Chapter 2

1436 Words
Kate's Pov Habang nasa bus ako at umiiyak knina ay may babaeng nagbigay sa akin ng panyo ,at nanglibre ng pamasahe ko. Di ko man kilala yung babaeng yun, alam kong mabait sya, at magaan ang pakiramdam ko sa kanya, kahit nga kinausap nya lang ako eh medyo gumaan na kahit papano ang pakiramdam ko. Andito ako ngayon sa bahay ni Nica ang best friend ko, simula nung nakita ko kanina ang boyfriend kong kahalikan ang ex nya, di ko mapigilan ang umiyak. Kaya nga pinag-bus nalang ako nitong si Nica at baka maaksidente daw ako kung magdadrive pa ako ng sasakyan papunta sa kanya, wala akong ibang mapagsabihan kundi sya lang. Di ko rin naman sya pinayagang sunduin ako kasi malayo ang byahe eh buntis pa man ito sa panganay nila ng kuya ko, buti na nga lang at nasa ibang bansa ngayon si kuya kasi inaasikaso nya ang business namin doon. "Bess oh uminum ka muna ng tubig." inabot ko naman ang tubig at uminum. "Salamat bess." pagkatapos kong uminum ng tubig, di ko mapigilan ang mga luha na pumatak mula sa aking mga mata. Nilapitan naman ako nito at hinimas ang aking likod. Lalo tuloy akong napaiyak kung kelan naman may nagkocomfort na sa akin saka naman lalong di nagpaawat ang mga luha ko, nakakainis.!! "Okay lang yan bess, iiyak mo lang lahat. Ayaw man sana kitang pagalitan pero kasi," sabi nito na binitin pa ang sasabihin " kasi nga di ba,? sinabi ko na sayo na di maganda ang kutob ko don sa lalaking yun. Feeling ko unang kita ko palang eh di na talaga mapagkakatiwalaan.Sorry bess,kung ngayon ko lang to sasabihin sayo." bigla naman ako napalingon dito. " Ano yun bess?" " Kasi bess nung nanliligaw yun sayo nanliligaw din yun sa akin. Nung nalaman kong nanliligaw sya sayo binasted ko na yun. Di ba natatandaan mo nung sinabi ko na wala akong tiwala sa kanya? isipin mo nalang bess kung sa panliligaw palang di na sya loyal sayo ano pa kung naging kayo, di ba? Kaya nga ilang ako sa kanya kahit nung kayo na, nagpaparamdam pa rin yun sa akin kaya talagang pinagang sabihan kita na barabantayan mo sya. Sorry bess kung pinatagal ko pa ng isang taon bago ko sinabi to sayo. Masyado ka kasing nabubulag sa pagmamahal mo sa kanya di ka sa akin naniniwala." mahabang paliwanag nito. Bigla tuloy akong napa-isip. Ganun na ba ako katanga pag dating sa kanya? Napaiyak ako lalo ng marealize ko ang katangahan ko. Alam kong ilang beses na akong pinagsabihan nitong si Nica pero di ako naniwala. My God!! "Sorry bess kung di ako nakinig sayo, sorry talaga." sabi kong puputol putol dahil sa pagsigok. "Shhh, wag mo na isipin yun, ang mahalaga natauhan kana. Kelan mo ba balak makipaghiwalay sa kanya? or may balak kabang hiwalayan sya.?" sabi nito habang hinihimas ang likod at inabutan ako ng tissue. "Nakipag hiwalay na ako bess kanina nung makita ko silang dalawa, nilapitan ko at sinabing break na kami, hindi ako sanay sa iskandalo kaya pag kasabi ko nun ay umalis na din ako." "Good at ayaw kong malalaman na, nagpapadala ka nanaman sa mga mabubulaklak na salita nung lalaking yun. Ganun ang taktiks ng mga babaero nu." medyo napangiti naman ako sa sinabi nya, kasi alam kong ang kuya ko eh bolero din pero di babaero, ayaw ko lang syang barahin ngayon baka mabatukan ako, di ako makakaganti buntis eh. "Nyan buti naman at ngumingiti ka na. oh ai sya magpahinga na tayo bess magagalitan ako ng kuya mo pag nalaman nyang nagpuyat ako alam mo naman yun, napakastrict pagdating sa health ni baby.hahaha" tumayo na ito at inakay na sya sa taas. "Bess pwede ba akong tumabi sayo matulog?" sabi ko na may paawa effect pa. "Tatabi ka pero hindi ka mang aanday hah? Maiipit ang pamankin mo, patay ka sa kuya mo.hahaha" "Oo promise bess ayaw ko lang matulog mag isa." at pumasok na ako sa kwarto nito. "Ahm bess, isa pa palang favor, baka naman pwede makahiram na din ng pantulog na damit. hehehe"nahihiya ko pang sabi. "Alam mo bess, bilib ako sayo. Kasi sa tuwing heartbroken ka, basta maiiyak mo na at maikwento ang feelings mo sa iba. Para ka ng hindi heartbroken, anong sekreto mo bess?"nagtataka pang tanong nito. Napangiti naman ako sa sinabi ni Nica. To answer that question, di ko din alam. Tatlong beses na akong naheartbroken lahat yun dahil sa third party, gaya ng sinabi ni bess basta mailabas ko na ang sama ng loob ko at naiiyak, gumagaan na ang pakiramdam ko at sumisigla na kahit papano. Altough medyo matamlay pa din pero di na gaano. "Di ko din alam bess, di lang siguro ako mahilig magtanim ng sama ng loob sa tao.? alanganin kong sagot kasi di ko nga din talaga alam kung bakit. "Di kaya bess di mo talaga sila ganun kamahal ?" sabi pa nito habang kumukuha ng damit nya na susuotin ko. "Kung di ko sila mahal bess, di ako masasaktan diba?" sabi ko naman. "What i mean is, mahal mo nga sila pero di pa sila great love kasi ambilis mong makamove on." sabi pa nito. Medyo napa-isip naman ako sa sinabi nito, may point sya kasi talagang ganun ako pagbrokenhearted, ewan di ko alam. "Siguro nga bess, malay mo naman na nasa paligid ko lang pala ang great love ko di ko lang makita kasi--" "Pag may jowa ka nganga lahat na bigay, yung jowa mo na lang nasa paningin mo wala ng iba, napaka loyal ,di naman sila loyal sayo. " putol nito sa sasabihin nya. "Ai bess grabi magsalita, lahat bigay talaga ni isa sa kanila wala akong pinagbigyan ng isang bagay na napakaimportante sa akin ano?"pagtatanggol ko naman sa sarili ko. "Oh sya sya payag, maiba ako bess buti pala di ka nakalagpas sa babaan sa Pala-pala, alam mo bang lahat ng bus na lumalagpas habol ko ng tingin at baka andon ka, di ka naman sanay sumakay sa mga pampasaherong sasakyan." Bigla kong naalala yung babae kanina, di ko napigilan ang mapangiti. Napakamaalalahanin nya kung tutuusin kanina lang kami nagkita at wait di ko pala alam ang pangalan nya. "Hoy! bess nabuang kana ata ,kanina iiyak iyak ka ngayon ngumingiti ka ng walang dahilan. Matatakot na ba ako sa safety ko ngayon? Need na ba kitang dalhin sa mental?" tiningnan ko naman ito ng masama dahil sa sinabi nito, natawa pa ako ng makita kong bigla syang natakot. Naku kung di lang talaga sya buntis kanina ko pa sya pinagtripan.hahaha "Bess ganyan ba pagbuntis nagiging OA? Kung ganun, parang ayaw ko na magbuntis kahit maging matandang dalaga nalang ako, okay na.hahaha." nakita ko namang nainis ito sa sinabi ko. "Alam mo bess may naisip ako kanina kaya bigla akong napangiti, di ko man akalaing mag-o-overthink ka na agad na baliw ako.hahah" "Eh ano ba kasi ang iniisip mo at napangiti ka? eh tinatanong lang naman kita ano?" sabay taas ng kilay. " Eh bess naalala ko kasi yung babae sa bus, kaya di ako nakalagpas sinabihan nya kasi yung konduktor na sabihin sa akin pag Pala-pala na, at take note nilibre ako ng pamasahe. At tyaka mukhang inulit nya ulit paalalahanan yung konduktor bago sya bumaba sa imus, nakita ko kasing kinausap nya ito bago sya bumaba. Tapos nung malapit na ako eh lumapit sa akin si kuyang konduktor at sinabing malapit na yung pala-pala." paliwanag ko naman dito, pero kunot naman ang noo nito ngayon. " Wala ka bang pera? kasi nilibre ka lang yang ngiti mo iba." napaka-OA talaga kahit kailan. " Kasi nga first time kong sumakay sa bus tapos, di ko akalain na may lalapit sa akin para icomfort ako at paalalahanan, ngumingiti ako kasi ,masaya ako na kahit sa panahon ngayon may mga tao pa rin talagang mabubuti ang kaluubang tumulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit." paliwanag ko ulit. "Pag ba buntis bess moody din? ang dami mood swings nakakasura na....matulog ka na nga at maglilinis lang ako ng katawan. Goodnight bess." sabay talikod at punta sa banyo, may sasabihin pa sana ito pero sinara ko na ang pinto ng banyo. Habang nasa banyo iniisip ko yung babae, naalala ko may binigay syang card sa akin. One of this days pupuntahan ko sya sa work nya para personal na makapagpasalamat, at makipag kaibigan na din mukhang masarap syang maging kaibigan eh. . . . . . . . . .hello again guys sorry po sa mga typos ko guys di na kasi makapag edit ehh...pagtyagaan nyo munang intindihin yung story.. soon kikiligin na kayo... loveyouallguys?? staysafealways?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD