CHAPTER 20 Papunta ngayon si Madeline sa Dean’s office upang magpaalam, kailangan niya kasing umuwi ng probinsya para kunin ang ilang dokumentong kailangan niya doon. Kinausap na kasi siya ni Mrs. Ocampo at sinabing hinahanapan na raw siya ng report tungkol sa kanya. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay kumatok siya ng tatlong beses, naghintay siyang may magsalita mula sa loob bago siya pumasok. “Come in.” Pinihit niya ang seradura ng pinto at pumasok, para lang magulat nang makita si Jeru doon. “A-Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya rito. “May pinag-uusapan lang kami ni Dean, ikaw, may kailangan ka ba?” tanong ni Jeru na tumayo upang salubungin siya. “Ah, magpapaalam lang sana ako kay Dean,” sagot niya saka dahan-dahang naglakad palapit sa Dean. “Good afternoon po,” magal

