"WHERE is Euna?"
"Wala na si Euna rito, Red. Nag-resign na siya effectively pa nga dapat next week e kaya lang ewan do'n kung bakit hindi na pumasok."
"S—Si Reyna—tama! Si Reyna, nasa'n siya? Anong oras ang pasok niya?"
Umiling si Joy. "Pati siya ay nag-resign na rin."
Kung awa ang nababanaag ni Red sa mga mata ni Joy ay hindi niya kailangan iyon. Ang kailangan niya ay info na makakapagpasabi sa kaniya kung nasaan sina Euna.
"Try mo nga siyang tawagan, Joy, please," pakiusap niya sa katrabaho ni Euna.
Baka lang kung ito ang tatawag ay ma-contact nito. Ayaw man niyang isaksak sa kukote niya pero baka kasi naka- block siya sa phone ng nobys kaya hindi niya lang ito ma- contact. Though, sinubukan niya kanina sa phone ni Grey na kontakin ay out of reach din naman.
Hindi pa nga lang yata nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyayari. Na nagtatago na ang girlfriend niya.
Na umalis na si Euna nang ganoon na lang.
Kaagad naman na sinunod ni Joy ang request niya. Ilang saglit pa ay pareho na sila nito na naghihintay ng tugon sa kabilang linya.
"What?" naiinip na tanong niya.
Umiling ulit si Joy. "Out of reach e," malungkot na pahayag nito pagkatapos.
"Damn!" Sisipain sana ni Red ang mga paninda sa harap ng counter kung saan sila magkaharap na nag-uusap ni Joy, inawat lang siya ng pinsan na si Grey.
"Hep! Dude, kalma lang."
"Red, huwag! Jusko, wala akong kasama ngayon dito. Hindi ko kayang mag-ayos ng items habang nagkakaha, ano ka ba!" siyang awat din ni Joy sa kaniya. "O, heto, heto pala ang card mo. Hindi ko naman ginalaw 'yan."
Si Grey ang kumuha ng card.
Ang pagsipa na gagawin sana ni Red ay naawat nga. Nasubunutan na lang niya ang sarili at inis na inihilamos ang sarili niyang palad sa kaniyang mukha sa labis na frustrations na nararamdaman sa mga oras na iyon.
Pagkuwa'y napasuntok siya sa ere. "Bullshit!" mahinang mura niya pa.
"E, wala na nga raw. So, saan tayo?" Tanong ni Grey sa pinsan.
"Puntahan natin sa riles. Baka abutan pa natin." Habang sinasabi niya iyon sa pinsan niya ay naglalakad na siya palabas sa convenience store na 'yon.
Ang convenience store na naging saksi sa pagmamahalan nila ni Euna. Mapait siyang napangiti sa tinuran ng isip niya. Saka siya pagod na napasandal sa sandalan ng kaniyang kotse na dina-drive na ni Grey.
"Ituro mo ang daan at hindi ko kabisado."
"Basta idiretso mo lang..." hanggang sa mabunggo na lang tayo.
Kung ang pagkakabunggo o pagkamatay ang kapalit na makita si Euna ngayon, mas pipiliin na lang niya na mabunggo sila. Isipin niya pa lang na wala na ito, na tinaguan na siya nito, hindi na niya kaya.
Kung inaakala ni Euna na ganoon lang kababaw ang pagmamahal niya ay nagkakamali ito.
Nakakainis.
Nakakainis ang ugali nito na ito lang ang sa tingin nito ang may karapatan na mag- decide sa kanilang dalawa. Nag- decide ito na umalis, so, gano'n na lang ba 'yon?
WALANG tao sa bahay nila Euna. Iyon ang pilit na sumisiksik sa utak ni Red pagdating nila roon dahil may kandado ang pinto na noon naman ay hindi nangyari.
Actually, alam na nga niyang walang tao roon dahil malayo pa lamang siya kanina ay halata naman dahil walang ilaw sa bahay.
"Uy, Red, ikaw pala 'yan. Wow! Big time ka na pala ah," pukaw ni Marites sa akmang paninipa ni Red sa munting bakod ng bahay nina Euna. Sinipat siya mula ulo hanggang paa ng kapitbahay ng huli.
Bakit ba lahat na lang ng tao ay inaawat siya sa paninipa? Damn it!
"Hello po, alam niyo po ba kung nasa'n sila Euna? Kung saan sila lumipat?" ani Grey kay Marites.
Natigilan si Red. Oo nga pala, lahat naman ng nagaganap sa riles ay alam ni Marites!
"Ay, oo, umalis na nga sila kanina. Parang nagmamadali pa nga," tugon ni Marites.
"Alam niyo po ba kung saan sila lumipat?" ulit ni Red sa tanong ni Grey rito.
Dapat na alam nito. Kung alam nito ay mabibigyan niya ito ng reward agad-agad.
"Mga anong oras po ba sila umalis?" follow-up na tanong pa ni Grey kay Marites.
Ang huli naman ay tila nag-iisip. "Mga... ay, wala naman nabanggit kung saan lilipat. Ang sabi lang ni Euna, sa amin na raw ang lupang ito. Na babalikan nila ang bahay nilang 'to at baka paupahan na lang nila kasi nga nakalipat na sila."
"Anong oras ba sila umalis?" Kung gano'n kasi na aalis na sina Euna totally sa riles, hindi naman nito siguro iiwan si... Nica!
"Kani-kanina lang. Mga 20 minutes ago," reply ni Marites. "Ay baka abutan mo pa. Madali ka at dadaan 'yon kay Nica!" pasigaw na ang huling nasambit ni Marites dahil kaagad nang inaya ni Red si Grey.
Ang tanga niya. Hindi niya naisip kaagad si Nica. Sana ay kay Jax muna sila dumiretso imbes na sa riles!
Damn! Nag-aksaya pa sila ng ilang minuto sa pakikipag-usap kay Marites.
"SO, pinal na ba ang plano mong 'to?"
Napalingon si Euna kay Reyna mula sa pagsasaayos niya ng mga gamit na tinangay nila palipat. Mga nakakahon pa kasi ang mga 'yon. Inilalabas nila ni Reyna at pareho naman silang hindi pa makatulog.
"Oo naman," pabalewalang tugon niya kay Reyna. "Bakit? Heto na nga at nakalipat na tayo e."
"I mean, alam ko naman na matagal mo na 'tong plano at natuluyan lang dahil kay Red. Pero Euna, 'yong pera sana ay hindi mo na tinanggap. Bayad na naman natin ang bahay na 'to at kaunti na lang ay malilipat na rin naman sa pangalan natin ang titulo ng lupa. Aanhin mo pa ang pera na tinanggap mo mula kay Don Vladimir?"
Bumuntonghininga muna si Euna bago tugunin si Reyna. "Reyna, nakalimutan mo na ba agad na ang kapalit niyon ay ang lupa sa riles."
"Hindi ko nakalimutan kaagad. Hindi ko lang dama at para saan pa ba 'yon at heto nga may sarili na naman na tayong bahay. Uulitin ko pa ba na kaunti na lang ay—"
"Hayaan mo na lang 'yon, please. At least, 'yong mga kapitbahay natin do'n ay safe na ang mga lupa."
"Tatakbo ka bang kapitana ng riles? E, bakit tayo umalis do'n kung gano'n pala?"
Saglit na sulyap lang ang tinugon ni Eun sa sarkastic remarks ni Reyna. Alam niyang hindi nito matanggap ang desisyon niya dahil involved do'n ang paglayo niya kay Red.
"'Yon ang dapat, Reyna. Hindi ko rin naman siya makukuha na mahalin nang kumpleto gayong nalalaman ko ang antas niya sa buhay."
"Hmn, hindi nga ba talaga?" mahinang buska pa sa kaniya ng kaibigan.
"Tita Euna, nakita ko po 'to sa gamit sa ibaba, ang cute po! Puwedeng sa'kin na lang?" pukaw sa kanila ng pamangkin niyang si Arabella.
Nagkatinginan sila ni Reyna.
"Ay, 'yong payong!" bulalas ni Reyna nang may maalala sa bitbit ni Arabella.
Pambata iyon na payong. Hinding-hindi niua malilimutan ung saan galing ang payong na iyon. Oo, cute nga iyon at pambata kaya nakatuwaan ng pamangkin niya nang makita siguro sa mga gamit na nailipat nila.
"'Yong payong na..."
"Oo, Reyna," aniya na lang sa kaibigan na biglang na-excite na ewan.
Sabagay, ang payong na iyon ay bahagi ng nakalipas nila nito kaya gano'n na lang ang galak ni Reyna nang makita iyon ulit.
"Puwede pong sa 'kin na lang 'to?" tanong ulit ni Arabella sa t'yahin.
"Oo naman. Huwag mong sisirain ah, at sayang naman 'pag nasira. Kasing tanda na 'yan ni Tita Euna." Nakangiting turan niya sa pamangkin. Ginulo niya ang mahabang buhok nito.
"Yes! Thank you po, Tita Eun!"
"Sige na, maglaro ka na sa k'warto mo."
Nalukot ang ilong ni Arabella. "Doon po muna ako sa sala, Tita Eun. Manonood po muna ako."
"Bakit naman?" Si Reyna ang nagtanong kay Arabella.
"E, naninibago pa po kasi ako sa k'warto."
"Ha? E, nando'n naman si Ate Nica at si Baby Aneecka ah..."
Yumuko ang pamangkin niya sa sinabi rito ni Reyna, saka mahinang tumugon, "'Yon nga po. Naninibago ako na may... ibang baby rito sa bahay."
Napangiti na lamang sila sa pag-amin ng kanilang si Arabella.
Niyakap naman ni Euna ang pamangkin. "Halika nga... Ikaw talaga, hindi ka na baby. Ate ka na ni Baby Aneecka e."
Mas nalukot ang mukha ni Arabella sa sinabi niya.
"Ay, alam ko na, wait natin na lumaki si Baby Aneecka para may makalaro ka na."
Namilog ang mga mata ni Arabella sa sinabi niya. "Sige po!"
Ganoon lang ito kadali kausap, masaya na nga nagpunta sa kuwarto kung saan makakasama nito ang mag-ina na matulog.
Siyempre pa ay isinama na rin niya ang mag-ina para lang alam ni Nica ang bagong bahay nila.
"'Yong payong na 'yon ay naitabi mo pa pala. Nakakatuwa naman!"
Kibit-balikat lang ang tinugon niya kay Reyna. "Wala namang big deal kung naitago 'yon o naiwala."
"Meron huy! Nagkasunog na kaya sa rile— ang ibig kong sabihin..."
"Reyna, masyado ka lang sentimental." Nailing na saway na lang niya rito.
Pinili nitong huwag nang banggitin ang tungkol sa sunog na nangyari noon sa riles dahil hindi niya gustong napag-uusapan pa iyon.