Kate's Pov Mainit ang ginawang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Kylie, kaya hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko akalain na ganun sila kasaya kasama. Pagkatapos naming makipagkwentuhan sa mga kamag anak ni Kylie nagdecide kaming magpahinga muna. Kinagabihan, after kumain nagkayayaan ang mga pinsan ni Kylie na mag stroll daw. Don ko lang din nalaman na may motor sya at marunong pala itong magdrive nun. Nadagdagan na naman ang pogi points nito sa akin. Kasama ang pinsan nyang may kanya kanyang motor at syempre may kanya kanya ding angkas na lalaki, actually kami lang ang babae sa aming anim. Napapailing nalang ako sa isiping iba-ibang babae na ang naisakay ni Kylie sa motor nya noon ang andito pa sya. Habang nagdadrive ito, wala naman itong tigil ng kadadaldal na na parang tou

