CHAPTER 7
Nang araw ding iyon ay nag-umpisa na siya sa pagiging barista niya. Natuwa siya sa pamumuri sa kanya ni Jacque at gusto ang gaan agad ng pakiramdam niya sa dalaga. Maging si Dave at Jackson ay sinubukan din ang expertise niya sa pagiging magaing magtimpla ng mga inumin at katulad ni Jacque ay wala ring masabi ang mga ito sa sarap ng pagkakagawa niya.
“Wala ka pang karanasan sa bagay na iyan, ha?” nakataas ang kilay na sabi ni Dave habang kinakain ang Chocolate Waffles with Strawberry Cream and Whipped cream habang ang kay Jackson naman ay Mojito Smoothie.
Nakangiti siyang umiling. ‘Tanging sa panonood lang ng tutorials ako nagbase at ang unang nakakatikim ng mga gawa ko ay ang mga magulang ko, pati nga kambal kong kapatid ay nahilig rin sa kape dahil sa pamimilit kong subukan nilang inumin ang gawa ko.”
“You’re gifted! Mabuti na lang talaga at nag-apply ka rito, sayang ang talent mo!” sabi naman ni Jackson na sarap na sarap sa iniinom nitong Smoothie.
Tipid na ngiti lang ang isinukli niya sa mga ito.
Habang wala pang masyadong tao ay minemorya niya ang mga lagayan ng mga sangkap at mga kagamitan. Matalas naman ang pag-iisip niya kaya madali niya iyong mamemorya, wala pa man ay alam niyang mag-eenjoy siya sa kanyang bagong trabaho at hindi na siya makapaghintay na tawagan ang kanyang pamilya para ipaalam na naabot na niya ang pangarap niyang makapagtrabaho bilang isang barista.
“I’m sorry for not treating you well, a while ago,” narinig niyang may nagsalita sa likod niya, paglingon niya ay nakita niya si Dave na nakakrus ang mga balikat at nakasandal sa pinto ng malaking ref.
Ngumiti siya at umiling. “Ano ka ba, wala iyon! Hindi rin naman ako puwedeng magfeeling close agad sa mga bago kong ka-trabaho.”
Tumango ito. “Bago ka ba rito?” tanong nito sa kanya.
“Yup, isa ako sa libu-libong umaasa sa Scholarship Program ng AIS,” sagot niya.
“Scholar ka?” tanong nito na bahagyang nagulat sa sinabi niya.
“N-Nakakagulat ba iyon?” aniya at nagkamot ng ulo.
“You amazed me, hindi madaling makapasok bilang Scholar ng Unibersidad na ito. Siguradong isa ka sa pinakamatalino sa school niyo,” sabi pa nito.
Napangiwi siya. Hindi niya masasabing isa siya sa pinakamatalino dahil alam nya kung hanggang saan lang ang kaya niya. Mahina siya sa ibang minor subjects niya pero binabawi naman niya iyon sa academic at iba pang projects.
“Hindi naman, masipag lang talaga akong mag-review,” sabi niyang napabungisngis. “Scholar ka rin ba?” tanong niya.
Nakangiti itong umiling. “Dave Montalban, the heri of Montalban Real State.”
Muntik na niyang mabitawan ag hawak na cube ice sa pagkabigla. Heir? Tagapagmana? Pero bakit nagtatrabaho siya rito?
“You must be curious why I’m working here, right?” anito.
Tango lang ang sagot niya, hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkagulat sa sinabi nito.
“That’s because this school teaches us to be independent. Hindi ka puwedeng mag-astang mayaman dito at tagapagmana dahil pagtatawanan ka lang ng ibang estudyante dito,” paliwanag nito ngunit hindi pa rin niya nakukuha ang point nito.
“Bawat estudyante rito ay pinapapili kung ano ang gusto nilang subukang pasukan,” dagdag pa nito.
Sasagot pa sana siya pero may lumapit nang costumer sa bar kaya iniwanan na siya nito at kumuha na ng tray. Nagsisimula nang magsidating ang mga estudyante galing sa dalawang dorm, maya-maya lang ay lahat sila naging abala na. Apat lang silang tumatao doon kaya paspasan talaga ang kilos nila, unang araw niya iyon kaya kahit nakakaramdam na siya ng pagod ay hindi niya ininda. Nag-eenjoy siya sa ginagawa niya kaya naman hindi niya napapansin ang takbo ng oras.
“Madie!” Kunot-noo siyang napatingin sa tumawag sa kanya. Ibang pangalan na naman, great!
“Nia, ikaw pala,” aniya nang makita ang nakitang papalapit na roommate niya.
“Ang galing, nakapili ka agad nang mapapasukang trabaho dito, ah!” natutuwang wika nito sa kanya.
“Ah, oo. Mahirap din kasing umasa lang sa allowance na makukuha ko sa Scholarship ko, mas okay ng may sarili akong kita,” sagot niya.
Tumango ito. “Hindi ko alam na ganito palang trabaho ang mas gusto mong pasukan,” sabi nito. “Akala ko pa naman parehas tayong mahilig sa sports kaya ang inaasahan ko na sasali ka sa volleyball team.”
Mahina siyang tumawa mat nagkamot ng ulo. Hobby ko lang naman kasi ang maglaro, iba pa rin ang gusto kong career.
“May gusto ka bang inumin?” pag-iiba niya sa usapan nila.
Nag-isip ito at tumingin sa menu na nasa harap nito.
“Sige nga, kanina ko pa naririnig ang unggoy na iyon na pinagmamalaki ang bago nilang Barista,” nakangiting sabi pa nito at kinindatan siya.
Unggoy? Is it Jackson?
“Bigyan mo ’ko isang Refreshing Punch,” sabi nito.
“Refreshing Punch, coming right up!” sabi niya at kumuha na ng malaking baso at pinuno iyon ng apple juice, saka niya nilagyan ng yelo, lemon at ilang pirasong mint leaves. Pagkatapos haluin iyon ng mabuti ay agad niya iyong ibinigay kay Nia na may kasamang table napkin sa isang maliit na tray.
“Wow! That was fast,” namamanghang sabi nito at kinuha ang order nito. ‘Thank you,” anito at tinikman ang juice.
Hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi, lalo na nang makita niya na nagustuhan nito ang kanyang pagkakatimpla.
“Hmm, ang sarap. No wonder, dito mo piniling magtrabaho. Ang sarap mong magtimpla ng inumin, ha. Tell me, ilang taon ka simula nang matuto kang mag-mix ng mga inumin?” sabi nito habang sumisimsim sa inumin nito.
“Last year lang, nanonood lang lagi ng tutorial sa youtube kaya medyo natuto,” sabi niya.
Lumapit si Jacque at may inabot sa kanyang papel, agad naman niya iyong inasikaso. Nagpaalam siya saglit kay Nia para asikasuhin ang order na binigay ni Jacque, hindi naman nagtagal ay nakompleto niya ang order nito.
‘Thanks, Em-Em,” nakangiting wika ni Jacque at sinulyapan si Nia bago ito umalis.
Nakaramdam siya ng tensyon sa pagitan ng dalawang babae, para bang may lihim na alitan ang mga ito dahil hindi man lang ito nagpansinan at nagbatian sa ilang minutong iniwan niya ang mga ito.
“Em-Em? Iyan ba ang palayaw mo?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Umiling siya. “Si Jackson ang nagbigay sa akin ng palayaw na iyan, cute namang pakinggan kaya hinayaan ko na,” nakatawang sabi niya rito.
Napasinghal ito. “Kahit kailan talaga,” sabi nito at napailing.
“Hintayin na kita hanggang sa magsara kayo, ah. Boring din naman mag-stay sa room natin,” sabi niya at nagpaalam na sa kanya.
Tumango lang siya at kinawayan ito. Lumapit naman si Dave sa kanya at may inabot na dalawang papel ng order.
“Magkakilala pala kayo?” tanong niya na ang tinutukoy ay si Nia.
“Ah, siya ang roommate ko. Bakit may problema ba?” tanong niya habang kumukuha ng cupcake at dalawang chocolate cake.
Hindi ito sumagot kaya mas lalo siyang na-curious ngunit hindi na siya nag-usisa, baka kung ano ang sabihin sa kanya gayong kakaumpisa pa lang niya sa trabaho.
Habang palalim ng palalim ang gabi ay padami ng padami ang mga estudyanteng pumapasok para mag- star gazing. Sa laki at luwang ng Cool Bratz ay halos mapuno iyon ng mga estudyanteng nagdo-dorm at gusto niyang malula dahil lahat ng mga naroon ay mga tagapagmana ng mga kilala at naglalakihang kompanya ng bansa at mayroon din sa ibang bansa. Gusto niyang manliit dahil para siyang langga na nasa kuta ng mga elepante, gayunpaman ay isinantabi niya iyon at ginawa ang lahat para makakuha ng magandang impresyon sa mga ito.
***
Samantala sa mansiyon ng mga Levesque ay nagtipon-tipon sa isang mahabang hapag-kainan ay nagtipon-tipon ang pamilya ni Jeru. Tahimik silang kumakain ng hapunan, pasado alas diyes na ng gabi at talagang hinintay siya ng mga ito para makasalo sa pagkain.
Nagpatuloy lang siya sa pagkain habang ang kanyang isip ay lumilipad sa loob ng Arcadia International School. Alam niyang sa mga oras na ito ay nagtatrabaho na si Madeline sa Cool Bratz, at nakatanggap siya ng mensahe kanina galing kay Jackson na nagsasabing magaling daw si Madeline sa pagmi-mix ng mga inumin.
Nahinto siya sa pagmumuni-muni nang marinig ang pagtikhim ng kanyang Lola.
“Jeru, how’s your trip?” seryosong tanong nito.
Ibinaba niya ang kanyang hawak na kubyertos at tumingin sa kanyang Lola. “Do I need to repeat the report of my secretary, Lola?” seryoso niya ring tanong dito.
“Jeru, anak . . .” saway sa kanya ng kanyang ina.
Napahinga siya ng marahas at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin na nasa gilid niya. “I’m sorry, I’m tired. Alam niyo naman na ayaw kong paulit-ulit akong tinatanong sa isang bagay,” aniya.
“I just want to ask you if you’re okay, masama ba iyon?” tanong ng kanyang Lola.
Hindi siya sumagot, at pinagmasdan ang kanyang pinggan. “Tomorrow I’ll be staying in my dorm. I need to rest and go to school like—”
“You don’t need to go to school, Jeru. You’re the heir of Levesque Empire and—”
“Like a normal person,” putol niya sa sinasabi ng kanyang Daddy. “Just like you said, I am the heir of Levesque Empire, so I need you to trust me. Hindi ko pababayaan ang kompanya at hindi ko igi-give up ang pag-aaral ko. I want to feel that I’m normal and live my life. Don’t try to pressure me nor let me choose because I will always choose to be alone and leave everything. Kaya kong mabuhay mag-isa na hindi kailangan ng kayamanan niyo,” mahaba niyang turan at tumayo na at walang lingon-likod na umakyat sa kanyang kuwarto.
Being a heir is a pain in the ass. Mas gugustuhin niya pang maglako sa kalsada ng kung anu-ano kaysa ang makulong sa isang responsibilidad na ipipilit sa’yo kahit na hindi mo pa gustong tanggapin iyon.
Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto ay nakita niya agad ang kanyang maleta, hindi na niya iyon pinagkaabalahan dahil iyon balak niyang lumipat ngayon din sa dorm. Hindi na siya makapaghintay na muling makita si Madeline, kahit sa malayo lang, okay na iyon sa kanya. Masiguro lang niyang ligtas ito ay okay na siya.
Naglakad siya papunta sa kanyang banyo para maligo na, doon na siya magpapahinga sa dorm, isa pa inaasahan na rin siya ng mga kaibigan niya ngayon na darating kaya hindi siya puwedeng hindi magpunta ngayon.
Pagkalabas niya ng kanyang banyo ay muntik na siyang mapasigaw nang makita ang kanyang Lola na nakaupo sa kanyang kama.
“Lola naman, huwag mo nga akong gugulatin ng ganyan!” nakasimangot na sita niya rito.
“Ang lalim na naman nang iniisip mo at hindi mo namalayan na nakapasok na ako. Ngayon mo na ba balak magpunta sa dorm?” tanong nito nang makita ang dalawa niyang maletang malaki.
“Opo,” tipid niyang sagot habang pinapatuyo ang kanyang buhok at naglakad papunta sa cmalaki niyang cabinet.
“Apo, talaga bang kakayanin mong pagsabayin ang pag-aaral at ang kompanya? Baka naman magkasakit ka na niyan,” nag-aalalang sabi ng kanyang Lola.
Kumuha siya ng isang simpleng V-neck na t-shirt at kulay abong jogging pants at saka humarap sa kanyang Lola.
“Hindi ko kaya, Lola, puwede na bang mag-focus na muna ako sa pag-aaral at hintayin niyo na lang akong grumadweyt bago ko hawakan ang kompanya?” sabi niya rito.
Wala siyang narinig na sagot dito, alam niyang hindi, At hindi na niya hihintayin pang ipaliwanag nitong muli sa kanya kung bakit hindi, dahil isa lang ang kahahantungan niyon—ang sakit ng kanyang Daddy.