Agnes's pov.
naisip ko na puntahan si pat dahil tapos na yung work ko. sinurprice ko si pat pero hindi ko alam na dalawa pala kaming ma su surprice
"ms lasaten, may pinapa sa--" putol na sabi niya "a-agnes"
"h-heather" Sabi ko at bigla nalang akong napa bitaw kay pat. hindi ako maka galaw, naramdaman ko nalang na tumutulo na yung luha ko. parang bumalik lahat ng sakit
"Agnes, long time no see" Sabi ni heather at bigla niya akong niyakap. damn. gusto kong mag salita pero bakit walang lumalabas sa bibig ko? wala akong ibang nararamdaman kundi sakit at galit. hindi ko alam yung gagawin ko
"Ms. Ano mo po si agnes? Akala ko ba hindi mo siya kaibigan?" Tanong ni Heather, tumingin ako sa kanya at kita ko na pinilit niyang ngumiti.
"Ha? Sinabi ko ba yun? Oo kaibigan ko si agnes" Sabi niya at mas lalo akong nasaktan. gusto kong sabihin na "pat girl friend mo ako, hindi mo ako kaibigan" pero walang lumalabas na word sa bibig ko
"P-pat" Sabi ko. napaluha siya pero pinunasan niya agad, kinuha niya yung gamit niya at ngumiti samin
"May lakad pa pala ako, iwan ko muna kayo" Sabi niya at nag lakad na palayo, damn sobrang sakit
"P-pat sandali" Sabi ko pero hindi na siya lumingon, susundan ko dapat siya pero pinigilan ako ni heather.
"wait agnes, hindi mo man lang ba ako kakausapin?" tanong niya
"wala naman tayong dapat pag usapan" sabi ko at pinunasan ko yung luha ko
"agnes, nag sisisi na ako. sinundan kita dito, ang tagal kitang hinanap. hindi mo man lang ba ako papakinggan?" tanong niya "agnes sorry. na realize ko na ikaw talaga yung mahal ko , pwede bang bigyan mo ako ng isa pang chance? ayusin natin to agnes, mahal kita. mahal mo padin ako diba?" tanong niya
"pag tapos mo akong saktan, sorry lang? sinaktan mo ako heather, tapos tatanungin mo ako kung kung mahal pa kita? damn." sabi ko
"sure ka bang ayaw mo na sakin? ako lang yung naka intindi sayo agnes" sabi niya sabay tawa "mahal na mahal mo ako agnes, hindi mo kaya ng wala ako" sabi niya na ikina tawa ko
"dati yun. 3 years na tayong wala, kinaya ko naman na wala ka" sabi ko "tyaka hindi na kita mahal. may girlfriend na ako, kaya tigilan mo na ako" sabi ko tapos tumawa ulit siya
"sino naman yun? mas maganda ba siya sakin? mas mayaman ba? mas matalino? wala kang mahahanap na kasing ganda ko agnes" sabi niya
"mas maganda sayo si pat, mas matalino, mas mabait. mas binigyan niya ako ng time kesa sayo, si pat yung mahal ko, hindi na ikaw" sabi ko at umalis na
"babalik ka din sakin" sabi niya pero hindi ko na siya pinansin, umalis na ako at pumunta sa bahay ni pat. hinanap ko siya dun pero wala siya, tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. tinawagan ko lang siya ng paulit ulit pero hindi talaga siya sumasagot.
nag hintay lang ako sa bahay niya, pero 11:00 pm na wala padin siya, hindi padin siya sumasagot. nag aalala na ako sa kanya dahil gabi na. tumawag ako kay keifer dahil baka mag kasama sila, pero hindi daw
"ano bang nangyare agnes?" tanong niya, kinuwento ko yung nangyare kanina at pinaliwanag na si pat na talaga yung mahal ko
"ok, ako na bahala kay pat. try ko siyang tawagan, pero pag hindi sumagot hahanapin ko nalang siya" sabi niya
"thank you kuya" sabi ko
"wala yun, tyaka wag na kuya, isang taon lang naman yung tanda ko sayo. keifer nalang" sabi niya
"sige keifer, sorry sa abala. btw. nandito pala ako sa bahay niya, hinihintay ko siya dito kanina pa. hindi ko kase alam kung saan ko siya hahanapin" sabi ko
"ok, diyan ka na lang muna. delikado na din sa daan" sabi niya at binaba na yung tawag. sinubukan ko ulit tawagan si pat pero hindi niya talaga sinasagot, pumunta ako sa pintuan at umupo dun
"pat, uwi ka na" sabi ko sa sarili ko
"agnes, gising. bat diyan ka natulog?" tanong ni pat, nakatulog ako?
"nandito ka na pala" sabi ko at sinundan ko siya sa loob "babe saan ka ba galing nag alala ako sayo" sabi ko at kumunot yung noo niya
"ok ka lang agnes? galing ako sa work, tyaka bakit babe yung tawag mo sakin?" tanong niya. tumawa naman siya
"babe naman, yung nangyare kanina wala yun" sabi ko
"anong nangyare kanina? tigilan mo nga ako sa kaka babe mo, girlfriend mo si heather" sabi niya
"babe ikaw yung girlfriend ko" sabi niya. lumapit siya sakin at pinitik yung noo ko. at bigla akong nagising. panaginip lang pala. teka anong oras na ba? 2:00 am na pala, pero wala padin si pat.
"pat nasan ka na?"