CHAPTER 23 Pagdating nila sa terminal ng mga bus ay hindi siya hinayaan ni Jeru na magbayad sa taxi, kahit ano’ng pilit niya ay hindi nito tinanggap ang pera niya. “Nakakahiya, Jeru, hindi ka dapat gumagastos dahil—” “Don’t mention it, maliit na bagay lang naman iyon. Isa pa, sakay din naman ako ng taxi,” nakangiting sabi nito. “O, sige, ganito na lang,” sabi niya na tinigilan na ito. “Ako na ang magbabayad ng ticket natin sa bus, huwag ka nang tumanggi at baka kapag nalaman ni Mama at Poppy na nagpalibre ako ay baka makatikim ako ng pingot sa tenga,” mahabang litanya niya rito. Nakangiti naman itong tumango. “Okay, deal.” Natuwa siya sa pagsang-ayon nito, kaagad siyang lumapit sa isang konduktor at sinabing sasakay sila ng bus papuntang Vigan. Pagkatapos niyang magbayad ay sumakay n

