CHAPTER 32 Buong maghapon na hindi nagpakita sa kanya si Nia kaya alam niyang galit ito sa kanya. Gusto niya sana itong puntahan at kausapin ngunit wala talaga siyang balanteng oras sa araw na iyon. Kung bakit ba naman kasi nataon ngayon ang straight class schedule niya! Pagsapait ng hapon ay umuwi siya para magbihis, sinadya niya iyon sa pagbabakasakiling naroon na si Nia ngunit pagdating niya ng dorm ay wala pa ito roon. Wala siyang nagawa kundi ang magbihis na at umalis, hindi rin kasi siya puwedeng ma-late ngayon dahil kailangan niyang bumawi sa ilang araw niyang absent. “Hello, Ems!” bati sa kanya ni Dave pagkarating niya sa Cafe. Ngitinitian niya ito. “Hello, wala pa si Theo?” tanong niya na inilibot ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ito ngunit bigo siya.

