"I'll bring this to your room," Louis said. Tumango ako at nakangiting sinalubong ang yakap ni Brion. Binuhat ko siya at dinala sa sofa para makaupo kami, he's heavy. "Mommy bakit po hindi kayo sumabay ni daddy?" Huh? I thought he wanted to be with tita kaya hindi siya nakasama sa'min? "Ha? Uhm.." "Diba gusto mo sa'min sumama Brion?" Tita awkwardly laughed and carried him. "Gusto ko sumama kila mommy--" "Katherine, I think Brion's need to sleep." Ngiti ni tita sa'kin. So they're the one who planned this? Every time na pumupunta ako, gumagawa sila ng paraan para magkaroon kami ni Louis ng alone time. I think they're still hoping for us to get back together. "Ganun po ba? Ako na po ang mag papatulog sa kanya." I smiled back at kinuha si Brion sa kanya. Tumango naman siya a

