Karla’s POV Hindi ko maintindihan. Hindi naman kulob at lagpas baywang lang naman ang taas ng mga sawaling dingding ng kinaroroonan naming bahay kubo. Tagusan ang daloy ng sariwang hanging mula sa malapit na palayan. Pero bakit ako naiinitan? Saan galing ang nararamdaman kong alinsangan? Bigla bigla ay naisip ko din ang aking boyfriend. Bigla bigla ay hinahanap ko ang kanyang halik at ang dantay ng kanyang balat sa akin. Higit lalo ang kanyang mga haplos at hawak sa aking katawan. Para akong lalagnatin na di mawari, at ang t***k ng aking puso tila yata bumilis. Ngunit ang pinakamatimbang , ay ang kung anong nagising mula sa aking ibaba, mula sa bagay na nasa pagitan ng aking mga hita, sa aking kaselanan. Para itong dinidiinan. Wala namang nakadagan sa akin pero pakiramdam ko ay para

