Sinigurado ko muna na nakatulog na si Brion bago ako lumabas ng kwarto. Pinaakyat ko rin muna si Louis para makausap ko si ate Danicah ng mag-isa. Si ate Danicah ay nakaupo sa sofa habang nakatulala. Minsan ay napapakunot ang noo niya. Naramdaman niya na nakatingin ako kaya napatingin siya sa banda ko. Kaagad niya akong nilapitan. “Ano ‘yon, Katherine? Is this a prank? Kasi kung prank ito hindi nakakatuwa.” Sabi niya. “It’s true, Ate.” Sabi ko naman. “You keep that child a secret from everyone?” “I did, but only here in Manila. My friends in Iloilo knows about him.” Napatalikod siya sa’kin habang nakahawak siya sa ulo niya. I know this is a very big news to her. “So you were already pregnant during mom’s wake?” Tumango ako. Hindi lang halata dahil maluluwag na dress ang suot ko no

