Eight

2215 Words
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kaharap ko na ngayon ang tunay kong ama. Kaninang umaga lang ay pinag-uusapan pa namin ni Tita Rosa ang tungkol sa kanya. Pero ngayon ay narito na siya sa harapan ko at yakap yakap ako. Hindi ko malaman kung anong una kong magiging reaksyon. Kung matutuwa, maiiyak o magagalit ba ako sa kanya. Halo halo ang emosyon ko ngayon. Mula pagkabata ko ay wala akong nakagisnang ama. Kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ang magkaroon nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at muling hinawakan ang pisngi ko. "I'm so happy that finally, I got to meet you." Sabi nito na may pangingilid ng luha. Hinawakan nito ang kamay ko. "I've contacted your Tita Rosa and I told her that I want to meet you. But I never imagined that I will meet you in this kind of situation." Dagdag pa nito na agad napalitan ng pagkakangiti ang mukha. Napangiti rin ako sa sinabing iyon ng aking Ama. Kaya pala parang ang gaan ng loob ko rito kanina. Ngayon ay nagsi-sink in na sa utak ko na siya talaga ang Ama ko. Kitang kita ko ang mukha ko sa kanya. Pareho kaming may mahabang pilik mata. May freckles rin ito sa pisngi gaya ng sa akin. Maging ang kulay ng mata nito ay kuhang kuha ko rin. Kagaya ko rin siya na maputi. Hindi mapagkakailang siya talaga ang Ama ko. Hindi ko naiwasang yakapin ito. Nabigla man siya sa ginawa ko, pero kalauna'y niyakap niya rin ako ng pabalik. Napaluha ako habang mahigpit paring nakayakap sa kanya. "P-pwede po bang kuhain niyo na ako? G-gusto ko na po kasi kayong makasama." Sabi ko rito. Kumalas sa pagyayakapan namin ang aking Ama at tumingin sa akin. "We have to tell your Tita that we've finally meet. I have to sort some things first. I know that you've missed me so much, but your Tita will decide wether you will stay on me, or I'll get a visitor rights to visit you once in a while." Sagot nito. Napayuko ako sa sinagot ng aking Ama. Para bang nalungkot ako. Akala ko'y tuluyan na akong makakalis sa poder nila Tito Hermes. Hindi ko na kasi kaya ang mga ginagawa nito sa akin. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang pananatili ko roon. Hindi lang isang parausan ang tingin nito sa akin. Para niya na akong alipin na dapat sumunod sa mga gusto niya. Baka kapag hindi ko siya nasunod sa mga gusto niya'y buhay ko na ang maging kapalit. Inangat ng aking Ama ang ulo ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita. "Whenever I see your face, it always reminds me of your mom." Napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ni Papa at nilayo ang tingin sa kanya. "Kaya ba lagi mo siyang binubogbog?" Malungkot kong tanong rito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa at umusog ng kaunti sa kinauupuan ko. "That's why I tried to find you to make it up to her." Mabilis niyang sagot. "P-pero bakit ngayon lang? Sana noong bata palang ako ay kinuha mo na ako para hindi ko naranasan ang maulila sa magulang." Sabi ko pa rito. Muling tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi nagsalita si Papa. Niyakap lang ako nito ng mahigpit at hinimas himas ang ulo ko. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang dumating si Tita Rosa. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin. "Jinuel, anak. Ayos ka lang ba?" Natatarantang tanong nito sa akin habang ineestima ako. Pinahid ko ang luha ko bago nagsalita. "A-ayos lang po ako." Sagot ko. Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Tita Rosa ang nangyari sa akin. Ayokong sabihin sa kanya ang totoong nangyari dahil baka hindi ako nito paniwalaan at magalit pa siya sa akin. Baka kapag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit ako nandito sa ospital ay baka kamuhian niya pa ako. "Nagkita na pala kayo ng Papa mo." Turan ni Tita Rosa na hindi nililingon si Papa. Halata sa mukha ni Tita Rosa na parang nag-aalangan itong kausapin si Papa. Parang galit parin siya dahil sa nagawa nito sa Mama ko noong maliit pa ako. "Rosa, can we talk outside?" Tanong ni Papa kay Tita. Hindi nagsalita si Tita Rosa at lumabas na lamang ito sa kwarto. Sumunod naman sa kanya ang aking Ama. Hindi ko na inusisa pa kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pero kung tungkol man iyon sa pagkuha sa akin ng aking Ama, sana'y pumayag si Tita Rosa. Alam naman niya kung gaano ako kasabik na magkaroon ng isang magulang. Pero kung hindi man papayag si Tita Rosa, sana'y payagan niya nalang ang Papa ko na bumisita sa amin paminsan minsan. Gusto kong makabuo ng isang magandang alaala kasama si Papa kahit wala na si Mama. Alam kong magiging masaya siya kapag nalaman niyang muli kaming nagkasama. ——— Paglabas ko kinabukasan sa ospital ay dumiretso kami sa bahay ni Tita Rosa. Hinatid kami roon ng sasakyan ni Papa. Hindi na rin nagtagal si Papa dahil may aasikasuhin pa raw ito tungkol sa residency niya dito sa Pilipinas. Pagdating sa bahay ay hindi namin nadatnan si Tito Hermes. Hindi rin alam ni Tita Rosa kung saan ito nagtungo. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Tita Rosa ang totoong nangyari. Ang alam lang niya ay nabangga ako ng sasakyan ni Papa. Tama na rin siguro na hindi niya malaman ang kahayupang ginagawa sa akin ng asawa niya. Ayokong maiwang mag-isa rito si Tita Rosa kung sakaling kunin man ako ng Papa ko. "Jinuel, halika muna dito." Tawag ni Tita Rosa sa akin. Lumapit naman ako sa kinauupuan niya. "Bakit po?" Tanong ko. Napabuntong hininga muna si Tita Rosa bago sumagot. "Alam ko, gustong gusto mo nang makasama ang Papa mo. Gusto man kitang tutulan sa magiging desisyon mo, malaki ka na at may sarili ka ng desisyon sa buhay. Pero kung ako ang tatanungin, ayaw ko." Saglit na tumigil sa pagsasalita si Tita Rosa. Humugot ito ng mahabang paghinga. "Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa pagkawala ng Mama mo. Pero nangako siya na babawi siya sa'yo." Pagtatapos nito na pinipigilan ang pagtulo ng luha. "A-ano pong ibig niyong sabihin, Tita?" Lumingon sa akin si Tita Rosa na may pangingilid ng luha. "Gusto kang kunin ng Papa mo. Gusto ka niyang makasama dito sa Pilipinas. Dito na siya maninirahan." Bigla akong napangiti sa sinabi ni Tita Rosa. Parang nagalak ang puso ko na malaman na dito na maninirahan ang Ama ko. Sa wakas ay makakasama ko na ito. Mapupunuan na rin ang puwang na kulang sa puso ko. Pero mas masaya sana kung narito lang si Mama. Kumpleto sana kaming tatlo. "G-gusto mo bang sumama na sa kanya?" Tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango. Napabuntong hininga naman si Tita Rosa at umiwas ng tingin sa akin. "M-mabuti na rin siguro iyon. Atleast, malayo ka na sa Tito Hermes mo. Hindi ka na niya masasaktan." Sabi pa nito at tumayo upang magtungo sa aking kwarto. Sinundan ko naman si Tita Rosa roon na isa isang nilalagay ang mga damit ko sa bag. "Tita, kahit naman po na kay Papa na ako, hinding hindi parin kita iiwan. Pupuntahan kita dito para bisitahin." Lumingon sa akin si Tita Rosa at niyakap ako. "S-salamat, Jinuel. 'Wag kang mag-alala, bibisitahin rin kita paminsan." ——— "We're here." Masayang sabi ni Papa pagtigil namin sa isang brown na pinto. Hindi ko napigilan ang mapa-nganga nang buksan ni Papa ang pintuan. Maliit lamang ang pintuan sa labas, pero sa loob naman ay parang palasyo. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bahay. Kulay puti at itim ang pintura ng mga dingding. Ang mga gamit naman ay mukhang mga bago. Malinis ang buong paligid. Maliit lang ang tirahan ni Papa, pero para sa akin ay engrandeng bahay na ito. Hindi kagaya sa bahay nila Tita Rosa. "How do you like our condo?" Tanong nito na nagpabalik sa ulirat ko. "C-condo? Ano po iyon?" Mahinang natawa si Papa. "Your new home, Jinuel. Dito ka na titira kasama ako." Kunot noo akong napatingin kay Papa. "Marunong po kayong magtagalog?" Ngumiti ito sa akin. "Yes. Your mom taught me. By the way, iisa lang ang kwarto dito. Doon ka nalang sa bedroom, at dito nalang ako sa sala matutulog." "Sure po ba kayo? Baka hindi kayo sanay na matulog sa sofa." Ngumiti sa akin si Papa at ginulo ang buhok ko. "No. It's okay. I want you to feel that you're at home here." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kinuha na ni Papa ang mga dala kong bag at isang isang inayos sa cabinet. Pagpasok ko sa kwarto ko ay namangha ako sa pagkakita ng aking kama. Mas malaki pa ito kaysa sa kama ko dati. Hindi ko napigilang magpalundag lundag rito at mapahiga. Napakalambot nito at mabango. Pati ang mga unan ay malalambot rin. "Do you like it?" Tanong ni Papa. Tumango naman ako. "Wait 'til you see the bathroom and the kitchen." Lumabas kami ng kwarto ni Papa at nagtungo sa cr ng bahay niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang loob ng kanyang cr. Napakalinis nito. Meron pang maliit na parang swimming pool. Meron din itong shower at lababo. Mas malaki ang cr ni Papa kaysa sa kwarto ko kina Tita Rosa. Parang pwede na nga akong matulog rito. Pagtungo naman namin sa kusina ay ganun din ang naging reaksyon ko. Hindi ako makapaniwala na ang mga ganitong kagandang bagay na nakikita ko lamang sa telebisyon ay nasa harapan ko na ngayon. "Let me make it up to you, Jinuel. Marami akong pagkukulang sa Mama mo, kaya hayaan mong bumawi naman ako sa'yo ngayon." Sabi ni Papa at niyakap ako. Tumugon naman ako sa yakap nito. "Huwag kayong mag-alala, Papa. Alam kong napatawad ka na ni Mama. At masaya po ako na hindi niyo ako kinalimutan." Sagot ko rito. Ngumiti naman si Papa. Kinagabihan ay pinagsaluhan namin ni Papa ang inorder nitong mga pagkain. Halos hindi magkandamayaw ang tiyan ko sa mga pagkaing nasa harapan ko. Merong fried chicken, spaghetti, pizza, ice cream at kung ano ano pa. Ngayon ko lang natikman ang ganitong klaseng pagkain. "Dahan dahan lang, anak. Para sa'yo lang iyan lahat." Natatawang sabi ni Papa habang pinagmamasdan ako. "K-kayo po? Kain din po kayo." Sabi ko rito habang nilalantakan ng sabay ang pizza at manok. Ngumiti sa akin si Papa. "No, I'm fine. Kain ka lang–" putol ni Papa nang biglang tumunog ang telepono nito. "I'll just answer it." Sabi nito at tumalikod sa akin. Hindi ko na pinansin kung sino ang kausap ni Papa. Basta ako ay kain lang ng kain. Parang walang kabusugan ang tiyan ko. Nang matapos si Papa sa pakikipag-usap sa telepono, sumabay na rin ito sa akin sa pagkain. Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing inorder niya. Habang kumakain kami ay nagkekwentuhan rin kaming dalawa. Tungkol sa buhay niya Amerika at kung paano silang nagkakilala ng Mama ko. Pagtapos naman naming kumain ay ako na nagpresintang maghugas ng plato. Ayaw pa sana akong pakilusin ni Papa, pero mapilit ako kaya wala na itong nagawa. Ayoko namang maging pabigat sa kanya. Alam kong ginagawa niya ito para makabawi sa akin, pero gusto ko rin naman siyang pagsilbihan. Si Tito Hermes nga na hindi ko kaano-ano ay napagsisilbihan ko, siya pa kayang tunay kong Ama? Nang matapos ako sa aking mga gawain, nagtungo naman ako sa cr para maglinis ng aking katawan. Paglabas ko ay naabutan ko si Papa na nakahiga na sa kama. "Papa, ayos lang po ba kayo riyan?" Nag-aalala kong tanong rito. Dumilat si Papa at ngumiti. "Oo naman." Pilit na ngiti ang sinagot ko rito. Hindi ko kasi maisip kung paano niyang pagkakasyahin ang katawan niya riyan. Sobrang tangkad ng Papa ko at ang sofa naman ay parang kasing laki ko lang. Kahit na bumaluktot pa ito ay hindi parin siya magkakasya. "Sige na, anak. Go to sleep na. I'll be okay here." Pangungumbinsi nito sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Papa. ——— Ala una ng madaling araw nang maalimpungatan ako dahil parang may nauulinigan akong malakas na pagbuntong hininga sa labas ng kwarto ko. Kahit pa na inaantok ako, binuksan ko ang pinto ng kwarto upang tukuyin kung ano ang maingay na iyon. Pagbukas ko ay nakita ko si Papa na nasa lapag na nakapamaluktot habang nakakumot. Agad kong nilapitan si Papa upang suriin. "Papa, doon nalang po kayo sa tabi ko. 'Wag niyo na pong pilitin dito sa sala na matulog. Baka magkaubo pa kayo." Nag-aalala kong sabi rito. Dumilat si Papa at tumingin sa akin. Napangiwi ito. "Okay lang ba, anak?" "Opo naman. Bahay niyo naman po ito kaya pwedeng pwede kayong matulog sa kwarto. Tara na po." Sabi ko. Tumayo naman si Papa at sumunod sa kwarto. "Salamat, anak. Ang laki ko kasi kaya sa lapag nalang ako natulog. Hindi ako kasya sa sofa." Natatawang sabi nito ng makahiga na kami. "Sabi naman kasi sa inyo na tumabi nalang kayo dito sa akin. Malaki naman itong kama. Pwede pa tayong magpagulong gulong rito." Biro ko. Natawa naman ng malakas si Papa. "Naughty. Good night, anak. Sweetdreams." Sabi pa ni Papa at yumakap sa akin. ?⬛️?⬛️?⬛️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD