa katotohanan dahil sa Academy na 'yon?!"
"Katotohanan?"
Bigla akong napatayo at napatingin sa pintuan.
"X-Xia..." Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nakakunot ang noo niya.
Base sa reaksyon niya alam kong may narinig siya.
"Anong pong katotohanan ang kailangan kong malaman, Mom?"
Nanginig ang mga kamay ko at kinakabahang napatingin kay Tita Esther na halatang nabigla din sa presensya.
"Ano pong mayroon sa Trojan Academy na kailangan kong malaman?" tanong ulit ni Xia.
"Ahm..." I cleared my throat at saka lumapit sa kaniya. Kahit ang totoo ay nanginginig na rin sa kaba ang tuhod ko habang humahakbang palapit sa kanya.
"M-May mga bagay kasi na kailangan nating ibaon muna sa hukay. Para ma-protektahan kita."
Umawang ang bibig ni Xia. Halatang nabigla siya sa sinabi ko.
"I-Ibig sabihin... may hindi ka sinasabi sa akin, Mom?" Tumingin siya kay Tita Esther. "May hindi kayo sinasabi sa akin?"
"Xia... I-It's for your own good. P-para ito sa kaligtasan mo." Hindi ko na maitago pa ang kaba na nararamdaman ko lalo na nang unti-unti kong pagkalito sa mga mata ni Xia.
Akma ko siyang yayakapin pero nabigla ako nang umatras siya.
"Xia..."
"Kailan niyo balak sabihin sa akin ang katotohanan na dapat kong malaman?" Seryosong tanong niya. Parang kinurot ang puso ko ng makita ko ang galit sa mga mata niya. Lalo na nang unti-unting maging dark blue ang oceanic blue eyes niya. Ibig sabihin 'non.
Galit na na siya.
"Xia... I-I'm sorry."
Pinilit kong abutin ang kamay niya pero umiwas siya at mabilis na tumalikod saka tumakbo paalis.
"Xia!" Tawag ko sa kanya na tumatakbo sa hindi ko malaman na dereksyon.
Akma ko siyang susundan ng hawakan ni Tita Esther ang braso ko. "Dierra, hayaan na muna natin siya."
Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang luha na unti-unting tumulo mula sa mga mata ko.
Alam kong mangyayari ito... p-pero ganito pala 'to kasakit. Bagay na hindi ko pinaghandaan na maramdaman.
Napayakap na lang ako kay Tita Esther.
"Hindi niya pa pwedeng malaman ang lahat Tita... not for now..."pag-iiling na hagulhol ko sa balikat ni Tita Esther.
"Alam ko... sshh, maiintindihan rin ni Xia ang mga dahilan mo."
******
XIA
"Ahh!" galit na sigaw ko at malakas na winasiwas ang hawak kong espada sa halaman na nasa harapan ko.
Nakalbo ang kawawang halaman dahil siya ang napagbuntungan ko ng lahat ng galit na nararamdaman ko.
Napatingin ako sa mga dahon na nagsipaglaglagan mula sa halaman na winasiwasan ko ng espadang hawak ko.
Tila nawalan ako ng lakas kaya napaupo ako sa lupa. Doon ko napansin ang madilim na paligid. Ang madilim at nakakatakot na gubat kung saan ako naroroon.
Ginabi na pala ako. Pero kahit ganoon ay parang ayoko pang umuwi. Patuloy kasing pumapasok sa isip ko ang narinig ko mula kay Mommy.
All I know kasi... walang lihim na tinatago sina Mommy. Akala ko, open sila sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na may tinatago sila sa akin kasi ultimo pagiging iba namin sinabi niya na sa akin.
But for 18 years... tinatago pala nila ako sa isang katotohanan. Kaya hindi ko talaga in-expect na may sinisekreto pa pala sila sa akin.
And what it is? Ano ang kaugnayan niyon sa Trojan Academy? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw niya na akong papuntahin ulit sa lugar na 'yon? Iyon din ba ang dahilan kung bakit parang tinatawag ako ng Akademya na iyon. Kung bakit ganoon na lang ako akitin ng lugar na iyon.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Wala sa loob na tumayo ako at humakbang.
Nakita ko si Nixie na lumilipad-lipad sa mukha ko.
"Get out of my sight, Nixie!" taboy ko sa kanya.
Hinila niya ang hibla ng buhok ko papunta sa isang dereksyon na hindi ko naman tinatahak.
"I know! Hindi ito ang daan papunta sa bahay. Ayoko pang umuwi."
Tumigil siya sa paghila sa hibla ng buhok ko at lumipad sa harap ko.
Muli akong bumuntong hininga. "Gusto ko ulit pumunta sa lugar na napuntahan natin... sa Trojan Academy. Kaya huwag mo akong pigilan, please lang."
Nang humakbang ako ay sumunod na lamang si Nixie sa akin.
Nang makarating ako doon ay muli akong napahanga sa ganda ng tanawin. Biglang nawala ang bigat ng kalooban ko. 'Yong parang bigla akong dinuyan sa ulap dahil ganda ng Trojan Academy.
Mas maganda pala ang Trojan Academy kapag gabi. Napaka-liwanag niya. Parang inukit sa mala-crystal na bato ang Academy. Kumikinang talaga siya sa ganda.
"Ikaw lang talaga ang babaeng nakikita kong ganyan ang tingin sa Trojan Academy."
Napatingin ako sa kanang bahagi ko. Naroon nakangiting habang nakahalukipkip na nakasandig sa puno na inakyatan ko kahapon si Cleron.
"Ikaw na naman?" Kapag ba pumupunta ako dito kailangan ko din makita ang lalaking ito? Wala ba itong bahay? Parang hindi na kasi ito umuuwi eh. Naka-uniform parin kasi ito. Pwera na lang, kung naisip niya ulit mag-cutting class ngayong araw.
"Well... as you see ako nga." Humakbang siya palapit sa akin.
"Hindi ka ba umuuwi sa inyo? Lagi ka na lang nandito. Wala ka bang bahay?"
"Mamaya na... at saka may hinihintay ako eh."
"Sino naman?" wala sa loob na tanong ko saka tumingin sa tanawin na nasa harapan ko.
Ngumiti si Cleron "Actually... nandito na siya."
***