PART 2

1792 Words
***LEREN's POV*** Habang hinihintay naming magkakaibigan ang in-order naming pagkain ay hindi ko maiwasan na buksan ang notification ng cellphone ko. May update na raw kasi ang story sa Dreame na inaabangan ko. Finally, nag-update na ang idol kong si Author Sesa after a week na walang paramdam. Sobrang saya ko. Sa ngayon kasi, dahil wala naman akong napaglilibangan ay nagbabasa-basa ako ng novel sa isang online reading app. At ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay ang story na ang title ay ANG NABUNTIS KONG PANGIT. Maliban na nakakaaliw ang title ay sobrang nakakatawa ang plot ng kuwento. Sobrang nakakalig. Hindi OA basahin at relate na relate ako. Tungkol sa love story ng babaeng pangit kaya relate ako. Syempre proud ako sa kapwa ko mga pangit. Ang totoo, noon pa man, ay hindi na ako naniniwala, na ang isang pangit na babae na tulad ko ay magugustohan ng isang campus crush o ng isang heartthrob, pero sa ayaw man at sa gusto ko ay naniniwala na ako dahil sa aking binabasa na story nina Yolly at Andy. Sa kuwento, hindi man sila bagay dahil pangit si Yolly at guwapo naman ni Andy ay sobrang nakakilig pa rin ang lahat ng eksena nila. Aso't pusa sa una pero sa huli ay magkagustuhan din naman pala sila. Iyong napapasigaw na lang ako ng 'Sana all' dahil sa inggit ko kay Yolly. Sa nangyari sa love story ni Yolly na pangit, unang pagkakataon na naghangad ang damdamin ko na sana magkaroon din ako ng boyfriend balang araw, na kahit ganito ang hitsura ko na balyena ay sana magkakaroon pa rin ako ng love life. Ang dami kong sana at umaasa ako na mangyayari dahil maganda naman kasi ako kahit paano. Makinis at maputi ang balat ko. Ang problema lang ay sobrang taba ko. Patunay ang mga bilbil kong hindi nawawala sa katawan ko at mga plus-size nang mga damit ko. Sabi nga ng mga bully noong nag-aaral ako ay kalahi ko raw ang mga baboy. Kundi naman kapatid ko ang mga balyena. May nagsabi pa na galing ako sa matris ng elepante. Mga walangjo sila! "Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Leren? Diet ka na naman ba? Naku, pinapahirapan mo lang ang sarili mo," untag sa akin ni Xalene na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Huh?" Bahagyang nagulat ako nang makita ko sa harap ko ang pagkaing in-order ko. Dumating na pala at steak iyon. Natakam ako syempre. Aba, wala sa bukabularyo ko ang salitang diet, lalo na kung libre. At saka nakamamatay ang diet dahil kapag tatanggalin ang letrang T, magiging DIE. Ayaw kong mangyari iyon sa akin. Ayaw ko pang ma-die dahil virgin pa ako. Wala pa nga akong nagiging jowa, die agad? Huwag naman. Kahit ganito ako ay gusto ko rin naman na maranasan ang tumirik ang mga mata ko at umungol ng ooohhh at aaahhh. Isa pa'y may hinihintay pa ako. Bago ako mamatay ay dapat magkita muna kami ni Kent na aking kababata sa San Dionesio. Si Kent ang dahilan kung bakit hindi pa ako pumapayat kahit gusto ko. Isang malaking sekreto na kahit isa ay walang nakakaalam maliban sa aming dalawa. "Ang lalim ng iniisip mo. May problema ba, Leren?" nabahalang pansin din sa akin ni Corinne. Ang blooming ng bruha. Siguro siya ang hindi na virgin. Char. "Wala. Wala akong problema," tugon ko na may kasamang iling. Pinilit ko ring ngumiti. "Hulaan ko lalaki 'yan, noh? Naku huwag ka nang umasa. Sa panahon ngayon wala ng lalaki na gustong mag-alaga sa baboy," tukso na naman sa akin ni Xalene. Nakamalademonyong ngisi pa ang bruha. "Tse!" Inirapan ko siya't itinulak ang kanyang bowl. "Oy!" Muntik na tuloy maibuhos sa kanyang kandungan ang sabaw. Nagtatawa ako. Tinawanan ko ang takot niya. "Virgin na baboy!" malalang tukso niya tuloy pa sa 'kin. "Virgin na tagyawat!" tukso ko rin. Syempre hindi ako papatalo. Natawa na si Corrine sa asaran namin. "Kung ako sa inyo. Tusukin niyo na lang ng talong ang mga ano niyo. Baka mabulok ang mga iyan." "Ang bastos mo!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Baka may makarinig sa 'yo. Gaga ka, nakakahiya," saway naman ni Xalene. Ang bruha nagtatawa pa. Aakalain na ang bait-bait ni Corinne dahil sa pa-nerd nitong OOTD lagi, pero bulgar din ang bunganga. Sa aming tatlo ay siya ang pinakabastos ang mga salita. Napapa-Diyos-ko-Lord na mga lang kami minsan ng wala sa oras ni Xalene sa kanya. "Akala mo naman hindi ka na virgin? Sino ang papatol sa lumang tao?" pang-asar ko naman sa kanya. Hindi maaari kasi na kami lang ni Xalene ang nalalait, dapat tatlo kami. Ewan ko ba kung paano kami naging magbe-bestfriend na tatlo, gayung sari-sarili rin namin ay nilalait namin. "Inggit 'yan sa 'yo," kampi ni Xalene kay Corinne tapos tinawanan ako ng dalawa nang malutong. "Bakit ikaw hindi?" Kunwari ay tutusukin ko ng tinidor si Xalene Nagtatawang umiwas naman ito. "Sige 'pag namatay ako lahat ng pimples ko lilipa't sa 'yo. Gusto mo 'yon? Baboy na madaming pimples?" "Ay, buyag buyag buyag!" Kunwa'y natakot naman akong nag-knock on the wood kahit hindi kahoy ang lamesa na pinagigitnaan naming tatlo. "Tama na ang asaran. Kumain na tayo," saway na sa amin ni Corinne. Tatawa-tawa pa rin. "Kaya walang love life. Masungit na mother oink oink," kantyaw pa rin sa akin ni Xalene. Ayaw talagang tumigil. "Heh!" Binato ko siya ng ilang pirasong kanin at natawa na rin siya. Awa ng Diyos, sa huli, nakakain pa rin naman kami nang maayos kahit na patuloy kami sa bardugalan. Hindi na talaga kumpleto at masaya ang bonding namin kapag walang ganoon. "Seryosong usapan. Leren, anong problema mo?" pagbabalik ni Corinne sa topic na iyon nang nagde-dessert na kami. Nilunok ko muna ang kinakain kong cake. Sinimot ang nasa tinidor bago sumagot. "Wala nga." "Eh, bakit ka tulala kanina?" "Kasi nga nagbabasa ako." No choice ako kundi ipakita sa kanila Dreame App na kinakaabalahan ko. "My gosh, ano ka teenager at nagbabasa pa ng ganyan? Tumatandang baboy na paurong?" at tulad nang inasahan ko ay pang-aasar nga sa 'kin ni Xalene. "Bakit masama magbasa?" ingos ko sa kanya. Panira talaga ang gaga, eh. "Masama kasi pinapaasa ka lang ng mga writer na 'yan. Hindi totoo na ang pangit ay magkaka-love life tapos sa isang bilyonaryo pa na lalaki. Sa nobela lang nila nangyayari 'yon. Walang ganern," may point na pagrarason naman niya. Natameme tuloy ako at nalungkot. Nga naman. "Xalene, tama na. Hayaan mo na kung ang trip ni Leren ay magbasa. At least, may pinagkakaabalahan siya," pagtatanggol na sa akin ni Corinne. "Oo nga. Hayaan niyo na akong umasa na balang araw ay may magkakagusto rin sa akin sa kabila ng katawan kong ito," ayuda ko habang hahaba-haba ang nguso ko. "Bahala ka. Asa pa more," sabi na lang ni Xalene. Nag-iirapan kaming dalawa na tinapos ang aming dessert. Habang si Corinne ay napapailing naman sa amin. "Una na ako," at ako ang unang umalis sa restaurant nang pauwi na kami dahil iba ang daan ko pauwi sa kanila. "Mag-ingat ka, Leren, ah? Kawawa naman kasi ang makakabangga sa 'yo. Ospital agad ang bagsak niya sigurado," biro pa rin sa akin ni Xalene. "Tirisin ko kaya 'yang mga pimples mo isa-isa?" resbak ko naman. Dinilaan ko siya't iningusan saka nagtatakbo palayo. Pero nang nasa kabilang kalsada na ako ay nilingon ko muna sila ni Corinne at kinawayan. Gumanti naman ang dalawa ng kaway. Nang malayo na ako at hindi ko na sila matanaw ay panay ang aking buntong-hininga. Bigla-bigla ay hindi na pang-good vibes ang aking mood. Siguro ay dahil malungkot na ako. Sure kasi na mami-miss ko na naman ang dalawang bruha na iyon. Panigurado kasing matagal na naman bago kami ulit magkikita-kita. At malamang kapag nagkita ulit kami, isa na sa amin ang may jowa o may asawa na. Kay lalim na buntong-hininga ang huling pinakawalan ko. Lalo akong nalungkot. Tiyak ko kasi na hindi ako iyon. Sino naman ang mag-aasawa sa matabang tulad ko? Maliban na lang kung dumating na si Kent. Siya na lang ang pag-asa ko para magkajowa. Ang kaso ang tagal niya. Ewan kung na-traffic lang ba kaya hindi pa nagpapakita sa akin o baka naman natsugi na. Hay! Hindi sinasadya ay nakita ko ang aking repleksyon sa isang tinted na salamin ng isang nakaparadang kotse sa tabi ng kalsada. Napatigil ako sa paglakad at napalabing pinagmasdan ang aking sarili roon. Lalong hindi maipinta ang aking mukha nang makita kong mas tumaba pa ako. Hindi na ako baboy. Hindi na ako balyena. Elepante na. Woaaahhh! "Aisst! Kaasar kayo, ah! Bakit kayo lumalaki, eh, hindi naman na ako kumakain masyado? Gusto niyo tapyasin ko na lang kayo ng kutsilyo?" Gawa ng frustration ay parang taong kinausap ko tuloy ang aking mga bilbil. "Kahit dumating si Kent kung ganyan kayo kalaki ay wala, baka magbago lang ang isip niyon na ituloy ang love story namin," dagdag ko pa. Sa inis ay mas lumapit ako sa kotse at sa harap ng salamin ay pinisa-pisa ko aking mga bilbil sa tiyan. Ginalaw-galaw ko pati ang mga love handles ko sa tagiliran. Pakanan, pakaliwa. Pakaliwa ulit, pakanan ulit. At gusto kong maiyak na talaga. Hindi na lang kasi ako elepante, dambuhalang caterpillar pa. Ang saklap! "Miss, hindi salamin ang kotse ko para pagsalaminan mo," hanggang sa may kumumpronta sa akin na mula sa loob kotse. Ay-yay-yay! Gulat na gulat akong napaatras. Lumuwa talaga ang mga mata ko na animo'y nakakita ng multo. Kulang na lang ay magpalamon ako sa lupa sa sandaling iyon. "You should go to powder ro—" "Eiiihhhhhh!!!!" Hindi ko siya pinatapos. Nagtitili na akong sumibat. Ang kaso dahil mataba ako ay natapilok pa ako. s**t! Mas lalong nakakahiya! Ito ang mahirap kapag mataba. Nauuna ang bilbil. Hindi na makita ang nilalakaran. "Miss, are you okay?" nabahalang dinaluhan naman ako ng lalaki. Inalalayan niya akong makatayo. "Sorry po," sabi ko lang at ngiwing-ngiwi na iniwan ko ulit siya bigla. Mabilis akong naglakad, lakad ng parang sa Japanese Doll. Mataba na Japanese Doll nga lang. Toinks. Gusto kong maiyak. Nakakaloka dahil kung anong ginawa-gawa ko kanina sa may harap ng kotse ng lalaki. Ano kaya ang reaksyon niya habang pinapanood ako? Baka nasuka siya. Hay, Kasalanan talaga ng bilbil ko ang lahat ng kahihiyan ko. Ayoko na ng ganito. Sana tamaan na lang ako ng kidlat. "Yay!" Anong gulat ko na naman ng biglang parang may sumabog. Natigil ako sa paglakad at napatakip sa aking mga tainga. Ang daling kausap ni Lord, noh? Kumidlat talaga? 'Di man lang mabiro. Tumunog ulit ang parang sumabog. Unti-unti na akong nagmulat ng nga mata. At anong ngiwi ko pa lalo nang makita kong bata lang pala na nagpalo ng yero ang tumunog. Akala ko kidlat na, eh. Wew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD