HUWAG PO MUNANG BASAHIN PARA HINDI MASAYANG ANG COINS NIYO. ________ LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Madeline upang hindi maabutan ng dalawang lalaking humahabol sa kanya. Kung bakit naman kasi naisipan niyang dumaan sa makitid na eskinitang ito na hindi man lang inisip ang mga tambay at sigang nakatira sa lugar na’to. Tiyak na lagot na naman siya sa Papa niya kapag nalaman nitong hindi na naman niya dala ang kanyang scooter. Pang ilang beses na bang nangyari ang ganitong eksena? “Bumalik ka ritong babae ka! Akala mo may matatakbuhan ka pang iba? Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita!” Pasigaw na sabi nang matabang panot na nasa di-kalayuan at pilit na tumatakbo nang mabilis maabutan lang siya. Hindi niya ito pinansin at mas lalong binilisan pa ang pagtakbo, nagbabakasakalin

