“D-Day” Kita ang mga nalikhang puting bilo ng usok dahil sa ilaw ng “study lamp” ni Anto. Malalalim ang naging hithit ng pinuno sa sigarilyo habang tutok na tutok ang mga mata sa bagong “eskematiko” ng “military operation”. Sa huling pagkakataon, ay muli niyang pinapasadahan ang bagong mapa ng misyon. Ang oras, trenta minutos bago mag Alas Onse. Ngayong gabi nakatakdang ilunsad ang “Battalion Operation.” Katabi ng bagong mapa ay ang orihinal na inihanda ni Tinyente Delavega kaya hindi maiwasang manariwa sa pinuno ang mga naging kaganapan sa Battalion noong nakaraan. Ang sagutan nila ni Lt. Arthur Delavega, ay nagresulta sa isang bagong plano. Hindi lamang ang taktika, kundi ang buong konsepto ng misyon, ay binago. Sa kabila ng pagtutol, kailangang umayon ni Delavega, nang kay E
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


