CHAPTER 35 “Namamagitan? You mean, may something sa amin ni Jeru?” tanong niya rito. Tumango naman ito sa kanya at napakamot ng ulo. “Pasensya ka na sa tanong ko.” Umiling siya saka ngumiti. “We’re not in a relationship,” sagot niya. “Ang pagiging malapit namin sa isa’t isa ay dahil sa ilang beses niyang pagtulong sa akin. Nakakahiya naman kung bigla ko na lang siya iwasan, ‘di ba?” “Right,” nakangiti ito habang sunod-sunod na tumango. “Bakit mo naman bigla naitanong iyon?” natatawang sabi niya rito pero sa loob-loob niya ay ang bilis ng t***k ng puso niya. Pinipigilan niya ring huwag pumiyok at baka magbigay iyon ng ibang kahulugan dito. “I knew Jeru, kahit kailan ay hindi siya nagbibigay ng atensyon sa kahit na sino, maliban na lamang kung mahalaga iyon sa kanya.” “G-Ganoon ba iyo

