CHAPTER 26 Hindi mapakali si Madeline sa loob ng banyo, sa likod ng pintong sinasandalan niya ngayon. Mahigpit niyang hawak ang puting tuwalya at hindi alam kung ano ang gagawin pagkatapos niyang magpalit ng damit. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata, kailangan niyang iklaro ang uak niya para paglabas niya mamaya ay walang kahit na anong kahalayan kapag kaharap na niya si Jeru. “Isang gabi lang kayong magkasama, Madel, kaya mo iyan,” sabi niya sa kanyang sarili saka muling huminga ng malalim. Muntik na siyang mapalundag nang makarinig ng katok sa labas ng pinto. “Madeline, are you okay there?” tanong nito. “H-Ha? Ah, w-wala,” malakas na sagot niya at mabilis na naglakad palapit sa may lababo upang buksan ang tubig. “S-Sandali na lang ako!” dagdag pa niya. Mabilis siyang

