11 - KENDRICK

1125 Words
pat's pov.  on the way na ako para sunduin si agnes para makapag dinner kami. pag dating ko dun nakita ko agad si agnes, pero may dala kang garbage bag, kaya bumaba na ako ng kotse at nilapitan siya "ang sipag mo naman ms" sabi ko. nagulat naman siya dahil bigla akong nag salita "babe ginulat mo naman ako" sabi niya. yayakapin ko dapat siya pero lumayo siya "why?" sabi ko at nag pout. tinaas niya yung kamay niya na may hawak na garbage bag "diba secretary ka? bakit ikaw yung gumagawa niyan?" tanong ko. mag sasalita na dapat siya pero biglang may nag salita sa likod ko "reoma bakit ang daming kalat? diba inutusan kita na mag linis, bakit may kalat pa din?" sabi niya at tumingin sakin "oh! hi ms lasaten, ikaw pala yan akala ko kalat" sabi ni zapanta sabay tawa "long time no see loser" Sabi ko at tumawa din  "anong ginagawa mo dito? bawal ang kalat dito" sabi ni zapanta "sir--" sabi ni agnes pero pinutol agad siya ni zapanta. inakbayan niya si agnes kaya biglang uminit yung ulo ko "bakit naka tayo ka lang diyan? hindi ba dapat nag lilinis ka, kung ayaw mong matanggal sa trabaho mo, mag trabaho ka ng maayos" sabi ni zapanta "actually nandito ako para sunduin yung girlfriend ko, tyaka pwede bang alisin mo yung braso mo sa kanya? Baka bukas putol na yan" mahinahong Sabi ko at agad naman niyang tinaggal yung braso niya "reoma kapag umalis ka, tanggal ka na" sabi ni zapanta, at tumalikod na "pat, bawi ako next time pwede?" tanong ni agnes. kinuha ko yung hawak niyang garbage bag at binuhos ko sa harap ni zapanta yung laman, kita ko sa mata niya na galit na galit na siya pero nginitian ko lang siya, hinawakan ko yung kamay ni agnes at hinila siya paalis "babe bakit mo ginawa yun? matatanggal ako sa trabaho" sabi niya nung makarating kami sa kotse ko. hindi ko siya sinagot at nag drive nalang ng kotse papunta sa bahay ko. mag d diner dapat kami sa labas pero nawalan na ako ng gana bumaba na ako ng kotse ko at pumasok na sa loob, sumunod naman agad si agnes "ano pang ginawa niya sayo?" mahinahong tanong ko "w-wala n-na" sabi niya. kita ko sa mata niya ang takot kaya nilapitan ko siya at niyakap "sorry sa ginawa ko babe, hindi ko lang kaya na makita kang inaapi ng iba" sabi ko at bumuntong hininga "lalo na si kendrick" dagdag ko "pano kayo nag ka kilala? bakit ganon yung galit niyo sa isa't isa?" tanong niya "pasok na muna tayo sa loob ko iku kwento" sabi ko at hinawakan yung kamay niya, pumasok na kami at umupo muna siya sa sofa "gusto mo ba ng juice or water?" tanong ko "water nalang" sabi niya, kumuha na ako ng tubig at binigay ko na yun sa kanya  "bestfriend ko si kendrick nung college" sabi ko at parang nagulat si agnes "lagi kaming mag kasama, sabay kaming grumaduate, pumasok din siya sa company ko. ok naman lahat, napatakbo naman namin ng maayos yung company pero bigla nalang nag bago yung ihip ng hangin. nag resign siya hanggang sa nalaman ko na nag patayo nadin siya ng sarili niyang magazine company. hanggang sa kinalaban niya na ako, at yun nasilaw na siya sa pera at kapangyarihan" sabi ko. tahimik lang si agnes habang nakikinig siya ng kwento ko "sayang naman yung friendship niyo" sabi niya at tumahimik nalang ulit "sayang nga" sabi ko. hinintay ko lang siyang mag salita pero nanatili lang siyang tahimik "babe, ok ka lang ba? sorry talaga sa sa inasal ko kanina" sabi ko at niyakap ko ulit siya, niyakap niya naman ako pabalik at nag salita na din siya "ok lang ako, iniisip ko lang yung trabaho ko" sabi niya. naalala ko bigla yung sinabi ni kendrick kanina, napa isip naman ako kung anong pwede kong gawin "tutulungan kitang maghanap ng trabaho, diba gusto mo mag film scoring?" tanong ko at tumango naman siya "ako na bahala, smile ka na please" sabi ko at nag pa cute sa kanya "ayaw" sabi niya at tinuro yung labi niya. nilapit ko yung mukha ko sa kanya at hinalikan siya, nag smile naman siya at nakita ko na nag blush siya. ramdam ko din na umiinit na yung pisngi ko kaya tumayo na ako "gutom ka na ba? order nalang tayo ng food" sabi ko at tumango naman siya. nag order muna ako at kumuha muna ng juice "pat, sure kang ikaw lang mag isa naka tira dito?" tanong niya at tumingin sa buong bahay "tatlo yung floor tapos sobrang lawak pa, tapos ikaw lang yung naka tira dito? hindi ba boring?" tanong niya "boring pero nasanay na ako. 11 years na akong mag isa sa bahay na to. minsan nandito si kuya keifer, paolo at miguel pero madalas wala talaga akong kasama" sabi ko. binuksan ko yung tv at pumili ako ng movie nanood muna kami ng movie habang inaantay yung food. Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Agnes. Yung ganda niya, hindi nakaka sawa.  "Babe, nandiyan na ata yung food" Sabi niya kaya napa tigil ako sa pag iisip  "Ay sorry, wait kukunin ko lang" Sabi ko at lumabas na "Tara kain muna tayo, tuloy nalang natin yan mamaya" Sabi ko sa kanya at pumunta na sa kusina. Tinulungan niya akong mag prepare at nag simula na kaming kumain  "Babe, kamusta pala yung araw mo?" Tanong niya habang nag huhugas ng plato. Ako na dapat yung nag huhugas pero nag pumilit siya na siya nalang daw "napagod ka ba?" Tanong ulit niya "Nakakapagod pero ok na ako, Nandito ka na eh" Sabi ko at napa ngiti naman siya "ikaw, kamusta?" Tanong ko "Medyo napagod lang ako sa pag li linis" Sabi niya kaya nilapitan ko siya, niyakap ko lang siya hanggang sa matapos siyang mag hugas "Ah babe, pwede bang dito ka na mag stay ngayong gabi?" Tanong ko sa kanya "Why? Baka masanay ako ah" Sabi niya sabay tawa "Para hindi gaanong boring, tyaka ok lang naman na masanay ka. Pwede ka namang pumunta dito anytime" Sabi ko at nag smile sa kanya "Opo ms, dito na ako matu tulog" Sabi niya at nag smile din. Bumalik na kami sa sala para ituloy yung movie na pinapanood namin kanina.  "Babe" Sabi ko at sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya "Hmm?" Sabi niya "Thank you kase dito ka nag stay, I love you" Sabi ko sa kanya  "I love you too babe" Sabi niya at hinalikan ako sa noo, napa smile naman ako at naramdaman ko na parang umiinit na yung pisngi ko. thank you for making my day special
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD