Allyza Alcantara Malapit na kami sa canteen nang makita namin sa labas niyon ang magkakaibigan na mukhang may hinihintay habang nakaupo sa mahabang bench. Nang makita nila kami agad tumayo ang mga ito at sinalubong kami. "Let's go," sabi nila. "Saan?" nagtatakang sabay na tanong nina Missy at Ron. "Samgyup tayo," sagot ni Luke at hinawakan na sa backpack si Ron para hatakin paalis. Samgyup? Wala 'yon sa budget ko. "Oo na, Luke. Sasama naman ako ng buong puso sa'yo. Hindi mo na ako kailangan hilain," reklamo ni Ron. "Teka, libre mo ba?" "Hindi 'no. KKB," agad tanggi Luke. "Ay akala ko naman libre mo. Makahila ka d'yan!" "Uy, tara na, Ally!" Hinila naman ako ni Missy nang maiwan ako sa kinatatayuan ko. Nauna na kasi silang lahat maglakad. "Teka, magkano ba 'yon? Kayo na lang," mahi

