Sa lamesa ng mga VIPs, kasalukuyang kinakausap ng Heneral ang Battalion Commander. Sunod namang nagtanghal ang Headquarters Service Company. Sayaw ang napiling ipalabas ng mga ito. Muling umugong ang palakpakan at hiyawan sa paligid. Sa lamesa ng mga opisyales, ang Campaign Plan ng Brigade ang paksa. Nagkataong wala noon ang Brigade Commander, kaya ang Batcom ang direktang tinatanong ng Heneral. “Itong si Edwin, dapat sa Operations ito eh. Hanggang kailan ba niya uupuan ang Alpha?” “Sir ipapatapos ko iyong buong termino niya bilang Commanding Officer ng Alpha Company, Sir.” “Okay, pero Anto, kaya mo bang alalayan ang TRAININGS? Squads hanggang platoons? Gusto ko kasing matuto sa taktika mo ang mga tropa. Preskong-presko pa ang Specialization Course mo.” Dito nakakita ng pagkakatao

