One - Ang Manunuyo

1373 Words
" Huwag..maawa ka, " naiiyak na pakiusap ng isang babae. Siya ay hirap sa pagkaladkad ng isang paa na nabali matapos tumalon sa ikalawang palapag ng bahay. Duguan ang babae at gula-gulanit ang damit. Pilit itong umaatras palayo sa taong nasa kanyang harapan. Ngumiti lamang ang taong nakamaskara at hinigpitan ang pagkakahawak sa palakol na dala-dala. " Maawa ka na..ayoko pang mamatay.. " pagmamakaawa ng babae, ngunit tila hindi siya naririnig ng kaharap at patuloy lamang ito sa paglapit sa kanya. Dinig ng babae ang tawa nito. Galak na galak sa kanyang gagawin. Iwinawasiwas pa nito ang palakol na tila ipinagyayabang nito kung gaano iyon katalim. " Hindi na kita maaaring buhayin, nakita mo na ang tinatago kong lihim. " nakakaloko ang ngiti ng kaharap ng babae, lalong napaiyak tuloy siya. Nagkaroon tuloy ng pagsisisi ang babae dahil kung hindi niya natuklasan ang lihim nito di sana ay hindi siya dadanas ng impyerno ngayong oras na ito! Nakita niya kasi ang itinatago nitong lihim. Matatawag mong baliw ang taong kaharap niya, kung tao nga ba ang gawain nito! Dahil sa kahindik-hindik at nakakasuka na itinatago nito sa isang silid sa kanyang bahay! " H-hindi ko iyon s-sasabihin sa i-iba..basta pakawalan mo lang ako! Parang awa mo na ayoko pang mamatay! " humagulgol na ang babae, halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Takot, sakit, pagsisisi, pagod at kadesperaduhang mabuhay! " Gasgas na ang linya na 'yan. Sinabi na din iyan ng mga nagmamay-ari ng parte ng katawan na nakita mo, " natatawang sabi ng kaharap niya. Nakatayo na ito sa harap ng babae. Humahagulgol na ang babae at napahawak na ito sa tuhod ng lalaki para magmakaawa. " Pangako, hindi ko sasabihin ang nakita ko. Pakawalan mo lang ako! " patuloy na pagmamakaawa nito. " Hindi pwede kailangang kong linisin ang ebedensya! Dapat walang saksi! Hayaan mo hindi ito masakit parang kagat lang ng langgam. Kung makaramdam ka man ng sakit saglit lang naman. Mabilis lang ito. " tila nababaliw na sabi ng taong nakamaskara. Iniangat nito ang hawak na palakol. Dahil doon ay natakot ang babae. " AHHHHHHHHHH! " matinis na sigaw nito bago lumaglag ang palakol sa mukha nito at nahati ang babae sa dalawa. Bumagsak ang katawan nito sa lupa at umagos ang masaganang dugo. Nagkikisay-kisay pa ang babae habang tuwang-tuwa na pinapanood ng taong nakamaskara. Maya-maya ay huminto sa pagkisay ang babae at nilapitan ito ng nakamaskara. Walang pakundangan nitong dinukot ang dalawang mata ng babae at inilagay sa isang ziplock na plastic bag. Hinawakan nito ang magkabilang paa at saka hinila nito ang katawan ng babaeng kanina lamang ay nagmamakaawa sa kanya. " Hahahaha!" " Pwede ba huwag mo akong pagtawanan. Anong magagawa ko sa hindi ako sanay sa mga movie na ganyan. " napipikon na si Thessa sa katabi niyang si Nathan na kanina pa tawa ng tawa sa tuwing siya ay titili o di naman ay magtatago sa braso ng binata sa tuwing may nakakatakot na eksena. "Tara na nga at nagugutom na ako, ikain na lang natin iyang inis mo. " nakakalokong ngumiti ang binata. Pinaningkitan naman siya ng mata ni Thessa. Kinurot siya sa pisngi ng binata at hinila palabas ng sinehan. Sa isang japanese restaurant sila kumain. Kwentuhan, asaran ang ginawa nila habang kumakain. Tawa ng tawa si Thessa sa binata. " Thessa, kelan mo ba ako sasagutin?" seryosong tanong ni Nathan sa kanya, biglang nawala ang ngiti ni Thessa sa labi. " Anu ba namang tanong iyan. Bakit naiinip ka na ba? Isang taon ka pa lang naman na nanliligaw ah. " asar ni Thessa sa binata. Totoo ang sinabi ng dalaga, isang taon na itong nanliligaw sa kanya ngunit hindi niya pa din sinasagot dahil sa hindi pa siya ready pumasok sa isang relasyon. Napabuntung-hininga ang binata sa sinabi niya. Iniwas nito ang tingin mula sa kanya at tumanaw sa malayo. " Akala ko pa naman magkakaroon ako ng inspirasyon bago sumabak sa bagong misyon." bulong ng binata ngunit narinig pa din iyon ni Thessa. " Bagong misyon? Saan naman? Bakit matagal ka ba bang mamamalagi sa lugar ma iyon? " sunud-sunod na tanong ni Thessa sa binata. Isa kasing tanyag na NBI agent si Nathaniel De Guzman. Lagi ito ang pinapahawak sa mahihirap na misyon at lagi naman niya iyong nalulutas. Katulad na lamang ang pagkahuli ng isang tiwaling senador na kurakot sa kaban ng bayan. Ang isa pa ay ang pagkahuli ng bigtime drug lord na isang negosyanteng intsik sa Maynila at ang s*x den ng mga menor de edad sa Taguig, siya lahat ang nakalutas niyon. " Pasensya Thessa pero confidential ang misyong ito. Hindi ko alam if kelan o makakauwi pa ba ako." malungkot na sabi ni Nathan. " May cellphone naman pwede tayong magtext or magtawagan. " biro ni Thessa sa binata. " Malabo akong makagamit noon, masyadong kumplikado kasi ang misyon ko. Siguro makakatawag lang ako pagmagrereport kay Chief." malungkot na pahayag ni Nathan. Natigilan si Thessa sa sinabi ng binata. Kinuha naman ni Nathan ang kanang kamay niya at ginagap. " Mahihintay mo ba ako ng ganoong katagal kung saka-sakali?" tanong ng binata. Hindi makasagot si Thessa sa tanong na iyon ni Nathan. Naisip niya kung kaya nga ba niya? " Thessa.." tawag ng binata sa pangalan niya. Humugot muna si Thessa ng malalim na paghinga at tumingin ng direkta sa binata. " Bilisan mong tapusin ang misyon mo ha. Pagkatapos umuwi ka ng kumpleto ang bawat parte ng katawan mo, sasagutin na kita noon. " natatawang sagot ni Thessa. Natawa din ang binata at sumaludo pa ito. " Yes, Ma'am! Gaganahan akong tapusin agad ang misyon dahil sa naghihintay sa aking pinaka-papremyo. " After nang pag-uusap na iyon ay naghintay si Thessa ng ilang araw, linggo at buwan. Halos pitong buwan na wala siyang kontak kay Nathan. Iniisip niyang palagi kung okay lang ba ang binata at kung nasaang lupalop ito ng bansa. Ito na yata ang pinakamatagal na misyon niya. Ang masaklap pa ay hindi man lang ito magtext or tumawag sa kanya. Nakatanaw lang si Thessa sa mga bituin sa kalangitan sa pag-aasam na nakatingin din doon si Nathan. Ano ba kasi ang confidential na misyon nito? Naitanong ng dalaga sa sarili. Wala kasi siyang ideya na baka napahamak na ang binata. Kung kelan pa na nahulog na siya dito. Kung kelan malapit na niyang sagutin tsaka naman hindi nagparamdam. Dahil lumalakas na ang hangin at nararamdaman na ni Thessa ang lamig na tumatagos sa manipis niyang pantulog. Napagpasyahan na niyang pumasok sa loob ng kanyang silid, ngunit may nahagip ang kanyang mga mata na isang bulto sa may poste ng ilaw. " N-Nathan? " agad siyang pumasok sa silid at kinuha ang balabal, mabilis siyang tumakbo pababa ng bahay. Nagulat si Gemma ang kapatid na bunso ni Thessa, na kasalukuyang nag-aaral. Dahil daig pa ng ate niya ang hinahabol ng kriminal. Iniwan nito ang binabasang libro para tingnan kung saan pupunta ang kanyang kapatid. " Ate! Saan ka pupunta? " tawag ni Gemma, ngunit hindi iyon pinansin ni Thessa at tuloy lang tumakbo patungo sa poste ng ilaw. " Nathan! Nathan! Nasaan ka! Lumabas ka diyan!Huwag muna nga akong pagtripan! " sigaw ni Thessa. " Ate, s-si Kuya N-Nathan nanaman.." hinihingal na sabi ni Gemma. Nakasunod pala ito sa kanya. " Hanggang kelan ka ba maghihintay sa kanya ate? Hindi mo nga alam kung babalik pa siya o hindi na. Tigilan mo na ang kakaisip sa paasang lalaki na iyon. Madami ka namang manliligaw eh. " litanya ni Gemma sa kapatid. Luminga-linga pa din si Thessa sa paligid sa pag-aasam na makita ang binata. Hinawakan siya ni Gemma sa balikat. " Ate, tama na.. " mahinang sabi nito sa kanya. Naiiyak naman si Thessa. " Bakit gano'n Gemma? Kung kelan mahal ko na siya tsaka naman siya di nagparamdam. Nagpromise pa nga siya na bibilisan niyang tapusin ang misyon para marinig niyang sinasagot ko na siya. Bakit gano'n? " humikbi na si Thessa. Tinapik-tapik naman siya ni Gemma sa likod. " Ate, baka sadyang hindi kayo ang nakatadhana sa isa't-isa, kaya nangyari ito. Hindi naman titigil ang mundo mo porket nawala siya sa buhay mo. " paliwanag ni Gemma. Hinila na niya si Thessa papasok ng kanilang bahay. Isang banda sa likuran at madilim na bahagi ng mga puno ay may isang anino ang kanina pa doon nakatanaw sa dalawang babae. Ito ay nakangisi at inilabas pa ang dila pinaikot niya iyon sa kanyang labi. " Ang ganda mo talaga..mapapasaakin ka din.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD